Love

3.1K 105 2
                                    

Kung iisipin ay hindi naman ganung kalaki ang naging away nila ni Wencell o kung matatawag ngang away ang nangyari sa kanila. Halos isang linggo na kasi ang nakalipas pero hindi pa rin sila nakakapag-usap ng maayos.

Tamang magkatabi sila sa higaan pero magkatalikuran naman at parang bumalik sa dating ugali si Wencell, naging seryoso na ito at naging tahimik, na kung hindi niya tatanungin ay hindi sasagot.

Gusto ng umiyak ni Eveory dahil sa nangyayari sa kanila ni Wencell , para kasing pakiramdam niya ay parang domino na natabig lang ang simula ay sunod-sunod na natumba ang lahat ng pinuo nila sa kanilang relasyon.

Kagaya na lamang ngayon, nagising siya na wala na ang asawa sa tabi, nakita niya na alas- nuwebe na pala ng umaga. Kaya kahit mabigat ang katawan niya ay pumilit siyang tumayo at bumababa sa kusina , nagulat naman siya ng makita ang isang bugkos ng rosas sa ibabaw ng lamesa at may nakadikit na note.

Unti-unti ay napangiti siya ng mabasa ang note.

Hon,
Good morning hon. I hope you like the roses, and I wish we can be alright after this. Thank you hon, remember you are MY WORLD.

P.S.
I made a breakfast for you.

Love,
WF-

Isang desisyon ang nabuo sa utak ni Eveory . Mabilis niyang kinain ang nasa hapagkainan at saka naligo para gumayak patungo sa opisina ni Wencell.

Hindi pedeng hindi kami magkaayos .

Pero napahinto siya sa huling baitang ng hagdan ng makita ang asawa na nakayuko habang papalapit sa kanya.

Hindi niya alam kung napansin na ba siya nito, dahil patuloy lang ito sa paghagod sa buhok nito na para bang may malaking problema na dinadala ito.

"Wencell." Nagulat pa ang asawa niya ng mag-angat ito ng paningin ay nakita siyang nakatayo sa harapan nito. Hinagod siya nito ng tingin saka napakunot-noong tinignan siya.

"Saan ka pupunta?" Halata sa boses nito na para bang may mabigat itong pinagdadaanan.

"Pupuntahan sana kita sa office mo." Nakita niya na nagulat ito, pero maya-maya ay biglang sumilay muli ang ngiting hinintay niyang muling lumitaw sa loob ng isang linggo.

Nagulat pa siya ng hapitin ni Wencell ang bewang niya saka ipinatong nito ang noo sa noo niya.

"I miss you like crazy." Titig na titig ito sa mga mata niya na para bang hinihiling na sana ay ganon rin ang nadadama niya.

"Kanta yun diba? I miss you like crazy." Nilagyan niya pa ng tono ang linyang sinabi ng asawa, natawa naman ito saka hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"Yeah, your right. I really miss you, please can we stop this. Its make me feel like dying. " Naawa naman siya sa itsura ng asawa dahil sa nakikitang paglungkot ng mukha nito. Hinawakan niya ang isang bahagi ng pisngi nito.

"I miss you too." Parang magic word ang sinabi niyang kataga dahil mabilis na lumapat ang labi ni Wencell sa kanya, ramdam na ramdam niya ang pananabik nito sa kanya.

He kissing her, looks like its there's no tomorrow. Ipinalupot naman niya ang braso sa batok ng asawa .

Humiwalay ito, at kapwa sila habol ang hininga.

"I'm sorry about last time, I didn't meant to rush you." Nakayakap pa rin sa kanya si Wencell pero may sapat na espasyo sila para makita ang mukha ng isa't-isa.

"Ok lang. Sorry din kasi bigla akong umalis."

"Its ok , we can't forget all about that." Napasibangot naman siya sa sinabi ni Wencell, naalarma naman si Wencell dahil sa pagsibangot niya.

"Hey, what wrong?"

"Madaya ka, gusto mong kalimutan ko ang pagsasabi mo ng 'i love you'." Humiwalay siya dito saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib niya.

"No, I mean the walk out scene at yung hindi natin pagkikibuan. Come on hon, kababati lang natin." Gusto niyang matawa sa itsura ni Wencell dahil unang beses niyang makitang mukha itong hopeless .

"Joke lang. Pero hindi ka ba interesado sa sagot kong sa i love you mo?" Siya na ang yumakap dito sa bandang tagiliran nito. Ngumiti na muli ito saka siya inakbayan.

"Your answer? Its doesn't matter, because, love never waits anything for return. My love to you never expect anything in return , because I just want you to feel and to see how much I love you." Para gustong magwala ng puso niya at magtatalon sa sobrang saya dahil sa sinabi ni Wencell, matindi ang impact para sa kanya ng sinabi nito at pakiramdam niya ay mas lalo siyang na-in love sa asawa. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa.

"Thank you .. and I LOVE YOU TOO." Naramdaman niya na natigilan ang asawa niya kaya sinamantala niya iyon. Tumingkayad siya at sinapo ang magkabilang pisngi nito ng kanyang dalawang palad saka binigyan ng isang matamis na halik.

Sandali lang hindi nakahumang si Wencell pero ng mag-sink in sa utak niya ang sinabi ng asawa ay hinapit niya muli ang bewang ni Eveory saka hinawakan ng isang kamay niya ang batok nito, bago niya binuhat si Eveory.

Alam ni Eveory kung saan patungo ang halik na kanilang pinagsaluhan at buong puso niyang hinanda ang sarili sa magaganap sa umagang iyon.

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Where stories live. Discover now