Face-off

3.4K 113 2
                                    

Kinahapunan ay umalis siya sa bahay nila ni Eveory, pero bago niya iwan ito ay sinundo niya ang mga kaibigan nitong si Regine at Judie. Hindi kasi siya mapapakali kung sa mga kasambahay lang niya iiwan ang asawa.

Mabilis niyang tinawagan ang number ng kaibigang si Rusvil. Tatlong ring ang nakalipas bago nito sinagot ang tawag niya.

"Hello , whats up bro?"

"Rusvil, can you do me a favor?"

"Sure, what kind of favor?"

Sinabi niya ang gustong ipagawa dito, nakinig naman ang nasa kabilang linya .

"Did you get it?"

"Yup, but wait did your wife know about it?".

"No." Natahimik naman ng ilang sandali ang kausap niya sa kabilang linya, saka ito bumuntong hininga.

"Ok. I'll take care of it.Good luck man."

Pinutol na agad niya ang linya ng makita niya ang lalaking pakay na patungo sa gawi niya.

"So, what can I do to you Mr.Favillion?" Gusto niyang sapakin ang kaharap dahil sa ngising ibinigay sa kanya nito.

"Take a seat, Mr.Gomez"

Nasa isang coffee shop sila, pinili niya ang lugar kung saan hindi sila makakakuha ng masyadong atensyon.

Nakangiti pa rin ito ng nakakalokong inakupahan ang silya sa harapan niya, samantalang siya ay seryoso lang na nakatingin dito.

Nag-order na siya kaya, nang tawagin niya ang waiter ay nilagay na nito ang order niya.

"I got our order. " Hindi naman ito sumagot pero nakangisi pa rin.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy Mr.Gomez.  I want you to stay away from my wife." Nakita niya na mas lumapad naman ang ngiti nito. Matinding pagtitimpi ang ginawa niya para wag lang masapak ang lalaki.

"Mr.Favillion, bakit mo sinasabi sakin yan? Do you think I'm a threaten?" Siya naman ang ngumiti ngayon.

"Mr. Gomez, kahit minsan hindi ko iniisip na isa kang tinik sa relasyon namin. Eveory loves me and I love her more than you know, kung nagtataka kung bakit ko ginagawa to. Isa lang ang dahilan, hindi para sa relasyon namin ni Eveory. Kung hindi para kay Eveory talaga, I don't want to see my wife like that. Hindi ko gugustuhin na sa tuwing magkikita kayo ay parang pakiramdam niya ay pinaasa at sinaktan ka niya. She doesn't do anything to you . Alam mo yun, kaya hindi ko papayagan na palaging makakaramdam ng guilt ang asawa ko. She can feel better than that." Ang ngiti nito kanina ay unti-unting nawala at siya naman ay naging seryoso na rin.

Nakita niya na natigilan at ilang sandaling parang nag-isip.

"Ok, I'm sorry, hindi ko akalain na ganon pala ang nararamdaman niya. Oo, I admitted nasaktan ako, hindi dahil iba ang pinakasalan niya , but because she doesn't told me , and I can believed it, she thought , na siya ang may kasalanan? Of course not." Kahit papano ay nakahinga naman siya ng maluwag , mukhang hindi naman ito mahirap pakiusapan.

"Pero, hindi naman pedeng lumayo ako sa kanya. Kaibigan ko siya and I still want to be her friend. Mr.Favillion,  I guaranty to you that I already move on. Hindi ko alam kung sapat na bang patunay na katotohanan na kasal na rin ako." Nagulat naman siya sa sinabi ng kaharap saka lang niya napansin ang singsing sa kaliwang kamay nito.

"Gad! Really? " Saka lamang siya nakahinga ng malalim ng tumango ito.

"Yeah, I'm 2 years married and I love her, and I like Eveory before but not as much as I love my wife. Kaya lang naman ako umuwi ay para sabihin sa kanya, that I can't marry her because I found the one." Napapailing siya, alam niyang napakacorny na ng kaharap pero alam niya kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal at kasama na roon ang pagiging corny.

"Good, then I think we can be good?" Nakangiti na siya. This time he smile in true happiness.

"Yes , Mr.Favillion. " Sabay silang tumayo at nakipagkamay sa isat-isa.

Masaya siyang umalis ng coffee shop na iyon. Leaving Krisper inside ay dumeretso siya sa sasakyan niya para bumalik sa bahay kung saan naghihintay ang asawa niya.

I missed her so bad.

Tinawagan na muna niya si Rusvil para ipa-cancell ang plano niya. Natawa naman ang kaibigan niya ng marinig na ayos na ang lahat. Well, sino ba ang hindi matatawa sa pinaggagawa niya? He was planned to give a big time deal for Krisper, ibibigay niya ang buong kompanya niya dito layuan lang nito si Eveory, but luck was in his side, dahil hindi niya kaylangang gawin ang mga iyon.

Napapangiti na lang siya sa kalokohan niya.

Eveory will surely kill me if she knew about this.

Dumaan siya sa isang fruit stand at agad bumili ng pinaglilihan ng asawa, ang pinya.

Sana hindi tubuan ng maraming mata ang anak namin.

Napapailing siya sa isipan habang nadri-drive kakaiba kasi ang pagkain na ginugusto ng asawa niya. Katulad na lang ng pinya na sinasawsaw nito sa ketchup, gusto niyang agawin sa asawa ang kinakain nito pero naalala niya ang payo sa kanya ng kanyang mama. Masama raw kapaghindi ibinibigay ang pinaglilihan ng buntis pede raw malaglag ang baby at syempre! He can't afford to lose his first baby at baka iyon pa ang maging mitya ng paghihiwalay nila.

Pinagbuksan naman agad sila ng isa sa mga kasambahay nila ng gate. Agad niyang pinarada ang kotse sa garahe at mabilis na pumasok sa loob, pero wala sa sala ang asawa niya.

"Manang, asan po si Eveory?" Binalingan niya ang kasambahay.

"Nasa taas po sir, kasama po ang mga kaibigan niya. " Ibinigay niya muna sa matanda ang dala niya saka umakyat siya ng second floor.

Napahinto siya sa tapat ng guest room dahil nakita niyang bahagyang bukas ang pinto roon at narinig niya ang mahinang tawanan sa loob . Lumapit siya at balak na sana niya sanang pumasok ng mapatigil siya sa narinig mula sa loob.

"Talaga? Gad! Eveory amg swerte mo naman, ibig sabihin yung first love mo noong high school ka si Wencell yun? Tapos ngayon nagkatuluyan kayo after soooo many years!" Nagulat naman siya sa narinig pero unti-unti ay napangiti siya ng malawak.

Kung ganon! She loves me even before?

Hinintay niya ang sagot ni Eveory.

"Yes."

Hindi mapaliwanag ni Wencell kung gano siya kasaya.

Imagine! Akala ko takot siya sakin tapos, gad! I want to kiss her.

Hindi na nga napigilan ni Wencell ang sarili at pumasok sa loob.

"Wencell." Halata ang pagkagulat sa mukha ng tatlo pero mas natuon ang paningin niya kay Eveory, in his wife.

"Can you give ups a minute?" Nakangiti niyang pinangbalingan ng tingin ang dalawang kaibigan ng asawa. Mabilis naman itong nag-si-labas ng guest room.

Pagkarinig na pagkarinig ng pagsara ng pinto, agad niyang inilagay ang isang kamay sa bewang nito saka niya hinawakan ang kabilang pisngi nito na namumula.

"Your blushing" Biro niya dito.

"N-narinig mo?"

"Yes" Nakangiti niyang sagot.

"Gad! Nakakahiya." Tinakpan pa ni Eveory ang mukha niya ng dalawang kamay , inalis naman niya ang mga kamay nito.

"Walang nakakahiya hon, because that part of your life was enchanting me." Saka niya ginawa ang kanina pa niyang gustong gawin sa babaeng nagbibigay saya sa buhay niya. He kiss her with full of love and passion.

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Where stories live. Discover now