Back

3.3K 89 1
                                    

Kasalukuyan nasa apartment siya nila Regine at Judie ng mga oras na iyon. Nagpahatid siya kay Wencell sa bahay ng mga kaibigan dahil simula ng malaman nilang buntis siya ay tuluyan ng naudlot ang pagbabalik niya sa trabaho kaya isang linggo na ang nakakalipas matapos nilang malaman ang kalagayan ay nagtungo sila kinabukasan sa bahay ng mga magulang niya at sinabi nila ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Naging masaya naman ang buong pamilya niya matapos nilang i-announce ang pagbubuntis niya. Kaya lang ay natatawa naman siya dahil halos hindi na siya iwan ni Wencell kahit saan man parte siya ng bahay pumunta, pero dahil kaylangan nitong bumalik sa kompanya nito ay wala itong choice kundi iwan siya. Hindi rin naman ito napakali ng nasa office na ito kaya umuwi ito agad para sabihin na ihahatid muna siya sa bahay ng mga kaibigan niya at susunduin na lang siya sa hapon.

"Naks, nakangiti ang buntis. Pustahan si Wencell ang iniisip niyan." Natawa naman siya sa sinabi ni Judie. Hindi naman kasi makakaila sa dalawa na ito lang naman talaga ang iniisip niya simula ng maikasal sila ni Wencell.

"Wag ka ng magtaka in-love yan. Saka kita mo nakagawa na ng bata." Singit naman ni Regine na may dalang pagkain sa tray , nasa sala sila kaya naman inilabas na lang ni Regine ang mga pagkain sa kusina.

"Kayong dalawa, kung naiinggit kayo. Magsipag-asawa na kaya kayo." Natatawang saad niya. Inabutan naman siya ni Regine ng juice bago ito ng salita.

"Wala akong oras sa mga lalaki, lalo na ngayon yung medyo nagkakaproblema ako sa pwesto ko sa mall. " Medyo nag-alala naman siya ng marinig ang sinabi ni Regine. May pag-aari kasi itong beautiful parlor, dalawa ang branch noon sa lugar nila. Isa sa mall at ang isa naman ay sa lungsod kung saan malapit sa Erion's Jewelry Shop.

"Bakit anong nangyari?" Siya na ang nagtanong dahil mukhang alam na ni Judie ang problema ni Regine at nanahimik na lang ito, ganun kasi ang kaibigan niya hindi kikibo lalo na kung seryoso na ang pinag-uusapan hanggang hindi mo tinatanong kung ano ang opinyon nito.

"Paano kasi nakatanggap ako ng note sa may-ari East Mall. Medyo mahina kasi ang kita ng salon kaya isa kami sa mapaalis sa pwesto namin." Nakita naman niya ang bahagyang lungkot sa mga mata ng kaibigan.

"Ganun ba? Gusto mo ba kausapin ko si Wencell? Pede siyang makatulong , kasi naalala ko inibitahan ni Wencell ang may-ari ng East mall , medyo hindi ko na nga lang maalala kung nagkaharap ba kami nung kasal pano kasi ang daming tao sa reception. "

"Ano ka ba? Yakang-yaka ko to , saka alam niyo naman na kapaghindi ko na talaga kaya , kayonh dalawa agad ang tatawagan ko. " Napangiti naman siya sa sinabi ni Regine, kasi alam niyang kahit na magkahiwalay-hiwalay silang tatlo ay hindi nila kayang kalimutan ang kanilang pagkakaibigan.

"Sige , basta andito lang kami . "Ngumiti na rin ito.

"Sige na tama na nga. Alam mo naman bawal sayo ang maging malungkot ,sige ka baka maging sibangot yang anak mo." Biro pa ni Regine sa kanya kaya tuluyan nang nawala ang malungkot na atmosphere sa paligid.

"Ano tapos na ang drama niyong dalawa? Pede ng kumain? Nagugutom na kaya ako. " Pinalingan naman nila si Judie na ngayon ay mabilis na kumuha ng chocolate bar at nilantakan agad iyon.

"Tssk, chocolate maniac." Tinaasan pa ng isang kilay ni Regine si Judie.

"Kesa naman lalaki ang maniakin ko. Sabagay, pede rin, may point ka dun Regine . Masarap na mabubusog ka pa at sulit pa." Ngumisi pa ng nakakaloko si Judie.

"Baliw." Natawa na lang siya sa usapan ng mga kaibigan niya.

"Abay nagsalita ang hindi ." Ganti pa ni Judie.

Nagkatawanan na lang silang tatlo dahil sa kalokohan nila.

"Gusto niyong pumunta sa East mall? Punta tayo sa salon , para naman magkaroon tayo ng make-over na tatlo." Si Regine ang kumuha ng atensyon nila mula sa pinapanood .

"Oo nga, maipatrim ko lang tong buhok ko. " Hinawakan pa ni Judie ang buhok nito na hanggang balikat ang haba.

"Ikaw Eve, gusto mo ba?" Regine

"Ayoko kasing pakiaalam yung buhok ko. Baka magalit si Wencell pagpinagupitan ko. " Siya.

"Alam mo papayag yun for sure, tignan mo yang buhok mo aabot na sa balakang mo. Ititirm lang natin." Pangungumbinsi sa kanya ni Regine.

"Osige. "

"Sige wait mag-aayos lang ako. Ikaw din Judie." Tumayo na ang dalawa at naiwan siya sandali. Hindi naman nagtagal ay umalis na rin sila sakay ng kotse ni Regine. Siya ang nasa passenger seat habang nasa likuran si Judie at si Regine ang driver.

"Oo nga pala. Eve, nabalitaan mo na ba?" Napalingon naman siya kay Judie.

"Nabalitaan ang alin?"

"Si Krisper , dumating na . Diba bestfriend mo yun nung nasa high school ka?"

Pagkarinig niya ng pangalan ng dating kaibigan ay biglang nanlamig ang buong katawan niya.

Gad, Sana hindi magkrus ang landas namin.

My Dream Husband.(Book 1: Promising Marriage)Where stories live. Discover now