Iyak kami ng iyak nung malaman naming wala na si Appa.
Grabe naman kasi eh! Kagabi lng magkausap pa kami tapos ngayon wala na sya.
Inatake daw si Appa sa office nya. Hindi na sya umabot pa sa hospital..May sakit kasi sya sa puso eh, noon pa gusto ni umma na tumigil si appa sa pagtatrabaho pero ayaw nya.Kumalma na kami... inaayos na namin yung kwartong paglalagyan ng kabaong ni appa para sa burol nya.. Dito lng kasi sa bahay ibuburol si appa, yun kasi ang gusto ni umma.
Kami ni oppa ang nandito, si umma eh nandun sa funeral homes binabantayan si appa.
Ayaw nya kasing magpasama eh, sabi nya dito nlng daw kami.. sinamahan naman sya ng kaibigan nya."Kevin-oppa bakit naman ang agang kinuha satin si Appa.. ang unfair naman."
"Alam mo Kenna, lahat ng tao sa mundong toh may katapusan. Talagang oras na ni appa para magpaalam. Nagulat nga ako kagabi eh kasi bigla syang pumunta sa kwarto ko at naggood night sakin eh di naman nya ginagawa yun."
"Nagpunta rin pala sya sa kwarto mo oppa... haayy..kahit ilang beses kong isipin ang unfair pa rin." Umiiyak na naman ako.
"Life is unfair Kenna, pero isipin mo yung pagiging unfair ng buhay is the thing that makes it fair. Pantay-pantay tayo kasi para sa atin unfair ang buhay."
May point si oppa. Life is unfair to all of us and that's what makes it fair.
*****
- Husband of BigHit Entertainment's Head Stylist died-
Andito ako sa sala namin ngayon, may mga bisita kasi na dumalaw sa burol ni Appa.. Andun sila sa kwarto na pinaglagyan ng kabaong nya.
Nagpunta rin kanina yung mga classmates ko para makiramay.Binasa ko yung article na nakita ko kanina..
-Mrs. Shane Jung, head stylist of BigHit Entertainment lost her husband due to a heart attack-
Teka? Si Umma toh ah? nasa news yung tungkol sa pagkamatay ni appa..
"Kenna?"
"Umma?--- nasa news po kayo oh."
Pinabasa ko sa kanya yung article."Tsaka umma, sa BigHit na pala kayo nagtatrabaho?".
Obvious ba na di ko alam na sa BigHit pala nagtatrabaho ang umma ko? Haayy, dati kasi mga actors at actresses lng yung inaayusan ni umma..
Sinasama nga nya ako minsan nun eh.. akala ko ganun pa rin yung trabaho nya, head stylist na pala sya sa BigHit ngayon."Ahh-- oo anak.. Hindi ko ba nasabi sayo? Ang alam ko nasabi ko na kay kevin eh."
"Hindi pa po."
"Ahh ganun ba..sya nga pala anak, may bisita tayo bukas na galing sa BigHit. Atsaka, pupunta rin yung BTS dito. Pinapaalam ko lng sayo para hindi ka magulat bukas. Gustong-gusto mo pa naman sila."
BTS????
Tama, kinababaliwan ko nga pala sila. Pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon...pupunta sila sa burol ng appa ko. It doesn't sound happy."Excuse me po."
"Oh? Iho?" Si Yuan pala.
"Ah. Tita nakikiramay po ako." Nagbow sya kay umma tapos ngumiti naman si umma pabalik.
"Pwede ko po bang kausapin si Kenna?"
"O cge. Maiwan ko muna kayo."
"Waeyo?" Nagulat ako kasi bigla nya nlng akong niyakap.
"Mianhae Kenna-ssi."
"Yah---"
"Kung kailangan mo ng kaibigan, andito lng ako."
Napaiyak nlng ako. Lecheng Yuan toh! Haist!

YOU ARE READING
Locked Heart (BTS)
FanfictionThis is an ongoing fanfiction of the kpop group BTS. My very first story published on wattpad.