Andito ako ngayon sa kwarto ko para alamin kung ano ang laman ng paperbag na ibinigay sakin ng BTS kong mahal.. YIIIIEEEE! Excited na ako. Isa-isa kong nilabas yung laman nung paperbag.
May rectangular box-- Galing kay Yoongi oppa. Binuksan ko yun at nakita ang isang silver bracelet.
May cap galing kay Jungkook. Isinuot ko naman kaagad ...haha. bakit ba? Gusto ko isuot eh.
Isang box na naman. Binuksan ko yun at----"WOAW!". SNOWBALL! omo!
Sorry naman. May pagkaadik talaga ako sa mga snowballs simula nung bata ako. Inalog ko yun at tinitigan, grabe ang ganda!
Sinuri ko yung box kung may nakalagay kung kanino galing, pero wala akong nakita. Tinabi ko muna yun para tingnan yung ibang gifts.
Isang cute na notebook galing kay Jimin, knitted scarf galing kay Jin-oppa, eyeglasses na nakakatuwa ang design galing kay Namjoon-oppa at BTS lightstick galing kay Jhope-oppa.So?----- kay V galing tong snowball!
Inikot-ikot ko yung snowball, tiningnan ko yung ilalim.Ayun! Hahaha. May 'V' na nakalagay dun.
Bakit naman kasi ang ikli ng stage name nito eh. Hahaha.Napangiti nlng ako. Kinuha ko yung phone ko then I took pictures of their gifts.
Haaaayyy. This is a dream come true!
****"Umma! Pasok na po ako."
"Sige anak, ingat!"
Kinuha ko na yung bike ko at lumarga na papuntang school.
"Good morning Kenna!". I parked my bike.
"Good morning Yuan." Naglalakad na kami papasok sa school.
"Ganda ng ngiti natin ah!"
"Syempre."
"Dahil ba sakin?".
Aba?! -- ano raw? pfffft! Pwedeng matawa? Hahaha!"Hindi noh. Kapal nito. Sige, una na ako!".
At tumakbo na ako papunta sa classroom namin.
Suot ko nga pala yung bracelet na binigay ni Yoon oppa tsaka yung cap galing kay Jungkook. Dala ko rin yung notebook na bigay ni Jimin. Yung iba iniwan ko sa bahay, alangan namang dalhin ko lahat diba? Aanhin ko naman yun dito? Baka mawala ko pa, mahirap na. Bigay pa naman yun ng Bangtan kong mahal. Yiiiieeeee!

YOU ARE READING
Locked Heart (BTS)
FanfictionThis is an ongoing fanfiction of the kpop group BTS. My very first story published on wattpad.