Chapter 32

5 1 0
                                        


First win ng Blood, sweat & tears ng BTS ngayon sa MCountdown! Nakakaproud talaga sila. Natapos na silang magspeech dun sa stage at ngayon pabalik na sila sa backstage.


Nagfifilm yung isang camera man. Isa-isa na silang pumasok.


"Kamsahamnida!" Yoongi oppa.


Yung ibang members nagpopose lng sa camera. Nung time na nilang lahat na ifilm eh nagpasalamat sila sa mga fans nila.


"Hindi namin toh makukuha kung hindi dahil sa ARMYs! Kamsahamnida!"


"You guys are amazing!" Rapmon oppa.


Pagkatapos magfilm eh bumalik na kami sa dressing room. Nagpahinga muna sila sandali.


"Kenna! Pwede ba kuhanan mo kami ng picture?" Jimin.


"Oo naman." Binigay nya sakin yung phone nya at kinuhanan ko sila ng picture.


"Chukahae Bangtan Sonyeondan! Hwaiting!" Sabi ko sa kanila.


"Hahaha. Kamsahamnida!" Taehyung.


"Boys! Magpalit na kayo ng damit. Pack up na tayo."


"Neeee!"
Umalis muna sila sandali para magbihis. Nilapitan ko naman si Umma para tulungan sya sa ginagawa nya.


"Umma?"


"Oh?"


"Uuwi na ba tayo pagkatapos nito?"


"Ne. Bakit?"


"Uhm--- wala naman."


"May gusto ka bang puntahan muna?" I nodded. Kilalang-kilala talaga ako ni umma.



***




Papunta kami ngayon sa music bank. May broadcast kasi ngayon ang BTS. Pagkatapos eh may WINGS Fansigning sila. Nasa backstage pa sila mayamaya eh magsisimula na silang magfilm para sa broadcast.


Madali namang natapos yung filming, tapos interview ng sandali at bumiyahe na kami papunta sa fansigning nila.

Pagdating namin dun eh andami nang tao. Puno na yung venue.
Nagpahinga lng sandali ang Bangtan tsaka sila inayusan ulit at pumunta na sila sa stage para kausapin yung mga fans. Dito ako pumwesto sa lugar ng mga fans. Kunwari di ako staff ng BigHit Ent. Ordinaryong fansite-nim lang ako. Hawak ko yung camera ko, kinukuhanan ko sila ng videos habang nasa stage sila. Matagal ko nang gustong maranasan toh, yung makapunta ako sa bawat fansigning nila. Haayyy, kaya lng di na toh tulad ng iniimagine ko noon kasi kilala at nakakasama ko na sila halos araw-araw.


Nagsimula na yung fansigning. Nakapila na yung mga fans para makausap at mahawakan kahit sandali ang Bangtan.

Tinabi ko na muna yung camera ko. Inayos ko ang sarili ko at pumila na ako.

Oo, magpapafansign ako sa kanila. Bakit ba? Eh gusto kong maranasan toh eh, yung maging fan lng nila.


Tiningnan ko isa-isa ang Bangtan, nakangiti sila palagi habang kinakausap nila yung mga fans. Alam ko masaya sila ngayon...

Heto na, ako na ang susunod. Umakyat na ako sa stage at umupo ako sa harap ng table ni Namjoon oppa.


"Oh?" Nagulat sya nung makita nya ako.


Ngumiti lng ako sa kanya. Napatingin ako sa ibang BTS members at napansin din nila na andito ako. Yung mga tingin nila, grabe~ gulat na gulat talaga sila. Hahaha.

Locked Heart (BTS)Where stories live. Discover now