Chapter 24

2 0 0
                                        

Jhope's POV


Nag-aayos na kami ngayon, mayamaya eh pupunta na kami ng airport para bumalik ng Seoul.

"Hyung?" Si Taehyung pala.


"Oh?"


"Nakita mo ba si Kenna?"


"Ani. Wae?"


"Ahh. Wala, sige salamat." Lumabas sya ng kwarto.


Problema nun?

"Sino yun hyung?" Si jungkook, kalalabas lng ng banyo.

"Si Taehyung."

"Bakit daw?"

"Hinahanap si Kenna. Alam mo ba kung asan sya?"

"Baka nasa airport."


"Mauuna silang umuwi?"

"Anya. Sabi ni Tita kagabi eh dadating daw si Kevin hyung, baka sinundo lng nila."


"Bakit pupunta dito si Kevin?"


"Ang alam ko magpapaiwan sila dito, magbabakasyon daw sila. Tsaka di ba nga may lahing filipino sila, baka bibisitahin nila yung mga relatives nila dito."


"Ba't mo alam yan ah?"


"Eh nadinig ko si Tita kagabi kausap niya yung ibang stylist eh."

"Ang tsismoso mo talaga eh noh? Tss.. Sige na bilisan mo na jan may flight pa tayo."


***



Kenna's POV


Sumakay na kami ng taxi, ewan ko kung saan kami pupunta. Ang nadinig kong sabi ni umma eh ---- ano nga ba yun? Quezon. Ay ewan.


Kasama na nga pala namin si Oppa. Sinundo namin sya sa airport ng maaga. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa BTS eh. Sinabihan ko nlng sina unnie kung sakali mang hanapin ako ng alien na yun. Hahahaha.


"Umma? Sino po ba yung relatives na pupuntahan natin?"


"Yung pinsan ko, si Tita Cindy nyo. Pinaalam ko sa kanya na dadating tayo, sinabihan nya na rin yung ibang relatives natin na pumunta sa kanila."


"So maraming tao dun umma?" Oppa.


"Malamang. Hahaha."


"Eh umma, ba't ngayon mo lng sila ipapakilala samin?"


"Eh ngayon lng din kasi ako nagkaroon ng pagkakataong icontact  sila eh. Nawalan ako ng contact sa kanila simula nung 3 years old ka Kenna. Buti na nga lng eh may nakita akong kakilala namin noon na nakakaalam sa contact number ng tita cindy nyo. Nagpunta kasi ng korea yung kakilala namin kaya ayun. Last month ko nga lng nacontact si Cindy eh."


"Ganun ba umma? Eh pano yan? Di nman kami marunong magsalita ng language nila dito."


"Edi mag-english kayo. Hahahaha.. Kaya ko nga kayo pinasok sa school na nagtuturo ng english eh para magamit nyo kung sakali.."


"Utak mo Kenna nasaan? Tss.." Oppa.


"Yah! --- umma oh!"


"Hay naku. Tumigil na nga kayo.. Oh. Malapit na pala tayo eh."


Inirapan ko nlng si Oppa. Nagsisimula na naman kasi sya eh. Aish! Problema na naman nito?


***

Locked Heart (BTS)Where stories live. Discover now