Kenna's POV
"Good morning anak."
"Morning umma." Umupo na ako para kumain.
"Oh? Ba't ang tamlay mo ata?"
"Eh kasi umma... nawawala yung kwintas nya na bigay nung nerdo nyang kaibigan." Oppa.
"Ha? Bakit naman?"
"Eh kasi--" oppa.
"Wag na nating pag-usapan. Mahahanap ko rin yun."
"Papano naman?" Oppa.
"Ewan."
"Hay naku. Kumain nalang kayo jan.. aalis na ako, sige na. Kailangan pang magtrabaho ng umma nyo."
"Sige umma. Ingat." Kiniss kami ni umma at umalis na sya.
"Ubusin mo na yang pagkain mo." Oppa.
"Ayoko na--- aiissshhh! Mababaliw na ako kakaisip kung saan ko nawala yun!"
"Eh saan ba kasi kayo nagpunta kahapon? Baka naman nakita ni Yuan yun."
"Tama! Ang galing mo oppa...kaya lang..." ayokong tawagan si Yuan eh.
"Kaya lang ano?"
"Pwede bang ikaw kumausap sa kanya oppa?"
"Bakit naman?"
"Basta.. sige na oppa.. jebal..."
"Haist! Oo na.. akin na phone mo." Binigay ko sa kanya yung phone ko. At yun nga tinawagan nya si Yuan, buti nalang mabait si oppa ngayon.
"Yeoboseyo? Hindi. Si Kevin toh... may itatanong lang sana ako... nakita mo ba yung kwintas ni Kenna na may pendant na padlock?--- ahh, ganun ba? Sige, salamat." Binaba na ni oppa yung phone.
"Anong sabi?"
"Hindi raw eh."
Haayyy.. nasan ba kasi yun????
Niligpit ko nalang ang pinagkainan ko, nagtoothbrush at pumunta sa sala at sumalampak dun sa sofa...
Nakatulala lang ako...
*dingdong*
"Kenna! Pakitingnan mo kung sino yung nagdodoorbell." Matamlay akong naglakad papunta sa pinto....lumabas ako at binuksan yung gate.
"Oppa??"
"Annyeonghaseyo." Nagbow sya kaya nagbow din ako.
"Annyeong.. ahh-- pasok ka muna." Pumasok kami sa bahay at pinaupo ko sya sa couch.
"Sino yun kenna?" Sigaw ni oppa.
"Si Yoongi oppa!"
"Ano?" Lumabas si oppa sa kitchen at sinilip kami.
"Oy! Annyeong Suga!"
"Annyeong hyung!"
"Mag-usap na muna kayo jan, tatapusin ko lang tong ginagawa ko."
"Sige hyung!" Umupo na ako katabi ni Yoon oppa.
"Bakit ka nga pala nagpunta dito?"
"Ahh. May gusto lang sana akong isauli sayo.... Sabi kasi ni Jungkook sayo daw toh." May kinuha sya sa bulsa nya at pinakita nya sakin yun.
"Yung kwintas ko!" Kinuha ko yun sa kamay nya at tiningnan ito.. napatingin ako sa kanya at napangiti.
"Gomawo!" At hinug ko sya -- teka... Hinug ko sya?
Napabitaw naman ako bigla.
"Mian."
"It's okay.."
"Naku, hindi..pasensya na talaga. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Sobrang saya ko lang kasi.. Mahalagang-mahalaga kasi sakin tong kwintas na toh. Bigay sakin toh noon ng kaibigan ko kaya ayokong mawala toh sakin. Maraming salamat talaga at sinauli mo sakin toh." Ngumiti lang sya sakin.
"No problem. Siguro importante talaga sayo yung kaibigan mo noh?"
"Hahaha. Oo naman. Namimiss ko na nga sya eh. Tagal na rin naming di nagkikita ng nerdong yun." Ngumiti ako.
"Ganun ba?--"
"Oh? Anong meron? Ba't ang saya mo ata Kenna?" Nginitian ko si oppa.
"Charan!"
"Oh? Saan mo naman nahanap yan?-- ikaw ba ang nakakita nyan Suga?"
"Ahh.. oo hyung. Nagpunta kasi sila ni Yuan kahapon sa BigHit. Naiwan nya dun, di nya siguro namalayan na nahulog pala yung kwintas."
"Ahh.. ganun ba? Naku, buti nalang at ikaw ang nakakita nyan-- kundi baka nagbigti na tong si Kenna dahil sa pag-aalala jan sa kwintas nya."
"Oo nga po eh.. sige-- kenna, hyung kailangan ko ng umalis. Nagpunta lang ako para personal na isauli yan. Aalis na ako."
"Sige oppa.. maraming salamat talaga." Hinatid ko na sya sa labas, may naghihintay naman na taxi sa kanya kaya umalis na rin sya agad.
Haayyyy.. salamat naibalik na rin sakin yung kwintas ko. Itatago ko nlng muna toh, baka mawala na naman eh.

YOU ARE READING
Locked Heart (BTS)
FanfictionThis is an ongoing fanfiction of the kpop group BTS. My very first story published on wattpad.