Chapter 34

170K 2.1K 246
                                    

Chapter 34



SYDNEY'S POV



I trust Andrei.



More than anyone else, siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan kahit ng buhay ko.



Kaya nung sinabi niyang everything will be okay, I know in myself na totoong magiging okay ang lahat.



Kaya walang pag-aalinlangang pumayag akong bumalik ng Manila. Besides, I miss my friends and Andrei's parents. Tsaka alam ko rin naman na kakailanganin rin ni Andrei bumalik. And I don't want to be away from him.





"Babe, after 3 days tayo uuwi. Gawin mo na lahat ng kailangan mong gawin at asikasuhin mo na ang papers mo for transferring." Andrei said the next morning.




It was 7 in the morning at nakaprepare na ako for school. But unlike the other days, hindi ako papasok para mag-aral, I'd go to school to say goodbye to the people who I've become friends with.



"Yes Babe." I said while fixing my things. "Hihintayin mo ba ako o aalis ka muna pagkahatid sakin?" I asked him



"I'll come with you. I'll help you in everything you need to do."



The 3 days before coming back to Manila passed like a blurr.



Nagpaalam ako kay Kristen at iba ko pang blockmates na hindi makapaniwala nung pinakilala ko si Andrei na asawa ko.



Hindi rin sila pumayag na umalis ako nang hindi man lang nakakasama sa mga hang-outs nila.


Kaya kahit marami silang academic works na dapat tapusin, ipinagpaliban nila para lang matuloy ang gala namin. First time ko daw kasing sumama at aalis na rin daw kasi ako.




Tuwang-tuwa rin sila dahil nilibre sila ni Andrei. Pagpapasalamat daw niya na naging mabuti silang lahat sa akin.



Nag-usap rin kami ni Samuel.



Nagthank you ako sa lahat ng ginawa niyang pag-aalaga sa akin. Kung tutuusin, sa dami ng tulong niya sa akin, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala siya. Nagsorry din ulit ako sa kanya.



"Hindi mo naman kailangan magsorry kasi wala ka namang kasalanan. Makulit lang talaga ako." sabi niya. "I'm happy for you. Masaya ako na masaya ka." Ito ang huli niyang sinabi sa akin.



Sa totoo lang, kung walang Andrei sa buhay ko, baka nagkapag-asa kami ni Samuel. Hindi rin naman kasi mahirap mahalin si Samuel. Yun nga lang hindi ko kayang kalimutan si Andrei.




Nagpaalam rin ako sa mga katrabaho ko na hindi rin makapaniwala na may asawa na ako.




"Ang bata mo pa tapos may asawa ka? Maaga ka bang nabuntis?" tanong ng isa sa mga kasamahan ko.



"Nako hindi po. Mga magulang po namin ang may gusto na ikasal kami."



"Uso ba yun sa Pilipinas? Diba pang mayaman lang yun? Wag mo sabihing mayaman kayo?" sabi niya na halos hindi makapaniwala.



"Hindi naman po." sagot ko



"Sabi ko na nga ba! Kaya pala wala kang alam sa kahit anong gawain nung una. Kahit humawak ng basahan hindi ka marunong." sabi niya na natatawa tawa




Natawa na lang rin kami ni Andrei.




Nagpasalamat ulit kaming dalawa ni Andrei sa kanilang lahat bago umalis.




Bumili rin kami ng pwedeng pampasalubong, lalo na ng strawberries na super favorite nina Kayla at Tricia. Excited na akong makita ang mukha nila kapag ibinigay ko itong strawberries sa kanila.




Huling gabi na namin dito sa Baguio. Bukas ng umaga uuwi na kami.



Nakahiga na ako sa kama habang nakaunan ang ulo ko sa dibdib ni Andrei. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya sa bawat paghinga.




Nilalaro laro naman niya ang buhok ko.




"Babe, balik tayo dito sa Baguio kapag vacation. Mamimiss ko talaga dito." sabi ko




"Of course. I know this place is special for you."



"Kinakabahan ako para bukas." I said honestly



"Don't be. I told you I'll always be here for you." he said




"I know. Hindi ko lang maiwasang matakot."




Tumayo siya mula sa pagkakahiga dahilan para mapatayo rin ako.



May kinuha siya galing sa drawer na malapit sa kama.




"I've been meaning to give this to you kasi hindi ako makahanap ng timing." he said at inilabas ang medyo may kalakihang jewelry box.




Binuksan niya ang box at nakita ko ang isang infinity necklace.



Kinuha niya iyon at lumapit sa akin.




"I love you. Yun lang ang alalahanin mo. I love you to infinity and beyond." he said while putting the necklace on me.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now