chapter 22

264K 2K 491
                                    

Chapter 22

SYDNEY'S POV

Hindi ko na sana papansinin ang mga pinagsasasabi nung mga nasa likod ko until sa may narinig akong nagpapikon sakin.

"Pero kung titingnan mo, mas bagay naman talaga si Ma'am Michell at Sir Andrei. Atleast si Ma'am makakatulong ni Sir sa business, e yung asawa niya naging anak lang naman nina Sir Henry e."

Pagkarinig ko ng mga salitang yun, gustong gusto kong harapin kung sino man ang nagsalita.

Kaso may nagsalita ulit na mas ikinapikon ko.

"Hindi ko alam kung ano bang nagustuhan ni Andrei sa'yo, you good for nothing girl." sabi ni Michell na nakataas pa ang kilay. "Kung hindi ka lang sana anak ni Tito Henry, sigurado akong ako ang asawa ngayon."

Maldita ka ha. Kung makatito ka sa Daddy ko parang sobrang close kayo ha.

Pero pasensya ka, mas maldita ako.

"Good for nothing pala ha." sabi ko sabay kuha ng wine na sineserve around at ibinuhos ko sa kanya. "Awww, sorry ha, nadulas sa kamay ko e, atsaka pasensya na na ang good for nothing girl na to ay asawa samatalang ikaw katrabaho lang. At huwag kang mag-alala, hanggang katrabaho ka na lang kasi kahit anong gawin mo, ako ang anak ng parents ko."

Marami ng nanonood sa ginagawa ko pero hindi pa ko tapos. Masyado akong minaliit ng mga tao dito. Parang lahat ng pagtitimpi ko sa party na to gusto kong ilabas.

Hinarap ko yung mga nakakairitang chismosa sa likod ko.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now