chapter 14

300K 2.5K 607
                                    

Chapter 14

SYDNEY'S POV

Himala. 

Ngayon lang tumanggi sina Kayla at Tricia na gumimik after school.

  

Ayoko namang pumunta sa bar ng ako lang.

Kaya naman, heto ako at mag-isa sa mall.

Tsaka may bibilhin ako.

Eto yung dahilan kung bakit humingi ako ng tig2500 kina Kayla.

Gusto ko kasing bilhan si Andrei ng relo.

Well, may relo naman siya pero simula nung kinasal kami, hindi ko pa siya nakikita na nagpalit ng relo.

Tsaka actually, bukas, mag o-one year and six months na kaming kasal ni Andrei.

Hindi naman talaga kami nagcecelebrate pero gusto ko sana na baguhin yun kasi I know somehow, nagiging malapit na yung loob namin sa isa't isa.

Pagkapasok ko pa lang sa stall ng isang sikat na brand ng relo, may nakita na agad ako na alam kong bagay kay Andrei.

Simple pero may dating.

"Miss, can I see this one?" sabi ko dun sa nagaassist at tinuro ko yung gusto kong tingnan.

Nilabas naman niya yun at pinakita sa'kin.

"Ma'am, last piece na po yang relong yan na may ganyang design. Limited edition lang po kasi yan." sabi nung nagtitinda.

Nangingiti ako habang tinitingnan yung relo. Ang ganda kasi talaga.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now