Chapter 41

148K 2.3K 580
                                    

Chapter 41

SYDNEY'S POV

"Good morning Babe." I said smilingly when I opened my eyes and saw Andrei staring at me.

Nakatagilid siya sa akin at nakalapat ang isang kamay sa bewang ko.

"Good morning Love." He said and kissed my forehead. Hinawakan naman niya ang tiyan ko at hinaplos ito. "Good morning din sa baby boy ko."

It has always been like this ever since we knew of my pregnancy. Araw araw niya akong hinihintay magising para lang batiin ang baby namin ng good morning.

"Good morning Baby." bati ko rin sa anak ko. "Kapit ka lang kay Mommy ha. Ilang buwan na lang makikita mo na si Mommy at Daddy mo kaya kapit ka lang."

Sabi ng doctor nung huling check up namin, mas umookay na daw ang lagay ni Baby. And I would give credit to my family and friends for it, especillay to Andrei. Kinacareer niya talaga ang pag-aalaga sa akin.

Nung malaman ni Mommy Anne and Daddy Greg na magkakaapo na sila, sobrang natuwa sila. They even wanted to throw a big party. Sa wakas daw kasi at magkakaroon na ulit sila ng baby. At sobra sobra rin sila kung alagaan ako. Lagi silang nagpapadala ng mga prutas sa bahay. Sina Kayla and Tricia, parehong laging dumaraan sa bahay after their class. At lagi rin silang may dala para sa akin. Excited rin kasing maging ninang ang dalawa.

Si Andrei naman, gumawa pa ng schedule for my exercise. Three times a week kami kung maglakad around our subdivision. Kahit sobrang pagod siya ay gumigising siya ng maaga para lang samahan akong mag-exercise. According to him it would help strengthen our baby. Minsan naman ay nagyoyoga kami. Sabi niya it would help me calm my nerves and control my emotions.

He also regulates the food I eat. Lagi siyang nagluluto ng gulay and he sees to it that I have a balanced diet. Kapag wala naman siya sa bahay ay ibinibilin niya kay Manang Maria ang dapat kong kainin. Si Manang Maria ay ang hinire ni Andrei na kasama namin sa bahay na mag-aalaga sa akin in case wala siya.

Sinisiguro rin niya na iniinum ko ang mga gamot ko sa tamang oras. Sa totoo lang, memorize niya ang mga gamot ko. Alam niya kung ilang beses sa isang araw ko dapat inumin ang gamot o kung anong gamot ang dapat inumin sa ganitong oras. Kung wala siya sa bahay ay tinatawagan niya ako to remind me and make sure that I take my medicines. Kahit si Manang Maria ay tinatawagan niya kapag oras na para uminom ako ng gamot.

"Nahihilo ka ba? Nasusuka?" Tanong niya habang inaayos ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko.

Simula ng magkaron ako ng morning sickness, lagi siyang nasa likod ko kapag nagsusuka ako. Hinahagod niya ang likod ko palagi para umayos ang pakiramdam ko.

"Hindi naman. Okay lang ako Babe." I answered him habang bumabangon sa pagkakahiga. Inalalayan naman niya ako.

"Sinabihan ko na si Manang na magluto. Sasama ka ba sa akin sa office ngayon?"

Lately sumasama ako kay Andrei sa office. Hindi ko alam pero gusto ko siyang laging nakikita. Ayaw kong mahiwalay sa kanya. Kaya madalas ay sumasama ako sa kanya kahit saan siya magpunta.

"Pwede ba akong sumama? Ayoko dito sa bahay." I said to him. Wala rin kasi akong magawa dito sa bahay. Busy sina Kayla and Tricia sa school at hapon pa nila ako mabibisita. I'm actually so proud of them. Maayos na silang nag-aaral ngayon.

"Of course. As much as possible, gusto kong mabantayan kayo. I don't want you out of my sight. Besides, Mom and Dad wants to see you. Gustong laging kasama ang apo nila. Pero kaya mo ba? Hindi ka ba nabibigatan kay Baby boy natin?" He asked

We have actually checked our baby's gender. And like what we wanted, we are expecting a boy. Tuwang tuwa si Andrei na nagkatotoo ang gusto niya. I asked him once na what if baby girl ang ibigay sa amin. And his answer was so epic for me. 'Marami akong mabubugbog na manliligaw ng baby girl natin. Kailangan ko ng katulong kaya dapat si Kuya muna ang mauna.'

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now