chapter 7

323K 2.9K 181
                                    

Chapterr 7

SYDNEY'S POV

Pagmulat ng mata ko, dibdib agad ni Drei ang nakita ko.

Nakatulog pala kaming dalawa sa sofa habang nanunuod ng tv.

Nakadapa ako sa kanya habang ang mga kamay niya ay nasa likod ko na parang nakahug sa akin.

Ambango niya. Grabe. Kaya naman isiniksik ko ang sarili ko sa leeg niya at inamoy amoy siya. 

Tulog naman siya kaya hindi na niya malalaman ang ginagawa ko.

Kaso bigla siyang gumalaw. 

Sabay ng pag angat ng ulo ko para tingnan siya ay ang pagmulat ng mga mata niya.

"Good morning." sabi niya sakin sabay kiss sa right cheek ko.

"Good morning din." 

"anung oras na? hindi ka pa ba late sa klase mo?"

"Hindi ako papasok. Tinatamad ako."

Umupo siya kaya pati ako napaupo na rin kasi nga nakapatong ako sa kanya.

"Hahatid kita, maligo ka na. Ihahatid kita bago ako pumasok sa office." sabi niya

Ang kulit naman nito Sabi ko hindi nga ako papasok.

"Hindi nga ako papasok." 

"Papasok ka kasi susunduin kita mamaya paglabas mo dahil may pupuntahan tayo. Tsaka Monday na Monday absent ka kaagad."

"Eh, tinatamad nga ako."

Tumayo siya. Kala ko hahayaan na lang niya na huwag na pumasok kaso binuhat niya ko bigla at dinala sa cr.

"Drei, anu ba! Ibaba mo nga ako!"

"Maligo ka na. Lagot ako kay Mom at Dad pag nalamang hindi ka puapasok!" sabi niya nung maipasok na niya ako sa banyo sa kwarto ko.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Where stories live. Discover now