Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 2 : Not so platonic

101K 3.4K 1.8K
                                    


HARMONY


"Good morning, anak ng uling!" pabiro kong bati kay Coleson nang madatnan ko siyang nag-aagahan na sa mesa.

Nakunot ang noo niya at marahas na nilunok ang nginunguyang tinapay. "Anong anak ng uling?!"

"Coal-son!" taas-noo kong sambit sabay pitik ng baba niya dahilan para agad niya akong batuhin ng natitirang piraso ng tinapay sa kanyang kamay. Napasigaw naman agad ako at agad napatakbo palayo.

"Hoy! Ba't kayo nagbabatuhan ng tinapay?!" Pumasok si Tita na abala pa sa pagbobotones sa ilalim na parte ng kanyang uniporme. Kahit halatang abala, handang-handa pa rin itong sermonan kami.

"Naku, Tita! Si Coleson po oh!" pagsusumbong ko agad.

"Ma, uling ka daw pala sabi ni Harmony," pasaring ni Coleson.

"Hala Tita hindi po!" giit ko agad at sa puntong 'yon ay biglang napangisi si Coleson na tila ba inaanunsyo na ang panalo niya sa daily asaran namin.

"Kay aga-aga pa, ang ingay-ingay na ninyo!" iritadong bulalas ni Tita at agad na kumuha ng dalawang maliit na milk box mula sa ref at isa-isa itong inilapag sa harapan namin.

"Si Coleson po--" natigil ako sa pagsasalita nang pinanlisikan ako ni Tita ng kanyang mga mata. I quickly sat right next to Coleson, making him laugh triumphantly.

"'Yan! Masyado ka kasing--" gaya ko ay natameme rin si Coleson ng panlisikan siya ni Tita.

Marahas na napabuntong-hininga si Tita at padabog na naupo. "Pwede ba, umayos kayong dalawa?! Mabuti pa 'yung mga preso sa estasyon, tumatahimik agad sa konting sigaw ko lang!"

Nagkatinginan na lamang kami ni Coleson nang marinig ang signature line ni Tita sa tuwing naiinis ito sa amin. Si Tita Romina ang chief of police sa maliit na lungsod ng Adelaide's Bridge. She's one of the most respected person in the city and many are afraid of her. Minsan natatakot din ako sa kanya, pero kahit iIang beses niya man kaming talakan, alam naman naming mahal na mahal niya kami. Tinuturing niya kaming parang totoo niyang anak kahit ampon lang ako at stepson niya naman si Coleson.

"Ma, paano ba naman kasi hindi matatakot ang mga preso sa'yo eh tinututukan mo agad sila ng baril?" biro ni Coleson dahilan para agad na mapangisi si Tita.

Shet Coleson, shet kang poging hudas ka!

"Gusto niyong tutukan ko kayo ng baril?" pagbabanta ni Tita habang may ngisi sa kanyang mukha dahilan para agad kaming mapaakbay ni Coleson sa isa't-isa.

"I love Coleson!" I said with all my heart. Totoo naman kasi!

"Bespren ko 'to!" pagmamalaki naman ni Coleson dahilan para muli na naman akong ma-hopya. Hudas 'to! Ang sakit na ha!

"'Buti naman kung gano'n! Hala sige, kain na nang ready to battle na kayo sa school," natatawang sambit ni Tita dahilan para agad na kaming mapabitiw ni Coleson sa isa't-isa.

Tita may look strict and angry all the time but she's actually really nice. She even loves joking around. Hinahangaan ko siya bilang isang pulis and at the same time, hinahangaan ko siya bilang ina.

Tita had a relationship with Coleson's Mom at kahit maaga itong nawala sa mundo, she still raised him as her own. Three years ago naman ay inampon niya pa ako nang matagpuan ako ni Coleson na nakalublob sa kanal at walang naaalala. She's a great mother and I love her like my own. Sana talaga kasing bait niya ang totoo kong Mama kung nasaan man siya ngayon.

"Anyare sa'yo Mon-mon? Natahimik ka bigla?" tanong ni Tita gamit ang usual siga niyang boses.

"I just remembered my Mom." Napangiti na lamang ako.

Task Force Indigo : Remember me, HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon