Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 4 : Unrequited

64.4K 3K 760
                                    


HARMONY


Bago pa man makagalaw o makapagsalita si Dark Lord, dali-dali na akong nagtatakbo patungo sa direksyon ni Coleson. Pinatago niya ako sa likuran niya at tiningnan niya ako gamit ang mga matang punong-puno ng pag-alala; para bang tinatanong ako kung okay lang ako. Tumango-tango naman ako kahit pa halos sumabog na ang puso ko sa kaba.

"Dark Lord, return to your seat now!" giit ko bago pa man niya ma-realize na peke ang baril na hawak ni Coleson.

Napangisi si Dark Lord at dahan-dahan niyang itinaas ang mga kamay. Walang bahid ng kahit na anong takot o tensyon sa mukha niya. Ni parang hindi rin siya nakakaramdam ng sakit mula sa mga sugat niya.

I have to admit, he's pretty annoying, pero pakiramdam ko naman hindi siya masamang tao. Weird at medyo gago, pero hindi delikado.

Napansin kong mas humigpit pa ang hawak ni Coleson sa baril at pilit niyang sini-steady ang kamay niyang nanginginig. Wala naman talagang balak si Coleson na manakit, parte lang talaga 'to ng protocol na itinuro sa amin ni Tita upang ma-protektahan namin ang sarili namin, just in case may mangyaring hindi inaasahan dito sa police station na sagana sa kriminal.

"It's okay, he's just a little nuts," bulong ko sa kanya kaya bahagya niya akong nilingon at kinunutan ng noo. I sighed and looked at Dark Lord's direction instead.

"Dark Lord, maupo ka na agad bago pa man dumating ang iba pang mga pulis! Hindi sila magdadalawang-isip na barilin ang isang kriminal na gaya mo!" banta ko sa kanya pero siyempre hindi ko masyadong nilakasan ang boses ko. Baka mamaya marinig kami ng iba pang mga pulis, akalaing may balak siyang masama at mabaril pa nanang wala sa oras.

Napatingin ako kay Coleson at nakita kong nakasuot siya ng checkered blue polo sa ibabaw ng white shirt niya.

"Coleson, akin na ang polo mo" giit ko sabay hila nito.

Naguguluhan man, hinubad niya pa rin ang polo niya habang hindi inaalis ang tingin kay Dark Lord.

"Nakipag-suntukan lang ako sa isang club, hindi ako kriminal." Natatawa niyang katwiran dahilan para mapatingin kami ni Coleson sa isa't-isa. Sa pamamagitan ng tingin, kinumpirma niya kung totoo ba ang pinagsasabi ni Dark Lord kaya tumango ako ulit.

Nakita kong unti-unting lumuwag ang hawak ni Coleson sa baril na para bang nabawasan ang kaba at tensyon niya.

Napatingin akong muli kay Dark Lord at itinuro ang upuan. "I'll tell you my name if you'll just sit down and let me cuff you again!"

He stopped smirking and instead smiled like a normal person. Tumango-tango siya at naglakad patungo sa upuan dahilan para mapaatras kaming dalawa ni Coleson.

"Relax lang kayo, hindi naman ako nananakit," taas-noo niyang pagmamalaki sabay upo na para bang walang nangyari. Chill na chill lang siya kahit pa nagdurugo pa rin ang kamay niya. Sira ulo talaga.

"Wrap your hand with this!" Agad kong binato sa mukha niya ang polo ni Coleson.

"Miss, ba't ba ang high blood mo sa akin?" natatawa nitong tanong sabay alis ng polo na tumakip sa mukha niya.

"T-teka binali mo ba ang sarili mong kamay para lang makawala sa posas?!" biglang bulalas ni Coleson habang hawak pa rin ang peke niyang baril na nakatutok kay Dark Lord. My dearest Coleson looked so shocked. I feel you baby boy.

"Ano na namang problema n'yo diyan?" Napalingon kami at nakita namin ang pagdating ng pulis na kanina ay nagbabantay sa pinto. Mukhang kakagaling lang nito sa banyo kaya wala itong kamalay-malay sa mga nangyari.

Task Force Indigo : Remember me, HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon