Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 7 : Light of the Dark

63.5K 2.7K 1.3K
                                    


HARMONY


Nagising akong nakahiga sa malamig at napakatigas na sahig pero sa kabila nito ay komportable ang pakiramdam ko dahil malambot naman ang hinihigaan ng ulo ko. Nakaharap ako sa dingding pero kulay puti ito—iba sa kulay asul na wallpaper ng kwarto ko. Nalito ako kaya naman humarap ako sa kabilang direksyon at laking gulat ko nang bigla kong makita ang mukha ni Darko—ang mga mata niya'y nakatingin sa akin.

"Musta?" aniya.

Kinilabutan ako nang marinig ko ang malalim niyang boses, ngunit mas kinilabutan ako dahil sa ipinakita niyang ngisi. Nang mapagtanto kong magkatabi pala kaming nakahiga sa sahig at ginawa ko pang unan ang balikat niya, dali-dali akong napaupo at nilibot ang paningin ko sa paligid.

"Naalimputangan ka?" pabulong ngunit natatawang sambit ni Darko kaya napabuntong-hininga na lamang ako't pilit na inalala kung bakit kami nasa loob ng isang selda. 

Tama! The station's on lockdown and we heard people screaming!

Magsasalita sana ako ngunit bigla na lamang naupo si Darko at tinakpan ang bibig ko. Naging seryoso bigla ang kanyang ekspresyon. Pinanlakihan niya ako ng mga mata, para bang sinasabi na huwag akong gumawa ng ingay.

Habang nakatitig sa kanyang mga mata, pinakiramdaman ko ang paligid. Wala akong ibang narinig ng mga sandaling iyon kundi matinding katahimikan. Sa sobrang tahimik, parang naririnig ko na ang sariling tibok ng puso ko.

Makaraan ang ilang sandalli, nagsimula akong makarinig ng mga yapak mula sa labas dahilan para muli akong makaramdam ng matinding takot at kaba. Parang sasabog na ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Sa kabila ng takot na nararamdaman, inilayo ko ang mukha ko mula sa kamay ni Darko.

Alam kong gaya ko'y kinakabahan na rin siya. Habang nakatutok sa pinto, kapwa kami pigil ang hininga, pilit na hindi gumagawa ng ingay.

Sa isang iglap, bigla na naming narinig ang malutong na pag-ikot ng doorknob. Holy shit! Someone's trying to open the door!

Muli, kapwa kami nagkatinginan ni Darko. Moving my lips without making a sound, taranta akong napatanong sa kanya kung anong gagawin namin.

Darko's expression became, well, dark. He was really serious this time, malayo sa Darko na laging nambu-bwisit sa'kin. He looked around, biting his lips as he was desperately thinking of a way for us to survive.

Kapwa kami napasinghap nang tuluyang bumukas ang pinto ngunit agad naman kaming napabuntong-hininga nang makitang si Sadie pala at may dala itong isang baril. Mabilis nitong inilapat ang daliri sa gitna ng labi at sinenyasan kaming sumama sa kanya.

Hindi na kami nag-atubili pa, dali-dali kaming lumapit sa kanya.

Nang makahakbang palabas ng silid, nagsimula akong makarinig ng isang kakaibang ingay—para bang may nababali, parang nabibiyak. Nakakapangilabot kaya pilit ko itong binalewala.

Dahil sa pulang ilaw, parang naging madilim na kulay pula ang lahat. Kinuha ni Darko mula kay Sadie ang hawak nitong baril at tumayo siya sa harapan namin na para bang pinapatago niya kami sa kanyang likuran.

Hinawakan ni Sadie ang kamay ko kaya humawak rin ako nang mahigpit sa kanya. Napakalamig ng kamay ni Sadie at nanginginig pa ito.

Walang kibuan, dahan-dahan kaming naglakad patungo sa direksyon kung nasaan ang hagdan. Sobrang tahimik ng paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang mga yapak at mabibigat naming paghinga. Lahat kami tensyonado lalo na nang magsimula kaming makakita ng mga bahid ng dugo sa sahig.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay bambi, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni bambi
@Serialsleeper
When remembering seemed to be the only way for every supernatural phe...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 39 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Serialsleeper.
Task Force Indigo : Remember me, HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon