Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 6 : The strangest stranger

62.7K 2.5K 1.1K
                                    


HARMONY


"Sadie, sandali! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Wala akong ibang nagawa kundi sumigaw habang hinahabol si Sadie. Para siyang tinakasan ng katinuan, dinaig pa niya ang moment ko nang inakala kong nakita ko si Ed Sheeran sa mall—wala eh, umasa akong nag-ala ninja si Ed Sheeran na bumisita sa Pilipinas.

"Oy dahan-dahan baka mahulog kayo!" sita sa amin ng mga pulis na nakakita sa aming tumatakbo pababa ng hagdan.

"Sadie calm down!" pakiusap kong muli ngunit sadyang ayaw niyang paawat. Ni hindi siya tumigil sa pagtakbo palabas ng police station kahit pa nakikita na niyang napakalakas ng buhos ng ulan at napakadilim na ng paligid.

I hesitated for a second pero sumunod na rin ako sa kanya. Kahit na ilang sandali pa lamang akong pumailalim sa ulan, basang-basa na agad ako—pinalala pa ito ng malakas na hangin sa paligid. Sinusubukan kong bilisan ang pagtakbo ngunit bumabaon ang sapatos ko sa putik at natatakot akong madulas ako bigla. Mamaya mabagok ang ulo ko at amnesia na naman!

"No wait! Sadie!" Napatili na lamang ako nang bigla kong makita ang headlight ng isang sasakyang papasalpok sa kanya. Sa takot ko'y napapikit na lamang ako.

***

"Hindi ko siya nasagaan! Nakita mo 'yon di ba?! Naka-preno ako pero bumagsak pa rin siya sa putik! Hindi ko siya nasagasaan!" walang tigil sa pangangatwiran ang Baseball coach ni Coleson habang karga-karga ang walang malay na si Sadie papasok sa police station. Siya ang nagmamaneho ng sasakyang muntikan nang sumalpok kay Sadie kanina bago ito biglang nawalan ng malay.

"Mon, anong nangyari?!" Sa kabila ng sinasabi ni Coach Roy, ako pa rin ang tinanong ni Tita nang sinalubong niya kami at iba pang mga pulis.

"Bigla siyang nag-hysterical kanina, nagtatakbo t-tapos hinimatay—Tita she was saying something about the bridge pero sa sobrang panic niya'y wala akong naintindihan." Naguguluhan man, sinabi ko pa rin kay Tita ang nasaksihan ko.

"O siya sige, dalhin niyo muna siya sa opisina ko. Pag tumila ang ulan, dalhin n'yo agad sa ospital," maotoridad na sambit ni Tita kaya si SarhenTutubi na mismo ang kumarga kay Sadie patungo sa opisina nito.

"Anong pinunta mo rito?" tanong naman ni Tita kay Coach Roy.

"A-Ano kasi... Parang may narinig akong kakaiba sa tulay? Hindi ko alam kung gawa-gawa lang 'yon ng imahinasyon ko pero habang dumadaan ang sasakyan ko doon ay may naririnig akong kakaibang ingay at pakiramdam ko'y para bang umuuga na ang paligid. Dumiretso na agad ako rito para makasigurado." Naguguluhang sambit ni Coach Roy; gaya ko'y basang-basa rin siya ng ulan.

Nagkatinginan kami nila Tita sa narinig. Ang tulay na 'yon, ang tulay na pinanggalingan ng pangalan ng lungsod, luma na raw ang tulay na 'yon pero taon-taon naman itong ini-inspect dahil ito ang umuugnay sa amin sa karatig na lungsod.

"H-hindi ko sigurado pero may kakaiba rin akong naririnig sa kalangitan habang dumaraan?" Nauutal na sambit ni Coach Roy na para bang nagda-dalawang isip siyang sabihin ang nalalaman niya.

"What did you hear? What do you think it is?" tanong ko na lamang.

"Sabihin mo," usig pa ni Tita. I guess she felt his hesitation as well.

"Parang may kakaibang tunog ang hangin? P-parang may pumapalo?" Naguguluhang sambit ni Coach Roy. "Parang malalaking pakpak sa ere..." mahina pa niyang dagdag na tila ba hindi rin siya makapaniwala sa sinasabi.

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming lahat. Napatingin ako kay Tita at nakita kong napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ni Coach Roy. Napatingin si Tita sa akin, para bang tinatanong niya ako kung totoo ba ito o hindi. Siguro dahil sa kakayahan namin ni Coleson, bukas na ang isipan ni Tita sa kahit na anong posibilidad.

Task Force Indigo : Remember me, HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon