Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 5 : The warm kind of strange

72.5K 2.7K 2.3K
                                    


HARMONY


"So in a nutshell, the Pink Lake in Western Australia is not forever pink. It only turns pink due to the green pigmented Alga Dunaliella salina, halobacterium Halobacteria cutirubrum, or excessive amount of brine prawn. The salinity level is often a factor too. Any questions? No? Bye," pagtatapos ko sa oceanology report ko.

Bago pa man may makapagtanong, naupo na agad ako para maisalba ang sarili ko. At kung su-swertehin nga naman, tumunog bigla ang bell kaya hindi na talaga ako natanong.

"Ms. Adelaide," tawag bigla ni Mr. Mallari, ang professor ko sa Oceanography. Kinuha ko na lamang ang yellow backpack ko at muling lumapit sa kanya. 'Kakainggit 'yung mga kaklase kong nagpupulasan na paalis.

"Yes po?" tanong ko.

"You were that girl na napilitan lang kumuha ng Marine Biology right?" tanong niya pabalik kaya ngumiti na lamang ako.

"Opo. It took me a while to pass the entrance exam dahil sa lack of requirements so I just took what's left and hello Marine Bio," pabiro kong sagot.

"Do you like being a Marine Biology student o may balak kang lumipat ng course?" aniya kaya napaangat na lamang ako sa magkabila kong balikat.

"Pag-iisipan ko pa po muna kung lilipat ako. I like studying the sea but I'm not comfortable being near the sea," pag-aamin ko na lamang dahilan para tumango-tango siya.

"Sayang, you're really good in this field. I heard from the other professors that you've aced most of your exams yesterday and on today's spot-on reporting you were very articulate with the scientific names—it was as if matagal mo nang napag-aralan ang mga lectures natin when in fact you've lost your memories," sabi pa ni Prof dahilan para bahagya akong maguluhan.

I aced the exams? Eh hindi naman ako nag-study at absent pa ako ng ilang araw dahil sa mga suspect na pinapa-background check ni Tita through panaginip. Tama nga siguro si Tita na special kid daw ako.

Lumabas na lamang ako mula sa classroom at naglakad-lakad. Sa totoo lang, maliban kay Coleson, wala talaga akong ibang mga kaibigan. I mean, I know some nice people but I just can't consider them as my friends and I don't know why. Siguro nga ako yung tipo ng tao na one-friend-is-enough.

"Aight girl, have you seen ma boy Papito?" Nagulat ako nang bigla kong nakasalubong si Hakeem—ang African-american na exchange student mula sa California. Dambuhala siyang lalaki kaya kinatatakutan siya ng lahat, may pagka-siga rin kasi.

"Ain't seen Papito nowhere brotha," sagot ko na lamang habang ginagaya ang ghetto accent niya para naman maintindihan niya ako.

"'Ya trying to mock 'ma accent? 'Ya want me to whoop 'yo ass like my momma did to 'ma sister Shaniqua?" Aniya habang sobrang sama ng tingin sa akin. Sa sobrang lalim at tindi ng twang niya, hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero one thing's for sure, magiging isa ako sa mga dead friends ni Coleson ako pag 'di ako tumakbo!

"I'm not Shaniqua!" Napatili na lamang ako at agad na nagtatakbo para sa kinabukasan ko.

Kahit pa hindi naman ako hinahabol ni Hakeem, tumakbo pa rin ako nang tumakbo sa abot ng makakaya ko. Ngunit nang unti-unti ko nang binagalan ang pagtakbo, bigla kong natanaw mula sa malayo ang isang pamilyar na lalaking palakad-lakad sa corridors ng katabing building na para bang may hinahanap.

"D-dark Lord?" Sa sobrang kilabot ko, nagpatuloy na lamang ulit ako sa pagtakbo sa takot na baka makita niya ako. Sigurado akong siya 'yon kasi may benda pa siya sa kamay.

Pero ba't ganun? Nasaksak siya sa hita pero nagagawa pa rin niyang maglakad?

***

Task Force Indigo : Remember me, HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon