Scene 1: Meeting the playboy && ARROGANT

5.8K 55 5
                                    

Medyo napahaba ata ang chap na ito ;))  Enjoy reading everyone!

Dedicated sa kanya :)) 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 (Present)

Halos 2 months na rin akong nandito sa Pilipinas at nakatira ako sa bahay ng isang bagong kaibigan. Nakakainis nga kasi hindi ko pwedeng kunin ang pera ko dito sa Pilipinas, sabi kasi sa akin ng accountant dun sa bangko dapat sa Japan ko daw i-withdraw ang pera ko! Ang daya! Sobrang daya! Yan tuloy kailangan ko magtrabaho para sa pasukan. Sa elite school pa naman ako ipapasok ni Tita Yumi. Hindi ko nga alam kung magkano ang magagasto ko, siguro uutang na lang ako kay tita yumi..

“Drei! One ice tea and choco cake sa table 3 please!” Sigaw ni Ate Gela. Siya ang may-ari ng bahay na tinitirahan ko at siya rin ang may-ari nitong Angel’s cafe. Kung saan ako nagtatrabaho ngayon.

“Coming up!”

“Drei, paki-entertain na rin ang customer sa table #5 thanks!”-ate Gela

“Copy!”

Ako na ngayon si Alexandreia “Drei” Yamamoto. Isang simpleng tao na nagtatrabaho sa isang cafe ;))

-----------

~Table #5~

Customer: One strawberry cake..

Drei: Yes ma’am. Drinks niyo po?

Customer: Cappuccino coffee na lang..

Drei: Okay. We’ll be serving it. Just relax ma’am.

“Geli! One strawberry cake and cappuccino coffee please.” Sigaw ko sa loob ng counter kay Geli. Si Geli ang nakababatang kapatid ni Ate Gela, magkasing edad nga lang kami. Siya kasi ang nagluluto ngayon sa kusina.

“Okae! Wait lang Drei!”

Habang naghihintay sa mga pagkain, umupo muna ako sandali.. wala pa naman gaanong customer..

*dingdong*              

*dingdong*

Tunog yan ng bell kapag kasi may pumapasok na customer, kusa itong tumutunog. Parang sinasabi nito sa amin na may customer..

“Ate Gela pupuntahan ko muna ang mga bagong dating na customers ahh..”

“Wait lang. Hintayin mo muna ang order sa table #9 && #5.”

“Okae.”

Umupo na lang ako ulit sa gilid ng counter napansin ko naman yung dalawang bagong pasok na customer na parang may hinahanap. *sigh* Hindi pa tumatawag sa akin si tita Yumi, tuloy ‘di ko pa alam kung saan ako mag-aaral. Kakainis! Sana may underground fights din dito para magkapera ako kaso kapag lumaban ako pwedeng makarating  ito kay papa (>O<”) ang malas ko naman!

“Drei! Pakiserve na nga ‘to” sabi ni Ate Gela habang inaabot sakin ang dalawang tray na puno ng mga cakes at drinks. Siguro kung ibang waitress pa ito tiyak nagreklamo na sila pero para sa akin hindi naman ‘to masyadong mabigat eh! Malakas ata ‘to! (^O^)V

(A/N: Sige na drei! Ikaw na! Ikaw na talaga! Padaan readers...)

“Dude! Mukhang wala naman ata dito si Sander ehh..”

My Secret : Ms. Palaban vs. Mr. Perfect || Fin. ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon