Chapter 29: The ending is coming!

140 2 0
                                    

Rance POV

Kailangan kong makatakas. Kailangan nila ako ngayon.

Naglalakad ako ng dahan dahan.

Nakalabas na ako sa kwartong pinagkulungan ko at ngayon naglalakad na ako sa Field.

Ang laki ng Camping Site. Imposibleng mahanap ko sila dito.

"AHHHHH!"

Napatingin ako sa lugar kung saan may sumigaw. Imposible.

Agad agad akong tumakbo papunta doon. Hawak hawak ko ang nagdudugo kong balikat.

Ang dami na.

Ang dami ng patay.

Ang dami ng namatay dahil sa akin. Dahil sa amin.

"AHHH."

Lumapit ako sa sumigaw.

"Beatrix? Anong nangyayari?" Pigil ko kay Beatrix habang tumatakbo siya na para bang hinahabol ng multo.

"Rance.. May papatay sakin.. Papatayin nila ako.. Ayoko pa.." Umiiyak siya.

"Tara. Ilalayo kita sa kanila." Sabi ko at akmang tatakbo na ng pumigil siya

"Bakit?"

"Paano yung mga kaklase ko? Naiwan sila dun."

Mamamatay tayo kapag binalikan natin sila.

Gusto kong sabihin sa kanya yan pero ayoko maging mukhang selfish. Kung gusto kong tumulong, tutulong ako.

Kamatayan? Psh. Dyan din naman mapupunta lahat eh. Mamatay rin naman ako eh.

"Sige. Tara." Sambit ko at hinawakan siya sa Kamay at tumakbo papunta sa kwarto na tinutukoy niya.

"Dito." Sabi niya at agad kong binuksan ang Pintuan.

Pero napaatras ako sa nakita ko.

Dugo.

Ulo.

Patay.

Humagulgol si Beatrix sa nakikita niya.

Yung mga kaklase niyang wala ng buhay.

"Tara na. Baka maabutan pa nila tayo." Sabi ko pero ayaw pa rin niyang umalis.

"Tara na Beatrix." Sabi ko ng makarinig ako ng Yabag na papalapit sa amin

Agad naman siyang tumugon at Agad kaming tumakbo.

Tatakbo kami. Sa Malayo. Sa Malayong Malayo.

Someone's POV

"FUCK! BAKIT MO SIYA PINALAYA?" Sigaw ko.

"Hindi ko siya pinalaya. Tumakas siya. Ano bang mahirap intindihin dun ha?" Sagot niya.

"Ang Bobo mo Talaga." Sabi ko pagkatapos ko siyang sampalin.

Nakakagigil siya.

Paano nakatakas si Rance?
Paano siya nakalaya Bigla?

Imposible!

"Eh kung ipahanap mo siya sa mga kawal mo. Ang dami Mong kawal tas di mo magawang ipahanap. Sinong bobo sa atin ha? Tsk. "Sambit ni Erica at Iniwan akong Tulala.

Agad akong napaisip.

Siguro kong hindi kumampi sakin si Erica magisa na lang ako. Magisa na lang akong papatay at maghihiganti rito.

Tama, Paghihiganti. Yan lang naman ang pakay ko dito.

Maghintay Ka lang Kapatid ko.
Maipaghihiganti rin kita.

FRIDAY THE 13THWhere stories live. Discover now