Chapter 31: Ginny Marie Fernandez.

149 2 0
                                    

Lourea's POV

Napadilat ako. Ang sakit ng katawan ko.

Pagkadilat ko eh puro mukha ng mga kaklase ko ang nakita ko.

Maaamo nilang mukha.

"Gising narin kayo sa wakas." Sabi ng isang Pamilyar na Boses.

Si Erica.

"Asan kami? Anong ginagawa namin dito?" Agad na tanong ni Rance.

Nakatali kami. Nakatali ang kamay at paa namin. Wala na kaming kawala.

"Eto yung lugar kung saan kayo mamamatay. " May ngiti sa labi ni Erica.

Pumasok ang isang lalaki sa Kwarto.

"Kamusta? Haha. Nagulat kayo noh?"

Imposible. Bakita siya narito? Siya ba yung Killer? Hindi maaari.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jonalyn.

Halata sa mga kaklase ko ang Kaba.

Napatingin ulit ako sa Mukha niya.

Bigla akong may naalala.

Bigla kong naalala ang..

Kapatid ko.

Hindi. Hindi pwede. Wala akong kapatid. Sabi ng mga magulang ko wala daw akong kapatid. Kaya posible.

"Andito lang naman ako para maghiganti. " Sabi niya sabay Bitaw ng isang malaking Ngisi sa labi niya.

Demonyo siya.

"Wag kayong mag maang-maangan. Diba? May sikreto kayo. May sikreto ang Section niyo."

Napangisi.

Sikreto.

Ayan na naman ang sikreto na yan.

May naalala ako bigla.

Bago ako magkaamnesia. Oo. May amnesia ako at hindi alam ng mga kaklase ko yun. Ewan ko ba. Parang ayoko sabihin. Natatakot ako.

Narinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko.

Mga plastik.

"AYAW NIYONG UMAMIN." Sigaw niya at agad na kinuha ang isang kutsilyo at binato niya kay Rance.

Tinamaan si Rance Sa Paa. Napaaray naman siya sa sakit.

Natatakot na ako.

Ramdam kona. Malapit na.

Malapit na kaming mamatay.

Agad tumakbo si Erica at pumunta sa Isang Chest. May Hinahanap siya pero nagbago ang mukha niya.

"Nawawala." Sabi ni Erica.

Napangisi naman siya.

Ngising nagpaloko sa akin.

Hazel's POV

"Nawawala." Sabi ni Erica.

Nawawala ang alin?

"Eto ba?" Napatingin ako kay Dylan.

May hawak siyang notebook

"Eto ba ang hinahanap niyo?" Sabi ni Dylan habang hawak ng kamay niya ang notebook. Paano niya nakuha yun?

Nakatali yung kamay niya pero nagawa niyang itaas yung Libro.

Agad na lumapit sa kanya si Erica at Kinuha agad ang Notebook.

"San mo to nakuha?" Tanong ni Erica.

"Ang burara mo kasi." Sabi ni Dylan ng hindi sinasagot ang tanong ni Erica.

FRIDAY THE 13THOn viuen les histories. Descobreix ara