Last Part: Epilogue

254 2 0
                                    

Albert's POV

Halos hindi parin ako naniniwala sa nangyayari ngayon.

Patay na siya.

Naiiyak ako.

"Cleared. Pakawalan sila." Sabi ng Isang Pulis at agad kaming pinakawalan sa pagkakatali.

Uka uka ako maglakad. Ang sakit ng katawan ko. Ang daming dugong nawala sakin. At sa tingin ko, Hindi na ako aabot sa Hospital.

Lumapit siya sa amin.

Si Beatrix. Ang humingi ng tulong sa mga Pulis. Ang taong gusto kong pasalamatan ngayon.

"Salamat." Sabi ko sakanya.

Agad niya kaming tinulungan ni Mary Ann maglakad. Tuliro pa rin siya. Hindi parin siya makalimot sa nangyari.

Lumabas kami sa Camping site at agad sumakay sa Ambulansya.

Pinahiga nila kami ni Mary Ann.

Hys. Nakahiga na ako. Makakapagpahinga na ako.

Nakahawak sa kamay namin si Beatrix. Umandar na ang Ambulansya. Kasabay ng pag andar nito ay ang pagtibok ng Puso ko. Unti unting Tumitigil.

Napahawak ako ng mahigpit kay Beatrix habang Nagpapahinga.

Hindi ko na kaya.

"BILISAN NIYO ANG PAGDRIVE."

Nagulat ako sa sigaw ni Beatrix. Agad siyang tumingin sa akin. Nag-aalala ang mata niya. Nginitian ko siya. Yung ngiting hindi niya makakalimutan kahit mawala na ako sa mundong ito.

"Lumaban ka Albert." Sabi naman ng katabi kong si Mary Ann.

Ang galing mo Mary Ann. Nakaligtas ka. Ang Tapang mo. Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay nginitian ko siya.

Hindi ko na kaya.

Nanghihina na ang katawan ko.

Nagulat ako ng tumayo galing sa pagkakahiga si Mary Ann.

"BILISAN NIYO NGA." Sigaw niya rin.

"Please Albert. Tayong dalawa na lang ang magkasama Please.. Wag mo kong iwan.. Please.."

Umiiyak siya. Umiiyak siya dahil sa akin.

Pinunasan ko ang luha niya.

Nagthumbs up ako bilang senyales na okay lang ako.

Hindi ko na kayang magsalita.

Gusto ko ng matulog. Gusto ko ng pumikit.

Tumigil ang Ambulansya.

Bumukas ang Pintuan. Naaninag ko pa ang mga mukha nila.

Salamat.

At nakatulog na ako.

-------

Beatrix POV

"Sana Lord okay lang sila Please.." Dasal ko.

Nandito ako ngayon sa chapel ng simbahan. Nagbabakasakali.

"Lord.. Ako na lang Magisa.. Marami ng buhay ang nawala.. Please forgive us.. Buhayin niyo po sila.."

Nag sign of the cross ako bago lumabas ng Chapel.

Hindi parin ako makapaniwala.

Wala na siya. Wala na si Rance.

Sabi ng mga doctor kanina lumalaban daw siya. May Chance pa na mabuhay siya. At sana totoo nga yun.

Dahil sa kanya, nakaligtas ako. Dahil sa kanya, Nakatulong ako. Pero sana wag siyang mawala agad.

FRIDAY THE 13THWhere stories live. Discover now