Chapter 30: The Class Picture

168 1 0
                                    

Dylan's POV

Asan ako?

Puro Itim. Puro itim ang nakikita ko sa Paligid.

Nakakatakot.

"Dylan?" Nagulat ako ng biglaang may yumakap sa akin.

"Okay ka lang ba?" Sabi niya.

Hindi ako makapagsalita.

Anong ginagawa niya rito?

Kumawala siya sa pagkayakap at ngumiti.

Ngiting Masaya. Ngiting Walang problema.

Kakaiba ka! Iba ka Mary Ann.

"Asan sila?" Tanong ko ngunit bigla siyang nanahimik.

Anong problema?

"Di ko na sila nababalitaan. Kinuha lang nila ako at kinulong. Tayo lang ang magkasama." Nakita ko siyang Ngumiti ulit

Tinignan ko siya. Tinignan ko ang maamo niyang mukha.

Naala ko ulit. Naalala ko Ulit ang sinabi nila sa akin. Ang sinabi nila na nagpabago sa akin.

-----

"Please.. Pakawalan niyo na ako." Pagmamakaawa ko pero parang wala lang sa kanila yun.

Tawa lang sila ng tawa.

Mga wala silang puso.

Sinapak ulit nila ako. Ang sakit na. Hindi ko na kaya.

Hangga't sa nakita ko na lang na nagdudugo na ang Balikat ko.

Bakit?

Nakita ko ang hawak niyang Kutsilyo.

Anong ginagawa niya rito?

Kasama ba siya sa kanila?

Hindi maaari!

"Hi Dylan. Namiss mo ako? " sabi niya habang pinapaikot ang Kutsilyo.

May pumasok na dalawa niyang kasama.

Si Teo at Erica.

"Pakawalan niyo ako Please..." Naiiyak na ako. Hindi ko na kaya.

"Hindi. Hahaha" sabi ni Erica at sinampal ako. Halos Matanggal ang kaluluwa ko sa sampal niya.

"Alam mo? Hindi ka naman talaga dapat madadamay dito. Hindi ka naman talaga dapat kasali eh. Isa ka lang namang walang kwentang transferee. Hindi mo alam ang nangyari noon!" Sabi niya.

Nangyari noon? Ano yun?

"Pero ikaw mismo ang Sumali. Si Mary Ann, Si Rance. Sila ang may kasalanan kung bakit ka nadamay. "

Napangisi ako. Kasalanan nila. Kasalanan talaga nila.

"Ng dahil sa isang Papel may namatay na Estudyante na walang pake sa mundo. Isang estudyante na sobrang importante sa akin. Kayo!" Dinuro niya kami nila Erica at Teo," Kayo ang may kasalanan."

~Pakk~

Isang malakas na sampal ang narinig ko. Sampal galing kay Teo.

"Wag mo kaming idamay. Sila. Sila lang. Hindi kami kasama." Sabi niya habang nakaturo sa akin.

Hindi ko maintindihan. Ano bang nagyayari?

Kasalanan namin? Ano yun?

Nakikinig ako sa kanila. Hindi ko na kayang gumalaw. Nanghihina na ako.

FRIDAY THE 13THWhere stories live. Discover now