Chapter 32: The Ending!

196 2 0
                                    

Hii Guyz! Habang binabasa niyo ang Chapter na to eh patugtugin niyo yung kantang Invisible by Hunter Hayes. Salamat!

Rance Point Of View.

Bakit siya pa?

Hindi ko matanggap. Pwedeng ako na lang ang mamatay pero bakit siya pa.

Bakit si Jonalyn Pa? Lord bakit siya pa.

Nangako ako sa Pamilya niya na Aalagaan ko siya pero bakit ganun.

Nasira ko yung pangako ko. Ang hina ko. Ang hina kong Tao.

Gusto kong makawala rito. Gusto ko silang labanan. Gusto ko. Gusto kong maghiganti.

"Jonalyn?" Tawag ko sa kanya kahit panandalian lang.

Dugong dugo siya," R-rance."

Ngumiti siya. Ngiting lalong nagpaluha sa akin.

Mamimiss ko yan.

"P-paalam na.. Sapat na s-siguro yung panahong magkasama t-tayo."

"No. No. No Please Jonalyn Lumaban ka. Please..." Humahagulgol na ako dito.

Hangga't sa naramdaman ko na lang na nakalaya na ako sa pagkakatali.

Hindi ko pinansin kung bakit at agad akong lumapit sa kanya kahit uka uka ako galing sa pukpok ng martilyo

"Please.. Jonalyn.. Lumaban Ka. Diba Sabi Mo Bestfriends Forever tayo.. Please wag mokong iwan." Sabi ko at niyakap siya.

Ang hina ko. Ni hindi ko man lang siya naprotektahan. Namatay siya ng dahil sa akin. Talunan ako.

"Nasiyahan ka masyado." At nagulat na lang ako ng may sumabunot sa akin.

Tangina niya. Demonyo siya. Agad akong kumawala at sinuntok siya sa tyan. Nakaupo na lang ako ngayon. Hindi ko kayong tumayo.

Tinignan ko ang mga kaklase ko.

Tatlo na ang Patay.

Lourea, Joana at Jonalyn.

Agad na may sumaksak sa likod ko at sinabunutan ako.

"Akala mo ang tapang mo." Sabi ni Teo at agad akong inuntog sa sahig.

Lumapit siya sa akin. Ang Kapatid ni Ginny. Si Patrick.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa kapatid ko." Sabi niya at sinuntok ako sa mukha.

Napahiga ako sa Sakit.

Lumayo siya sa akin at Lumapit kay Santana," Eh paano kung Ito namang kaibigan mo ang saktan ko? Ha?" Sabi niya at sinaksak ng....

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Apat..

Lima..

Limang beses si Santana sa Balikat.

"HA-HAYOP KA.."Sigaw ni Santana.

Sinusubukan kong tumayo pero hindi ko kaya.

Sinunod namang lapitan ni Patrick ang bangkay ni Joana.

Agad niya tong hinalikan sa labi.

"Ang Sarap. Hmm.." Sabi niya at sinaksak pa si Joana.

Hindi na siya naawa sa Patay.

Agad na Lumapit si Erica at Teo sa lalaking nakamaskara na kanina pa nakaupo sa Harap ni Lourea.

Sobrang Pamilyar niya sa akin! Kilala ko siya. Pustahan.. Kilala ko talaga siya

FRIDAY THE 13THTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang