Decided

434 17 3
                                    

"Thanks for letting Via stay"  sabi ni Thomas kaya ngumiti nalang ako sakaniya. Nauna siyang maglakad paputa kina Via. Habang pinapanuod ko yung anak kong kumakain kasama yung Lola at Tita niya at syempre yung Daddy niya, ngayon ko lang nakitang ngumiti ng ganun si V. I think my decision was right.

"Ara why don't you come and eat with us?" Anyaya sa akin ni Mama, kaya ngumiti ako at nilapitan sila "Mom can I sleep here at Tita Kat's condo?" masayang tanong ni V sa akin. "No anak, maybe next time. But don't worry we'll stay for a bit here" sabi ko sakaniya "But Mom..." sabi ni Via kaya tinignan ko siya as if I was warning her "Ara anak why don't you let V sleep here. Tutal ngayon lang naman namin na meet si Via" sabi naman ni Mama, napatinggin ako sakaniya, kay Kat at kay Via. All smiles ang anak ko ngayon with matching sparkling eyes. Hay wala na akong magagawa "Okay you can. But mom will go home first to pack up your things" sabi ko "My things? Aren't you coming with me, Mom?" tanong niya ulit. Hay kanino ba nag mana ng kakulitan ang batang to? "Moooom this is the my first time with Mama and Tita Kat can you support me?" sabi niya na ikinatawa ng lahat "But there's no room for me, anak" sabi ko at tuminggin siya sa Tita Kat niya "Don't worry Ate, may guest room pa naman ako" sabi ni Kat. Okay wala na akong kawala dito "Okay, my dear" sabi ko at itinuloy ang pagkain


***


"Thanks again" sabi ni Thomas. Naglalakad kami ngayon sa parking para sa sasakyan niya since sasamahan niya ako sa bahay "Wala yun. Gusto din naman ni V eh, nanay lang ako at ang nanay ginagawa kung anong makakabuti para sa anak niya. I thinks this would help and make V happy" sabi ko with all smiles. Sa puntong iyon nakasakay na kami sa kotse niya "So that's the reason why you left the Philippines" sabi ni Thomas, napatinggin ako sakaniya "Well yes. Masisisi mo ba ako sa sitwasyon natin noon? I don't want to ruin my life like that so I decided to run, again. And I was thankful of V, because of her my life became the best" sabi ko sakaniya "Well I guess your happy. May iba na ba?" pag iiba niya ng topic "Iba? Ikaw lang naman ang nagkaroon ng iba diba?" gustong gusto kong sabihin sakaniya yan but I choose not to "Iba? Wala. I have V maghahanap pa ba ako?" sabi ko nalang. Nakarating kami sa bahay ng tahimik lang sa loob ng kotse, pero hindi naman yung awkward silence.

"Thom, umupo ka muna dyan, tataas lang ako para sa gamit namin" sabi ko sakaniya ng makapasok kami. Pagtaas ko sa kwarto ni V nakita ko yung kambal ni Mika, so nandito pa pala ang mag i-ina ni Jeron. Kinuha ko na yung mga gamit ni V at lumipat ako sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Mika "Daks, kamusta na? Nakita mo na si V?" nag aalalang tanong ni Mika "Yes, nandun siya sa condo ni Katrina ngayon" sabi ko at kumuha ng ilang gamit "Katrina? You mean yung kapatid ni Thomas?" tanong ni Mika kaya tinanguan ko lang "OMG! Paanong nandun si V?" tanong niya "Sina Mama Jane yung naka kita kay Via kaya ayun. Dun nga kami matutulog kasi nag rerequest si V pati na din sina Kat" sabi ko nalang "Tama yan Arsie, follow your heart" sabi ni Mika. After kong mag ayos sumama pa pababa etong si Mrs. Teng "Thom!" sigwa niya ng makita si Thomas "Mika, nandito ka pala" sabi niya "Nako, tell Tita Jane na miss ko na siya. Sige na go na kayong dalawa" kahit kailan talaga tong si Mika akala mo walang anak eh. 


***


Nang makabalik na kami sa condo ni Kat naabutan kong naglalaro si V kasama si Iya. Ngayon ko lang ulit makikita ang batang to "Iya grew beautifully" sabi ko kay Thomas "Ate Ara!" sigaw nito at yumakap sa akin "Ang ganda mo na Iya" sabi ko sakaniya "Nako eh mas maganda naman si V Ate" Sabi niya "Akala ko hindi ka uuwi, Isabella?" sabi naman ng kuya niya "Nalaman kong nandito si Ate Ara tsaka yung pamangkin ko eh, kaya pumunta agad ako" 

"Tomorrow's gonna be the best day of my life!" sigaw ni Via sa kwarto ni Kat. Oo nga pala, birthday na niya bukas pero baka hindi na muna ako maghanda since nag decide siya na next week nalang mag celebrate "What's with tomorrow, Ara?" tanong naman ni Thomas "Its her birthday, pero napag kasunduan naming next week nalang mag bonggang celebration since gusto niyang nandun ka on her 6th birthday" paliwanag ko kay Thomas "She always wish for a Dad..." sabi ko nang tinatanaw lang si Via mula sa kina uupuan ko "Sana yun na yung last na pag alis ko for me to rescue myself from hurting. Sana yun na yung first and last na aalis ako for the sake of Via" sabi ko nalang sakaniya "I have decided..." I let out a deep sigh "you can be the father to Via, my daughter. Our daughter" 

Still DestinedWhere stories live. Discover now