Fault

395 16 2
                                    

"Ano ba Thomas! Bakit mo ko inuwi?! Hindi pa kami tapos ng babae mo!" sigaw ni Bea sa akin. Sa sobrang kahihiyan na dinulot ni Bea hindi ko alam kung kaya ko pang magpakita kina Ara. Nandito na kami sa condo ngayon, wala si Travis pero okay lang para makapag usap kmai ng nanay niya "Nagbalik na pala yang malanding yan! At bakit?! Para sirain niya ulit tayo?! Babalikan ko yung babaeng yun"

"Anong kahihiyan yun Bea?!" sigaw ko sa kaniya nung hindi na ako makapag timpi. Talak nalang kasi ng talak, naiinis na ako "Anong kahihiyan dun Thomas?!" tanong din naman niya "Bigla bigla ka nalang pupunta dun para ano? Sumira ng araw? Bea, birthday ng anak ko yun! Sa loob ng anim na taon ito yung kauna unahang pagkakataon makakasama ko yung anak ko alam mo kung bakit? Kasi simula't simula ikaw yung sumira ng buhay namin ni Ara! Ikaw yung dahilan kung bakit hindi ako nakakasama ng anak ko! Hindi moa lam kung gaano kasaya si Via nung nakita niya ako! Hindi mo alam kasi ang alam mo lang manira ng buhay!" sigaw ko sa kaniya. Umiiyak na ako sa harapan niya ngayon 

"Thomas..." mahinahon niyang pagtawag sa pangalan ko "Thomas, sorry" sabi niya "Sorry?! Ano to Bea kapag nag sorry ka mababago lahat ng ginawa mo? Magiging maayos ba ulit kami? Mabubuo ko ba yung pamilya kong sinira mo?!" sigaw ko sakaniya "Thomas ano? Hindi mo kami tinuturing na pamilya ni Travis?" tanong niya na parang hindi makapaniwala "Oo Bea! Hindi kayo yung pamilya ko! Dahil sa simula pa lang, si Ara! Si Ara at si Via ang pamilya ko!"


BEA


Kasama ko ngayon si Denise, pagkatapos nung sigawan namin ni Thomas lumayas siya sa condo kaya pinapunta ko na si Denise "Birthday naman pala nung anak niya eh, sana hinayaan mo na" hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga si Denise o ano eh "So kampi ka din kay Ara ganon? Akala ko ba magkaibigan tayo?"

"Bea, oo magkaibigan tayo kaya nga tinutulungan na kitang itama yung mga mali mo eh" sabi ni Denise "Anong pagkakamali? Walang mali sa ginagawa ko Denise. Wala" hindi ko mainitindihan kung anong sinasabi ni Denise "You need to give Thomas back to his own rightful owner" sabi niya "Nise naman, ilang ulit ko bang sasabihing ako yung own rightful owner ni Thomas" naiiritang sabi ko sa kaniya

"Bea wake up! Kahit pag bali-baliktarin mo man ang mundo hindi pwedeng si Thomas, Bea at Travis! Kasi may Thomas, Ara at Via" sagot niya sa akin "Hindi! Sa amin lang ni Travis si Thomas! Sa amin lang siya! Inagawa lang ni Ara at ng anak niyang si Via si Thomas" sagot ko sa kaniya "Si Ara at Via, sila yung totoong pamilya ni Thomas, Bea" malumanay niyang tugon "Hindi kayo ni Travis, hinding hindi"


ARA


Habang inaayos ko yung kalat sa loob narinig ko na may kausap ang anak ko, at first akala ko sina Jeron lang pero nagkamali ako sa nakita ko. It was her dad, Thomas

"Daddy why do you left me early? I thought we'll gonna celebrate for God just granted my wish" sabi ng anak ko kaya naman mas pinanuod ko silang mag ama "Daddy need to go home first because diba you know naman that daddy has another family" sabi ni Thomas. My heart ache a little nung sinabi niyang may iba siyang pamilya "I just want to have my Dad on my birthdays. Because you know what Dad my friends in New York, their Dads would always be there for me, but Via? She doesn't experience that" sabi ng anak ko. Sa puntong yun dun ko na realize na hindi ko kayang punan ang pag kukulang ni Thomas kay Via 

"Can I talk to your another family? I'll just borrow you to them, kasi in their special occasion you were always there, but with ours? This is just the first time Dad" Via added. At that point, ayoko nang makarinig kay Via ng kahit ano. Ako yung nasasaktan

"Via, anak?" pagtawag ko sakaniya. Agad naman siyang lumingon "Come here, pasok ka na pagod ka na anak ko" sabi ko sa kaniya. She run towards me at nag pabuhat. Dinala ko na siya sa kwarto niya, inayos ang pagkakahiga at lumabas na ng kwarto niya. Nang masara ko na yung pinto dun na ako nag break down

Nagulat ako sa mga nangyari. I wanted to be strong for my little girl. Akala ko magiging masaya si Via sa araw na yun. Akala ko dream come true na yun para sa anak ko. Hindi ko mapigiliang hindi mapaluha "Daks, okay lang yun. Be strong for V nalang" sabi ni Mika sa tabi hindi nila ako iniwan "Daks *sobs* akala ko magiging masaya 'tong araw na 'to para sa anak ko *sobs*  bakit hindi mabuo buo yung pamilya ko? Sa simula pa lang. Ano pa bang dapat kong gawin" right now umiiyak na ko kay Mika. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko kasi kahit hindi magsalita yung anak ko, alam kong nasasaktan yung anak ko 

"Akala ko ba kayang intindihin ni Via na may ibang pamilya yung Tatay niya?" tanong ni Mika "Oo, naiintindihan ni V yun pero Mika naman sa loob ng anim na taon ngayon niya lang makakasama si Thomas sa birthday niya"

"Ara, tama na. Sorry for disappointing you" narinig kong sabi ni Thomas, hindi ko alam na nandyan pa din pala siya. Agad kong pinunasan ang luha ko and try to compose my self "Okay lang. Nasaktan lang ako para sa anak ko kasi hindi ko alam na may ganung factor pala siya" sabi ko sa kaniya 

"Ara hindi okay yun. Umiiyak ka" sabi naman niya. "Hindi okay lang yun, ngayon ko lang kasi nakitang ganun yung anak ko, malungkot" sabi ko sa kaniya "Sige na umuwi ka na, baka hinahanap ka nanaman ni Bea" sabi ko sa kaniya at tinalikuran siya. Hindi ko kayang harapin si Thomas, sa ngayon

Still DestinedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum