Consequence

414 17 17
                                    

THOMAS

After nung nangyari sa birthday celebration ni V hindi ko na nakikita ang mag ina ko maski si Via. Maraming beses akong nag try na puntahan sila pero palaging sasabihin ni Ara na "Thomas, umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Bea" 

Actually, hindi na ko umuuwi sa babaeng yun. Since I met that girl my whole life became a hell. Wala na siyang magandang na idulot sa akin, puro nalang kamalasan. Yes, Travis is a blessing to me but for Ara and I? He's not a blessing. Dahil kay Travis nawala ko yung taong pinaka mamahal ko. Pero wala na akong magagawa nandyan na si Travis. 

Dito ako sa bahay namin sa Taguig umuuwi. Nandito pa din yung kwarto ni Ara at dun ako natutulog. 

"Anak umuwi ka na muna kay Bea baka hinahanap ka ng anak mo" sabi ni Mama "Ma, bakit si Via ba hindi ako hinanap?" sabi ko kay Mama and I heard her let out a sigh "Anak, Via understood what's going on between you and her Mom" sabi ni Mama "Kumbaga nasanay yung bata na wala ka. Kaya hanggang pag tatanong siya kung nasaan ka" dagdag pa ni Mama

At this point, naisip ko si Travis at si Via. Naisip ko yung pagkukulang ako sa dalawa. 

For Via, I am not there for her nung mga panahong kailangan niya ng Ama. Hindi ko nakita kung paano siya lumaki ng pagka ganda ganda. Ni hindi ko siya naturuan sa kahit anong bagay. Hindi niya ako nakilala, she need to live her life without me by her side.

For Travis, nandyan ako palagi sa tabi niya but I know he's been longing for more kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga siya tanggap bilang anak ko. Aminado ako dun sa bagay na yun


ARA


After what happened to Via's party hindi ko na kinakausap at pinapalapit si Thomas sa anak ko. Oo at first nahihirapang mag adjust yung anak ko. At first masakit yung makitang umiiyak si Via gabi gabi hoping her Dad would come to see her again. At first masakit para sakin na tanggapin yung sigaw, suntok at hampas ng anak ko sakin nung nalaman niyang ako yung naglalayo sa kanilang dalawa ng Daddy niya. Masakit pero parehas namin dapat tanggapin na hindi kami ang pamilyang binuo ni Thomas noong simula pa lang. Hindi kami ni Via yun.

Nandito ako ngayon sa BGC Branch ng Vi G's, my secretary Lianne  calls my attention.

"Ma'am may naghahanap po sainyo" sabi ni Lianne "Sino daw siya?" tanong ko 

"Bea daw po Ma'am. Bea Escudero Torres" sabi ni Lianne. Nabigla ako sa sinabi niya, anong gagawin ni Bea dito? "Sige papasukin mo"

When she enters my office para siyang inagawan ng kung ano eh ang totoo naman siya itong nang agaw.

"What brings you here, Bea? Sasabihan nanaman ako ng malandi?" may ka tarayan sa tono ng pananalita ko ngayon "Ara, gusto ko sanang itanong kung nasaan si Thomas? Baka kasi nandyan sa inyo" sabi ni sa akin. Look, sa akin hinahanap si Torres "Bea, I don't know where the hell Thomas is." 

"Ara, please nagmamakaawa ako sayo, ibalik mo na si Thomas maawa ka naman sa anak ko. After nung pagtatalo namin ni Thomas regarding dun sa pagsira ko sa birthday party ng anak mo hindi na umuuwi si Thomas dito sa condo. Hinahanap na siya ni Travis, hindi sanay ang anak ko na walang ama" pagmamakaawa niya

"Bakit Bea nung panahong inagaw mo si Thomas sa akin, inisip mo ba kung hahanapin siya ng anak ko? Kung mahihirapan ba yung anak ko? Kung hindi ba niya hahanapin si Thomas?" sa puntong yun nag iinit na ang ulo ko "Bea hindi mo inisip yun! Hindi mo inisip kung masasaktan yung anak ko so why would I?! Yung anak ko?! Hindi nun naranasan na magkaroon ng ama for six long years! BEA, SIX LONG YEARS! Natatandaan mo nung sumugod ka sa bahay ko? That's was the most special day my daughter had pero nasira mo nanaman! Sinira mo nanaman! And now hinahanap mo si Thomas sa akin?! Bea naman! Nahihirapan din yung anak ko hindi lang yung anak mo! Every night my daughter would cry asking where her dad is. Every night I receive several hits coming from her hands kasi alam niyang pinapalayo ko yung Daddy niya sa kaniya. Masakit sa akin, pero kailangan kong gawin. 'Cause after all hindi kami yung pinili ni Thomas na buo-in. It was never me and Via, it was you Bea. Sorry but I don't have Thomas. Makaka alis ka na"


BEA


"Denise, hindi ko alam na ganun pala kalaki yung kasalanan ko kay Ara" sabi ko kay Denise after kong i-kwento sa kaniya ang naging pag uusap namin ni Ara "I didn't know that I was the home wrecker here" 

After akong pa alisin ni Ara sa opisina niya. After kong marinig yung side niya napaka dami kong na realize sa buhay na ginagalawan ko ngayon. Tulad ng habang masaya yung anak ko, umiiyak yung anak niya. Oo, tama siya ako naman talaga ang umagaw kay Thomas sa kanila. Pero anong magagawa ko? Kailangan ni Travis ng ama. At si Thomas lang yun. 

"You knew that Bea. Ayaw mo lang tanggapin kasi pilit mong sinasak-sak sa sarili mo na kayo yung gusto niyang buo-ing pamilya" sabi ni Denise "Pero sabi niya kami yung pinili ni Thomas" I counter feat. "Yes. Kayo ang pinili pero hindi niya ginustong buo-in kayo. Hindi mo ba nakikita sa mga mata niya na malungkot siya at parang napipilitan?" tanong niya "Hindi" mariin kong sagot. "Oo naman hindi, because you never open your eyes for you to see the whole truth" sabi ni Denise "Bea, itigil na natin 'tong kalokohan na to. Nadadamay na yung mga bata." pagmamakaawa niya. Pero hindi the show must go on.

Still DestinedWhere stories live. Discover now