Reality

430 19 5
                                    

BEA

This show must go on pero nakokonsensiya na ako sa nagawa ko sa pamilya ni Thomas. Oo alam ko, hindi kami ni Travis yung pamilyang gusto at gugustuhin ni Thomas na buo-in. Alam kong never na magiging kami ni Travis yun... kase hindi naman talaga si Thomas ang ama ni Travis. 

Inaantay ko si Thomas sa condo ngayon. Gusto kong malaman na niya yung totoo para mabuo na niya yung pamilyang matagal na niyang gustong buo-in.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto, hudyat na nadito na siya 

"Thomas" pagtawag ko

PAK! 

Isang masakit na sampal ang sumalubong sa akin. Mabuti nalang wala si Travis ngayon at ibinilin ko siya kay Denise.

Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa yun sa akin. Naiintindihan ko

"Thomas" pagtawag kong muli sa pangalan niya

"Wag kang lalapit. Hindi ko gustong lumapit ka sa akin. Siguro naman alam mo na yung nangyari sa amin ni Ara kasi ang kapal ng mukha mo na hanapin ako sa opisina niya" cold niyang tugon sa akin. "Bea bakit? Bakit kinailangan mong mag sinungaling? Bakit kinailangan mong sirain yung pamilya ko? Alam mo naman kung gaano ko kamaha si Ara diba? Pero Bea bakit?" mangiyak ngiyak niyang sambit

"Thomas... sorry, pasensiya ka na. Alam kong mali..." he cut me off there "Alam mo naman palang mali! Bea naman!" nakikita ko sa mga mata niya yung inis, yung galit pero nangingibabaw yung pagkalito niya 

"May magagawa ba ako Thomas? Nung mga panahong iiwan na ako ni Migs. Oo si Migs, Migs Bustos siya ang tunay na ama ni Travis. Nung mga panahong nalaman niyang buntis ako, hindi niya tanggap. Hindi niya tanggap na magkakaroon kami ng anak 

"Migs, anak mo 'to" sabi ko sa kaniya "Bea, ayaw kong bumuo ng pamilya. Hindi ikaw ang gusto kong makasama for the rest of my life. I-abort mo, or ipa-ampon mo anything gawin mo. Bea, hindi ito ang gusto ko" sabi ni Migs. Sa puntong yun umiiyak na ako

"I want this little one to be born hindi ko siya ipapa-abort. Ako nalang ang bubuhay sa kaniya. Kung kina-kailangang mag isa. Migs, mag isa" sabi ko sa kaniya "And then go, wala kang makukuhang kahit ano sa akin Bea, tapos na tayo" sabi niya

That day, hindi ko alam kung saan ako hahanap ng lakas para sa anak ko. Hindi ko magawang sabihin sa mga kaibigan ko, kahit sa pamilya ko. Nung araw na yun nalaman ko na engagement party ninyo ni Ara, nabuhayan ako ng loob. Si Thomas, si Thomas ang kailangan ko for me to survive. Yun yung nasa isip ko. Oo alam kong mali na paniwalain si ka sa isang kasinungalingan pero anong magagawa ko? I need you." pagpapaliwanag ko sa kaniya

"Bea, hindi ko pa din maintindihan. Bakit kailangang ganun?" tanong niya "Thomas, pasensiya ka na kung sobrang dami kong nasira. Sorry kasi alam kong binu-buo mo pa si Ara. Ngayon ko lang naisip na sobrang mali" sabi ko sakaniya. 

Tinignan ko siya, nanatilig nakatinggin ang mga mata 

"Eto ang reyalidad, Thomas. I am now setting you free. Thank you for being father to my son" sabi ko at pinahiran ang luha


THOMAS


After Bea explain everything, agad akong tumakbo papunta sa opisina ni Ara.

"Ara" pagtawag ko sa pangalan niya ng makarating na ako sa loob ng opisina niya 

"Thomas?" Halata ang pagkabigla sa tono at ekspresyon sa mukha niya "Diba sinabi ko na sayo na...' I cut her off there "She told me everything" saad ko at napatigil siya

"What do you mean everything?" tanong niya "Hindi ko anak si Travis" sabi ko. Nagulat ako dahil bumalik siya sa pagkaka upo niya sa swivel chair niya "Oh so naniwala ka naman?" pagtataray niya

"Hindi pa ba sapat na evidence na hindi ko kamukha si Travis?" pag counter part ko. "Oh so sino daw ama?" tanong niya ng hindi tumitingin. Kung kausapin ako parang di kami close napaka cold niya sa akin. "Si Migs daw. Migs Bustos" sabi ko

"So that explains everything kung bakit nakita ko silang magkasama" sabi niya. Ha? Nakita niya silang magkasama. I threw my confused look. "Yup, nung namili tayo for V's celebration. Nung kumain tayo" casual niyang sagot "So ngayon? Ano ng next?" tanong niya

"She had set me free" maikling kong sagot. By that napatinggin na siya sa akin "Really? What now?" pagtataray niya with matching taas kilay. Haaay this girl talaga is trying me 

"I want to fix our family" sabi ko "Wala tayong pamilyang aayusin" sabi niya "Ara kayo ni Via. Kayo ni Via yung gusto kong buo-ing pamilya" sabi ko sa kaniya

"I can't. I'm tired... and that's the reality" and those words hit me



Thariana's:

-THE CHARACTERS HERE WERE MADE JUST FOR THE SAKE OF STORY! THANK YOU FOR YOUR UNDERSTANDING.

Still DestinedWhere stories live. Discover now