CHAPTER 2

1.6M 37.4K 7.9K
                                    

CHAPTER 2

ITINULAK ni Hunt pabukas ang pinto ng kuwarto at natigilan ng makitang malinis at maayos ang loob niyon. He couldn't help but smile. So, she did know how to clean a roam. At mukhang wala naman itong nabasag na gamit sa kuwarto niya.

Napatango-tango siya saka hinubad ang coat na suot at dumeretso na sa banyo.

He couldn't stop smiling as his eyes roamed around his tidy bathroom. Everything was in the right place and every corner was clean and neat.

"Good job," bulong niya saka nangingiting nag-shower.

Matapos maligo at makapagbihis, lumabas siya ng kuwarto at hinanap ang naglinis sa kuwarto niya. Pero nakakailang ikot na siya sa mansiyon, hindi pa rin niya makita ang babae. Kaya naman si Manang Flor nalang ang hinanap niya na natagpuan niyang naghahain sa hapag-kainan.

"Sandali nalang po, señorito," ani Manang Flor ng makita siya. "Tatawagin nalang ho kita kapag naihanda ko na ang hapunan niyo."

Tumango siya saka pasimepleng nagtanong. "Nasaan si Tessa? Mukhang maayos naman ang pagkakalinis niya sa kuwarto ko. Wala namang nabasag."

"Good news po 'yan, señorito," nasisiyahang sagot ni Manang Flor saka nagpatuloy sa paghahain sa lamesa. "Siya nga ho pala, nandoon si Tessa ngayon sa farm. Kanina ko pa nga hinihintay ang batang 'yon pero hindi pa rin bumabalik."

Kumunot ang nuo niya. "Farm?"

Tumango si Manang Flor. "Sa strawberry farm po. Pinakuha ko ng isang basket ng strawberry."

Hindi nawala ang pagkakakunot ng nuo niya. "May kasama ba siya? Alam ba niya ang daan papunta at pabalik? Baka mawala 'yon. Bago pa naman siya rito sa bayan."

"Huwag kang mag-alala, señorito, maya-maya lang, nandito na 'yon."

Bumaba ang tingin niya sa relong pambisig. Six-thirty P.M. na. Alas-sais ang last trip ng jeep na dumadaan sa farm niya at mga thirty-five to forty minutes naman ang biyahe.

Hmm...siguro nga darating na 'yon maya-maya lang.

Huminga siya ng malalim saka nagtungo sa sala. Pinalipas niya ang oras sa panunuod ng documentary hanggang sa marinig niya ang boses ni Manang Flor.

"Señorito," tawag ng mayordoma sa atensiyon niya. "Kain ka na ho."

Pinatay niya ang T.V. saka naglakad patungo sa dining table saka umupo para kumain.

"Kumain na ba kayo, Manang Flor?" Tanong niya habang naglalagay ng kanin sa pinggan.

"Mamaya na ho, señorito," nakangiting tugon ni Manang Flor na sinasalinan siya ng tubig sa baso.

Tumango siya saka nag-umpisa nang kumain. Paminsan-minsan ay bumababa ang tingin niya sa suot na relong pambisig. At habang lumilipas ang bawat minuto, mas hindi siya mapakali.

Ano ba'ng nangyayari sakin?

Marahas siyang napailing saka mabilis na tinapos ang pagkain.

Akmang lalabas na siya ng bahay ng makasalubong niya si Manang Flor.

"Tapos na ho ba kayong kumain, señorito--"

"Magpapahangin lang ako sa labas," aniya saka malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay.

Nang hindi makontento, lumabas siya ng gate at tumingin sa daan. May mga dumadaang mga sasakyan pero wala namang tumitigil sa bahay niya.

And for some unknown reason, it worried him. He argued with himself that he shouldn't worry like this, but he couldn't help to be anxious.

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarWhere stories live. Discover now