CHAPTER 17

1.5M 31.7K 9.2K
                                    

CHAPTER 17

MAGKASALUBONG ang kilay ni Tess habang sinusundan ng mga mata ni Hunt na nagbubuhat ng malaking karton. Ang laman niyon ay ang mga gagamitin para sa birthday party ni Attorney Yilmaz. Inililipat ni Hunt ang karton mula sa warehouse patungong truck na maghahatid niyon sa Bachelor's Village.

Hindi siya makapaniwalang napailing. "Why did I hire him?"

Naiiling pa ring ibinalik niya ang atensiyon sa mga designs na pinagpipilian niya para sa birthday party ni attorney ng marinig niya ang usapan ng dalawa niyang empleyado.

"Ang guwapo ng bago nating ka-trabaho, no?" Kinikilig na sabi ni Julia. "Shit, talaga, makalaglag undies."

Sumang-ayon naman si Suzy. "Oo nga, e. Kanina ko pa pinagnanasaan."

Tumikhim siya ng makaramdam ng iritasyon at sinuway ang dalawa. "Huwag kayong tumunganga lang diyan. Magtrabaho kayo," pagtataray niya na ikinagulat ng dalawa dahil hindi naman siya ganoon. "At 'yang lalaking pinagnanasaan niyo, akin 'yan."

Hindi niya alam kung bakit niya nasabi ang huling tinuran pero 'yon ang lumabas sa bibig niya.

She didn't like seeing or hearing women talk about Hunt like Julia and Suzy did. Makasarili na kung makasarili pero naiinis siyang may nagkakagustong iba kay Hunt.

Nagseselos siya.

There! Inamin na rin niya.

Naiiritang tumingin siya ulit kay Hunt. Kaagad na nagsalubong ang kilay niya ng makitang kausap ito ni Helena at panay ang pa-cute ng empleyado niya.

Tess, chill, pagpapakalma niya sa sarili. They're just talking about the boxes, I'm sure of that. Wala nang iba.

Tumango-tango siya saka ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

Pero kahit anong pilit ni Tess, hindi siya makapag-focus. Palaging pumapasok sa isip niya si Hunt at Helena.

She couldn't stop herself from looking at those two.

It irritated her even more to not only one woman but three women talking to Hunt. Si Helena, si Suzy at si Julia. Mukhang hindi nakapag-pigil ang dalawa!

"That's it!" Iritado niyang sabi saka madilim ang bukas ng mukha na naglakad palapit sa apat na nag-uusap.

Pero bago pa siya makalapit, naglakad na palayo ang tatlo habang pasulyap-sulyap sa kaniya.

"Hey," bati sa kaniya ni Hunt ng makalapit siya rito.

Nameywang siya at pinukol ng masamang tingin ang kaharap. "Puwede ba, huwag mong landiin ang mga empleyado ko," sikmat niya sa binata. "Magtrabaho ka nalang tutal yan naman ang pinunta mo rito, diba?"

Tumaas ang sulok ng labi nito. Halatang hindi apektado sa pagtataray niya. "Ako? Nilalandi sila? Nope. I think you misunderstand--"

"Kitang-kita ko na--"

"Na kinakausap nung dalawang babae si Helena na tumigil na sa pakikipag-usap sakin baka raw ipalapa siya ng boss nila sa alaga nitong liyon kasi nga daw pag-aari ako ng boss nila." He gave her a cheeky smile. "So, you told them that I'm yours and you're mine?"

Namumula ang pisngi na nag-iwas siya ng tingin.

Busted!

A sexy, deep chuckle escaped Hunt's mouth. "Aww...my baby is blushing again. Pretty."

Inirapan niya ito saka tinalikuran. Akmang hahakbang siya palayo rito ng pigilan siya nito sa braso saka pinihit paharap dito.

"Huwag mo naman akong iwan," Aungot nito. "Matatapos na ako dito. Pansinin mo naman ako."

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarWhere stories live. Discover now