CHAPTER 14

1.5M 34.8K 8.6K
                                    

CHAPTER 14

"DID YOU miss me, Pelokghale, my baby?" Tanong ni Tess habang pinapakain ang alagang liyon sa bahay niya. Nakakulong ito sa isang mamahaling kulungan na gawa sa pinakamatibay na bakal para hindi ito makawala.

Pelokghale was a gift from her mother. Hindi niya alam kung paano nagawa ng ina niya na dalhin sa bahay nila si Pelokghale, pero naaalala niyang nahirapan itong kumuha ng permit para alagaan si Pelokghale nuong bata pa ito. At nang makakuha, buwan-buwan ay may bumibisita sa bahay na galing sa Animal Welfare Society para tingnan ang lagay ni Pelokghale.

"Ilang linggo ring hindi ako ang nagpapakain sayo." Nginitian niya ang alaga na ni pagsulyap sa kaniya ay hindi ginawa. "Na miss kita."

Panay lang ang nguya ni Pelokghale ng hilaw na karne na ibinigay niya. Hindi man lang siya nito sinulyapan mula ng pakainin niya ito.

Napabuntong-hinga siya saka napasimangot sa alagang liyon. "Pelokghale naman, pansinin mo naman ako. Hindi mo ba ako na-miss?"

"Sa tingin mo naman sasagot yang liyon na 'yan sayo?" Boses iyon ni Gladz. "Gaga ka talaga."

Tumayo siya at umalis sa harapan ng alaga saka sinalubong ang kaibigang naglalakad papasok sa man-made cave na pinagawa niya para lang kay Pelokghale.

"Hey." Ini-abot niya ang isa pang slice ng karne na hawak ni Agnes, ang tanging katulong na pinapayagan niyang makalapit sa alaga. "May kailangan ka?"

"May kailangan kaagad?" Umirap sa hangin si Gladz saka nameywang ng tumigil sa harapan niya. "I just want to know if you're okay." Nanunuring tinitigan siya nito. "Well, are you?"

Nagbaba siya ng tingin saka tipid ng ngumiti. "I'm okay."

"Tumingin ka sakin habang nagsasabi ka ng 'I'm okay'."

Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. "I am okay."

Ilang segundo siyang tinitigan ni Gladz bago napabuntong-hininga at maarteng hinawi ang mahabang buhok. "Club Inoxentes. 8P.M. Be there. Okay?"

Tumango siya saka sabay silang lumabas ni Gladz sa cave at naglakad patungo sa bahay niya.

"Anong mayroon sa Club Inoxentes mamaya?" Tanong niya habang naglalakad sa stone path patungo sa bahay niya.

"To cheer you up, ano pa ba?" Inirapan siya ni Gladz na ikinatawa lang niya.

"Ganoon ba? Kakanta ba mamaya ang Bad For Women?" Tanong niya.

"Yep." Gladz grinned. "Pero ibang drummer daw kasi on leave si attorney. Inaalagaan yata si Faithy natin. Ilang buwan palang mula ng manganak 'yon, e. Alam mo naman si attorney."

Napangiti siya. Masaya siya para kay Faithy kasi nakahanap ito ng lalaking magmamahal dito ng sobra-sobra. "Sino naman daw ang drummer?"

"Ewan ko," ani Gladz sabay kibit ng balikat. "Pero sana guwapo para naman maisama sa pagnanasaan ko mamaya."

Mahina siyang tumawa saka napailing-iling at tinanong naman ang lagay ng isa pa niyang kaibigan na ilang linggo na niyang hindi nakikita.

"Si Ruthy pala," aniya. "Nakabalik na ba siya from Malaysia?"

Tumango si Gladz. "Yep. Gusto ko ngang sakalin, e. Hindi man lang tayo inuwian ng pasalubong."

Mahina siyang natawa. "Alam mo naman si Ruthy. Wala yong oras mamili ng pasalubong. E, pumunta lang 'yon do'n para mag-deliver ng wedding gown. Pero gusto ko pa rin siyang sabunutan kasi walang pasalubong."

Si Gladz naman ang mahinang natawa. "Ang tanong, kung magpapasabunot ang babaeng 'yon."

Natawa siya sa sinabi ni Gladz saka nabaling ang atensiyon nito sa swimming pool na pinapaayos niya. Malapit na iyong matapos. Sa loob ng tatlong linggo, 'yon ang pinagkaabalahan niya. Doon niya ibinigay ang atensiyon na pilit na pumupunta sa isang bahagi ng isip niya kung saan naroon si Hunt.

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora