CHAPTER 24

1.2M 30.9K 6.9K
                                    

CHAPTER 24

"WHERE HAVE YOU BEEN? Sinong kasama mo? Saan ka natulog nitong mga nakaraang araw? Anong pangalan ng kasama mo? I called your friends and I know that they are lying to me when they told me that you are with them." Iyon kaagad ang pambungad na mga tanong sa kaniya ng ama ng makapasok siya sa bahay nila.

Tess was silent. She didn't answer any of his questions.

"Tess." May babala sa boses nito. "May dapat ba akong malaman, anak?"

Umiling siya. "Wala po."

"You're lying to me."

Napakagat-labi siya. "N-nope."

"Yes, you are."

Malakas siyang napabuntong-hininga at tumingin sa ama. "Dad, I swear. I'm not—"

"Don't swear unless you mean it, Tess."

Napalabi siya. She wasbusted. Really, really, busted this time. Urgh!

"I'll repeat..." Her father trailed. "Sino ang kasama mo?"

Hindi siya sumagot.

Malakas ba napabuntong-hinga ang ama niya. "Okay. I will rephrase my question." Naglakad ito palapit sa kaniya at matiim siyang tinitigan. "May boyfriend ka ba na hindi ko alam?"

Her breathing stopped. Uh-oh!

"Tess, I'm asking you—"

"Dad, I'm fine and I'm tired," aniya saka tumayo. "Puwede na ba akong magpahinga?"

Her Dad gave her a pointed look. "Tumatakas ka lang sa tanong ko."

Yes!

"No, of course not." Nginitian niya ang ama saka hinalikan ito sa pisngi. "Good night, saddy. Magpapahinga na ako. Ikaw rin."

Her father just grunted before letting her leave the living room. Nang makaakyat siya sa taas at nakapasok sa kuwarto niya, saka lang siya nakahinga ng malalin.

Good God... Why did he have to ask about boyfriend stuff?

Pabagsak siyang nahiga sa malambot na kama saka inilabas ang cellphone sa pouch na dala.

She texted Hunter.

'I'm home. How's the farm? Stay safe, baby.'

Nang ma-i-send niya ang minsahe, ilang minuto ang hinintay niya sa reply ni Hunt pero walang dumating. Sa hindi niya namalayan ay nakatulog na pala siya.

Nang magising siya kinabukasan, ang cellphone niya ang una niyang tiningnan pero wala pa ring reply mula kay Hunter.

"Anong nangyari sa lalaking 'yon?" Nagtataka niyang tanong sa sarili bago bumangon at pumasok sa banyo.

Habang naliligo, hindi mawala sa isip niya si Hunter. He promised to contact her last night. But, what the hell was wrong with him that he hadn'r replied to her message yet?

May nangyari ba sa farm?

Malakas siyang napabuntong-hinga saka tinapos ang pagligo at tinuyo ang basang katawan.

Matapos makapagbihis, lumabas siya ng kuwarto habang dala-dala ang cellphone. She needed to talk to Hunt, to ask how his farm was doing after the fire. Pagkatapos niyang mag-agahan ay susubukan niyang tawagan ito ulit.

Nasa kalagitnaan siya sa pagbaba ng hagdan ng marinig niya ang boses ng ama niya mula sa sala na malapit sa hagdanan. Mukhang hinihintay siya nito.

"Good morning, Tess," anang ama niya saka tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at sinalubong siya ng makababa sa hagdanan. "Breakfast is ready. Let's eat?"

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarWhere stories live. Discover now