CHAPTER 22

1.5M 30.5K 8.1K
                                    

CHAPTER 22

"ALAM MO bang gusto kitang sapakin ngayon?" Wika ni Tess habang nakahiga siya sa papag at si Hunter naman ay nakaupo at nakaunan siya sa hita nito. Isinama siya nito sa farm ng hapong 'yon kahit ayaw niya. Marami pa siyang gagawin, pero pinilit siya nito kaya sumama siya. "Sabi mo ako ang una among niligawan tapos may first love ka pala?"

"Ikaw naman talaga ang una kong niligawan na alam ko sa sarili ko na nililigawan ko," anito habang hinahaplos ang buhok niya. "At saka, sayo lang naman ako nabaliw ng ganito to the point na niligawan kita kahit wala naman akong kaidi-ideya kung paano manligaw. In Nancy's case, I was being nice that I mistook it for love."

She gave him a doubtful look. "Mistook it for love?" She snorted. "Sige, magsinungaling ka pa sakin."

Nangingiting masuyo siya nitong niyakap saka hinalikan sa nuo. "Baby, huwag mong umpisahan ang topic kay Nancy kung magseselos ka lang naman."

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Baby, huwag ka ring sasagot ng kasinungalingan kasi nakakagago 'yon."

Tumawa lang si Hunter saka hinalikan siya sa mga labi at matiim na tinitigan. "Hindi ako nagsisinungaling sayo. I would never lie to you."

"You didn't tell me about that bitch," she pointed out.

"Hindi ko sinabi ang tungkol kay Nancy kasi hindi naman siya mahalagang bagay para bigyan nating ng panahon," anito saka hinalikan siya sa mga labi. "And by the way, you look hot when you called her bitch just now."

Inirapan niya ito. "I can't believe na pumatol ka sa ganoong klaseng babae."

"She wasn't like that before."

Pinukol ng matalim niyang mata si Hunter. "Pinaagtatanggol mo ba siya?"

Kaagad na tumaas ang dalawa nitong kamay na para bang sumusuko. "Baby, I'm just giving you answers. Kung ito ang pag-uumpisahan ng away natin, I might as well tell you everything so I'll just piss you off once." Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Anak si Nancy ng dati naming katulong. She was nice to me so I became nice to her as well. Pinag-aral ko siya kasi sabi niya gusto niyang mag-aral. Binigyan ko ng puhunan ang mga magulang niya para makaahon sa kahirapan. And yes, she became my girlfriend for a year and we we're intimate. Then she met Joehanson, an American man twice my age. Tinakot ako ni Nancy na sasama siya kay Joehanson sa Amerika kung hindi ko siya pinakasalan kaagad."

What the hell? "And?"

"I told her to go ahead and be with him."

Napapantastikuhan siyang napatitig kay Hunter. "That's it? Hindi mo siya pinaglaban man lang? I mean, not that I'm complaining but she was your girlfriend."

"Baby, if you love someone, you don't threaten them like the way she threatened me." Napabuntong-hinga ito. "At sa mga panahong 'yon, nari-realize ko pa lang na hindi ko naman pala siya mahal tulad ng sinabi ko sa kaniya. I mistook pity and kindness for love. I was confused as hell and she wasjl not helping by threatening me like that."

"Siguro kung nanatili siya sa tabi ko at hindi ako minadali na pakasalan siya, baka dumating ako sa puntong mahal ko nga talaga siya, that it wasn't just pity and kindness after all." Napailing-iling ito. "Pero nag demand siya ng ganoon sakin at hindi pa ako handa sa hinihingi niya. Later, I found out why. She wanted my money that was why she wanted to marry me. And when she couldn't get it because I wont marry her, she married someone else. Well." Nagkibit-balikat it. "Nabalitaan kong mayaman daw si Joehanson. And now that he's dead, she's back."

Hunter blew a loud breath. "I was young back then. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pag-ibig. For me back then, love is the word you say to a person you like. Saka ko lang na-realize na magkaiba ang dalawang 'yon."

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarWhere stories live. Discover now