Prime Kreeper --- 10

780 59 43
                                    

Sa madilim na gabi, sa gitna ng malamig na hangin. Nakilala ko ang dalawang nilalang na bumago sa takbo nang aking buhay. Maguluhan man at nangamba, masasabi kong puso ko'y natuto namang magtiwala.
Ngunit ang panahon ay nagkulang upang ako'y matauhan. Ngayong ako'y nasa bingit na nang kamatayan, masasabi ko kayang, naging makabuluhan ang aking buhay?

Nananatili pa rin akong nakagapos sa malaking batong nagye-yelo na't gumagapang sa likod ko. Halos wala na akong saplot sa katawan, kaya naman alam kong hindi magtatagal, malalagutan na rin ako nang hininga.

Sa pag-apak nang nilalang sa niyebe, lalo pa itong kumakapal, na sa palagay ko siya ang may gawa noong una pa lang.

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na sa isang iglap, namatay si Rocco at sa harapan ko pa mismo. Kung iisipin ang nakaraan, malulungkot ako sa pagkawala niya. Pero kung iisipin ang ginawa niya sa 'kin kanina lang, ipinagpapasalamat kong nawala na siya.

Pero hindi ko alam na kapalit pala ni Rocco ay mas malakas pa na nilalang na nanggaling sa ibang mundo. Nararamdaman ko sa prisensya niya na malakas siya't nanggaling sa kadiliman. Nakapalibot sa kanya ang maiitim na aninong nasa dalawampu o tatlumpu ang bilang na pilit na kumakawala sa kanyang katawan.

Their eyes shows suffering like they had it for thousands of years and series of voices, men and women, shouting in pain lingers around the coldness of the air.

"Esmé, alam mo bang ilang beses ko nang tinangkang kunin ang dugo ng cosmos mula sa mga ninuno mo? At alam mo rin bang, ni isang pagkakataon ay hindi man lang ako nakalapit sa alamat."

Isang babae ang Prime Kreeper, hindi ako maaring magkamali. Maganda ang kurba nang kanyang katawan, na hapit sa itim na telang gulagulanit sa laylayan.

Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa mga umaalingid na aninong tumatakip sa kanyang itsura.

"Ngayon lang."

Kinumpas niya ang kamay at sa isang iglap nakalaya ako mula sa pagkakatali sa bato. Dali-dali akong tumayo, yakap-yakap ang sarili, pilit na binibigyan ng init ang katawan kong balot na ng yelo.

"You are a disgrace to your ancestors."

Nanindig ang balahibo ko sa balikat nang marinig ang malamig niyang boses, direkta sa tenga ko. Hindi ko alam kung paano na lang siyang napunta sa likuran ko, gayong may kalayuan pa siya sa 'kin kanina.

"Kausapin mo ako nang harap-harapan!" Paghamon ko sa kanya.

Nilalakasan ko ang loob ko sa paghamon sa kalaban. Alam ko kung magtatagal pa ang usapan namin lalong umiliit ang tiyansang mabuhay ako.

Kung patay na ako, hindi na niya makukuha ang gusto niya.

"Iyan na ba ang huling..." Umikot-ikot ang hangin at pinalibutan ako. Bawat galaw niya'y nag-iiwan nang itim sa hangin na kalauna'y maglalaho rin.

"...hiling ng alamat?"

Sa paglaho nang itim na usok, isa muling pamilyar na mukha ang nakita ko. Hindi ako makapaniwala, bakit siya? Totoo bang si Ajira itong nasa 'king harapan?

"Tama Esmé, ako nga ito, si Ajira." Tumigil ito sa 'king harapan. Ang kaninang halos mamatay ko ng puso ay biglang tumibok nang mabilis.

Purong itim ang kanyang mga mata, na una kong nakita na sumentro sa kanyang maputlang balat. Nagngingitngit ang kanyang mga maiitim na ngipin, hindi ko lang malaman kung iyon ba ay galit.

Nilibot niya kanyang matalim na kuko sa naninigas kong panga na halos ikasugat ko na.

"That sweet smell of your blood." She said seductively, inhaling the air near my face. "I couldn't almost resist."

She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon