Book 2 ~ Ligaya ~ Prologo

627 45 18
                                    

Hindi mawala-wala ang ngiting humuhila sa labi ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi mawala-wala ang ngiting humuhila sa labi ko. Hindi ko alam na may ganitong klase pala ng saya sa buhay ng isang gaya ko. Hindi ko alam na maari pa palang magbago ang buhay ko. Hindi ko alam noon, hanggang sa dumating si Orion sa buhay ko.

Alam kong hindi na normal ang buhay ko simula nang malaman ko ang katotohanan sa pagkatao ko. Alam kong marami ng magbabago simula ngayon. Pero hindi ako takot, walang pangamba sa puso ko dahil alam kong katuwang ko si Orion, ang mahal ko, sa lahat ng pagsubok ng darating sa buhay ko, sa buhay namin.

At ngayong panghabang-buhay na ang bubunuin naming dalawa, masasabi kong handa na ako. Handa na sa kahit na ano pang ibato ng buhay, basta kasama ko siya. Kaya ko. Kakayanin ko ang lahat para sa kanya.

Matapos markahan ang kamay ko, nagpalakpakan ang lahat-sina mama at papa, si Titus at Iñigo, maging ang mga nilalang sa mundo ng mga henki. Lahat masaya at nagdiriwang.

"Mabuhay ang Hirang at Alamat!"

"Maligayang bati kamahalan!"

Magkakasunod na hiyawan ang pumuno sa kapaligiran kasabay ang pagsaboy ng mga bulalak sa ulonan namin. Naluluha man ay pinilit ko silang tignan lahat, tahimik na nagpapasalamat sa lahat ng suporta nila sa akin kahit sa simula pa lamang.

"Alam kong hindi ganito ang pag-iisang dibdib sa mundo ninyo," lumingon ako kay Orion na hindi ko namalayang pinagmamasdan pala ako. "...at hindi ako papayag na hindi mo maranasan ang kasal na pinangarap mo."

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinarap sa kanya. Magpahanggang ngayon nangangatog pa rin ang tuhod ko sobrang kaba at kaligayan. Sa totoo lang hindi ko alam kung anu-ano nang emosyon ang pumapaloob sa sistema ko ngayon.

Pero isa lang ang alam ko, masaya ako dahil pinili ko ang magmahal. Isang desisyon sa buhay ko na alam kong hinding-hindi ko pagsisisihan.

"Ako, si Orion, mula sa mundo ng mga Henki, pinapangakong mamahalin ka habang buhay."

Sa pagkakataong iyon hindi ko na napigilan pang ibuhos ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Umaapaw na ang ligaya sa puso ko, wala ng paglalagyan ang pagmamahal na ibinibigay ni Orion sa akin.

"Esmé, mahal ko, iaalay ko ang buong buhay ko para sa'yo at para sa'yo lang. Mamahalin kita simula ngayon dito mismo, magpahanggang sa kabilang mundo."

Mahigpit kong pinisil ang mga kamay niya kasabay ang pagkagat ko sa labi kong nanginginig na. Halos humagulgol na ako sa iyak, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kita ko sa mga mata niya ang pagpipigil ng luha ngunit bakas pa rin ang saya sa kanyang mukha.

Natahimik ang lugar, hindi ko na alam kung tumahimik talaga sila o dala nalang ito ng nararamdaman ko. Hindi ko na rin inalam pa, hindi ko maialis ang tingin ko kay Orion.

"Hindi ba dapat..." kunot-noo niyang umpisa. "...magsasabi ka rin ng pangako mo?" Nag-aalinlangan ang mukha niya at tila nagtataka pa. Mukhang hindi siya sigurado sa pinaggagawa niya.

She's the LegendWhere stories live. Discover now