Book2 ~ Tulong ~ 17

261 26 12
                                    

"Ayoko. Hindi pwede."

Nananatiling pa ring nakayakap ang mainit na katawan ni Orion sa akin. That same warmth I longed for. His love. His everything.

"But you must." Kinukumbinsi ko na rin maging ang sarili ko dahil sa totoo lang, ngayong kayakap ko na si Orion. Napakahirap niyang bitawan. Lahat ng pag,mamahal meron ako para sa kanya, bumalik at biglang bumuhos sa pagkatao ko. "you have to let me go."

My voice cracked as my heart pains melts like hot lava. He tightens his grip on my body, not giving me the slightest chance of him letting go. I've never seen him sober like this. Kung hindi ko pa siya bibitawan ngayon, baka  hindi ko magawa ang dapat kong gawin.

Ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't isa. Pareho kaming luhaan. Pareho kaming labis na nasasaktan. Pero sa amin dalawa, ako ang mas nakakaintindi sa sitwasyon. Dahil ako ang may kagustuhan sa pagkikipaghiwalay ko sa kanya.

"Huwag kang magbiro ng ganyan Esmé. Asawa kita. Asawa mo ako. Hindi dapat tayo nagpapadalos sa mga ganitong pagdedesisyon." His eyes bleed with pain that I had to look away. Kung hindi ko iyon gagawin, baka bumalik lang ako sa yakap niya.

I nodded. Trying very hard top hold back my tears. "Alam ko," I gulped. "hindi ako nagpadalos Orion. Alam ko ang ginagawa ko." His face showed distress and as he closes his eyes. 

I'm trembling. Pilit akong dinidiktahan ng isip at puso ko na yakapin muli si Orion. Tumalikod ako bago ako tuluyang bumigay sa sigaw ng nila. I took tiny steps away from him. Deep somewhere inside of me, wanting him to follow me. Hug me. Love me. But my mind constantly reminding me of all the trouble I am in.

I shook my head. Tama ang desisyon ko.

Nilakihan ko ang bawat hakbang na gawin ko palayo sa kanya. Kinukumbisi ang sarili ko na tama ang gagawin ko. Pero isang salita lang niya at natigil ako.

"Iiwan kita,"

Bahagya kong kinagat ang labi ko, pinipigilan ang hagulgol na nais kumawala. Mainit na luha ang tumulo sa mga pisngi ko. Hindi ko maintindihan. Ito ang gusto ko, pero bakit ngayong galing na sa kanya, ang sakit-sakit.

Nanatili akong nakatayo at nakatalikod sa kanya. Ayokong makita niyang nasasaktan ako.

"sagutin mo lang 'tong huli kong tanong."

Hindi na ako nakasagot. Itinukop ko na ang kamay ko sa bibig ko, kapipigil sa sakit na nagpupumilit kumawala.

"Kung iiwan kita, sa kanya ka ba pupunta?"

Nanginginig ang boses ni Orion. Kahit hindi ko siya nakikita, alam na alam kong maging siya umiiyak. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa ginagawa ko? Mahal ko siya. Mahal namin ang isa't isa. Pero heto ako ngayon, mas pinipili na iwan siya.

"Hindi."

Maikli nalang ang naisagot ko. Hindi ko na nagawang magpaliwanag pa.

"Iiwan kita hindi dahil gusto ko, kung 'di dahil gusto mo."

Parang pinupunit ang puso at isipan ko sa kaloob-looban ko. Ang sakit-sakit na. Hindi ko na kaya. Lahat ng naipon na sakit, pakiramdam ko lumabas sa buong katawan ko. Lumabas sa bibig ko ang hinagpis na kanina ko pa pinipiilan. Bawat iyak parang pagpunit sa puso ko na paulit-ulit na winawarak ang pagkatao ko. Nanginginig ang mga kamay ko, kinailangan kong yakapin ang sarili makontol ko lamang ang panginginig ko.

"O-Orion..." Hindi ko na kaya.

Tumalikod akong muli. Umaasa na sa paglingon ko ay nandoon pa siya. Napaluhod nalang ako nang makita kong wala na siya. Iniwan na niya ako. Bumuhos ang luha sa mga mata ko. Pinagsuklaban na ako ng langit at lupa. At kahit na alam kong ito ang gusto ko at ang inakala kong sakit na makakaya ko ay imposible pala.

She's the LegendWhere stories live. Discover now