Book2 ~ Hiling ~ 13

296 34 26
                                    

Sa salamin. Doon ko huling nakita si Sergine. Sinadyang kong puntahan ang magarbong banyo patungo sa salamin.

I looked at myself in the mirror. Hindi maganda ang itsura ko. I looked tensed. Scared. Desperate.

"Sergine, kailangan kitang makausap. Kailangan ko ang tulong mo." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Sergine aura gives me creeps. Hindi siya kalaban pero marahil sa kakayahan niya kaya ako nagkakaganito sa kanya.

The mirror flashed and then there she was, removing my own reflection, changing it to her.

"I know what you want," bungad niya sa akin. Nababasa nga pala niya ang nasa isipan ko. How can I keep secrets from this person? Maybe I can't.

"Then help me. Kailangan kong matulungan si Leo."

"He deserves that punishment. He broke the rules." Matikas na wika ni Sergine. Wala ba silang pakialam sa kapamilya nila? Those are just rules. Leo is family.

"What rule?" All I know is that he loved me. I was the one who broke the rule of not loving him back in return.

Hindi ko nga ba siya mahal?

Napailing ako sa naisip. How can I love him and love Orion at the same time? That's not possible, is it?

"He loved you so much that he broke the most forbidden rule. He brought back your memories." Hindi ma nakatingin si Sergine sa akin dahil sa talukbong sa ulo niya. Alam kong may kakaiba sa tono ng boses niya. Hindi lang ako sigurado kung galit ba siya o nasisiyahan sa nakikita.

Ako na naman ang dahilan kung bakit may napapahamak. Sa tuwing magdedesisyon ang iba para sa akin, palagi nalang silang napapahamak. I cannot let this happen again. I have to help them.

"Tulungan mo ako makalabas dito."

It took a while before Segine answered. "May kapalit ang bawat hiling..."

Hindi na ako nag-isip pa. I had to do something. "Kahit ano, makalabas lang ako rito."

"Tutulungan kitang makalabas kapalit ang pangakong ibibigay mo kay Leo ang kapangyarihan ng cosmos."

My mind as if on cue, flashed Orion's face. Memories of us together, happy and rough times. Sa kanya dapat mapunta ang kapangyarihan ng cosmos dahil siya ang napili kong hirang. I cannot give it to anyone else.

"Pag-isipan mong mabuti Alamat."

Out of nowhere, Leo's voice filled the room. Bawat hagupit ng mala-latigo tunog, ay kapalit ang masasakit na hiyaw ni Leo. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses pero wala akong makita.

"Leo, more than anyone else, deserve the cosmos. Siya ang tunay na hirang. You should know..." Leo's voice fading as I looked up to Sergine's. Tinatanggal niya ang talukbong sa kanyang ulo.

"... the way your body response to his every movement. You want him. Your body wants him. Kahit gaano man kalakas ang isipan mo sa pagtanggi sa nararamdaman mo. You know the cosmos belongs to the Prince of Atmos, him only and no one else."

Napalunok ako. Kahit gaano ko man isipin. Maaaring tama si Sergine. Sa tuwing malapit si Leo sa akin, wala akong pag-aalala. May mga pagkakataon na tila nahuhumaling ako sa bawat galaw niya.

His body sends signal to mine that are hard to resist. I know he is not trying but still I feel it.

"Kailangan mo ng magdesisyon Alamat."

Hindi pa man ako nakakasagot. Hindi pa man ako nakakapag-isip. Muli ko na namang narinig ang kalunos-lunos na sigaw ni Leo. At sa pagkakataong iyon, nakita ko siya sa salamin. Duguan ang katawan mula sa mga tama ng latigo. Hindi normal ang latigo. Balot iyon sa kapangyarihan ng hari.

She's the LegendWhere stories live. Discover now