Chapter 37:

5.3K 77 5
                                    

My Sister's Husband by MyrrhRamirez


Chapter 37:

Lucas POV:


Pinauna kong umuwi si Charlene sa kanila, alam nyo naman ang tungkol dun..Kaya umuwi na ako sa bahay namon, usually bahay nila Charlene yun ehh dun ako nakatira ehh..

Pagpasok ko agad naman akong dumeretso sa kwarto ni Darlene..At nakita ko sya na nakaharap sa bintana..

"Darlene..." lumingon sya pero ibinalik nya yung tingin nya sa bintana..


Nilapitan ko sya at niyakap.


"Bakit bumalik ka pa?"

"Ayaw mo yun? Binalikan kita, di ba ito naman yung gusto mo??" at humarap naman sya sa kin..


At niyakap naman nya ako..

"Akala ko hindi ka babalik.." at napansin ko namang umiiyak na sya..


Kumalas naman sya sa pagkakayakap sa kin..


"Malapit na graduation mo di ba? May surpresa ako para sayo.." at humagulgol sya ng iyak. "Wag ka ng umiiiyak.." 


Ngayon ang kailangan ko na lang gawin, ang kalimutan si Charlene, siguro kailangan ko ng tanggapin na hindi kami para sa isa't-isa..



Charlene's POV:

Maaga na akong pumasok, dahil ngayong araw kailangan ko ng umiwas sa kanya. Masaya na ako na nakasama ko sya ng 3 days, at siguro kailangan ko na ring magging masaya para sa kanya.


Papunta na ako  ngayon sa second subject ko, pagpasok ko napansin kong nakaupo si Luke sa kinauupuan ko kaya naghanap na lang ako ng ibang mauupuan, pero bigla naman nyang hinigit yung kaliwang kamay ko kaya napaupo ako sa bakenteng upuan na katabi nya.


"Talaga bang mahal mo si Lucas?" at sabay tingin nya sa kin.

"Luke pwede tanggalin mo nga yang kamay mo na sasaktan ako.."

"Charlene, ano ba sa tingin mo? Hindi ako nasasaktan? Charlene mahal kita.."

"Luke tanggapin mo na yung totoo, kaya please release me.." nagulat ako ng tumayo sya at hinila nya ako palabas..


Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa dinala nya ako sa gilid ng school at tsaka isinandal sa pader. Nakaramdam naman ako ng sakit sa ginawa nya.


"Luke ano ba hindi na ako natutuwa.." pagalit kong sabi sa kanya..

"Ito lang yung paraan para makuha ka Charlene.."


At bigla naman akong hinalikan ng marahan ni Luke, pinilit kong lumaban pero natatalo ako ng lakas nya hanggang sa nararamdaman ko na hinahalikan na nya ako pababa sa leeg ko at wala na lang akong nagawa kundi ang umiyak sa nangyayari sakin ngayon. At wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak.



"Please....s-stop.." naghihina kong sabi sa kanya..


Pero nagulat na lang ako ng may biglang sumuntok kay Luke kaya naman napatumba sya..At agad namang lumapit sakin si Lucas na nag-aalala.


"Charlene, are you ok??" pagalalang tanong ni Lucas sa kin.


Nagulat naman ako ng dambahan ng suntok si Lucas, gayon din ang ginawa ni Lucas. Sa madaling sabi nagaaway na sila.. Samantalang ako napaupo sa isang tabi at umiiyak at tinakpan ko ang magkabilang tenga ko para hindi ko marinig yung pagmumura nila. Napansin ko namang inawat sila ng mga estudyante kaya naman hindi ko na lang sila pinansin at iniyakan ko na lang sila.


"PAG GINAWA MO ULI YUN KAY CHARLENE, KALIMUTAN MO NA ANG PINAGSAMAHAN NATIN LUKE!!" sigaw nya habang hawak sya nung isang estudyante.


"CHARLENE SYA BA ANG PINILI MO...NANDITO NAMAN AKO...SA DINAMI DAMI NG PIPILIIN MO MAY ASAWA PA!!" mas lalo kong tinakpan ang tenga ko sa narinig ko.


Patuloy pa rin yung bangayan nila at nagulat ako ng may dumating.


"The two of you! Come to my office..NOW!!" pagalit na sabi nung matandang lalaki.


Napansin ko namang sumunod sila sa sinabi nung matandang lalaki.


Pagkatapos nung nangyari ay agad naman akong tumakbo papunta sa CR, sige pa rin ako sa paiyak ko dahil hindi ko makalimutan na binaboy ako ni Luke. Hindi  ko inaasahan na gagawin nya sa kin to. Ang buong akala ko ay magpagkakatiwalaan sya pero nagsisisi na lang ako na pinakisamahan ko sya.

Napaupo ako sa sahig at napansin ko naman yung gripo kaya binuhusan ko ang sarili ko ng tubig dahil feeling ko duming dumi ako sa sarili ko..


"Charlene, buksan mo to!!!" narinig ko yung boses ni Ate na sumisigaw, pero hindi ko yun pinansin at patuloy pa rin ako sa pagligo sa sarili ko..


*BLAG*


Napansin ko namang biglang bumukas yung pinto ng CR at agad namang lumapit si Ate sa kin at niyakap ako..


"Charlene tama na yan, nandito na si Ate.." at humagulgol ako ng iyak

"Ate binaboy nya ako Ate binaboy nya ako.." at dahan dahan nya akong itinayo at saka inuwi ng bahay.

My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon