Chapter 58:

5.2K 72 1
                                    

My Sister's Husband by MyrrhRamirez

Chapter 58:

Charlene's POV:

Pagkatapos kong sabihin yun hindi ko maiwasang umiyak. Ayoko na rin kasi pagod na pagod na ako sa nangyayari, kaya mas mabuting lumayo na ako.

Pagkatapos ay agad akong umuwi sa bahay at nagimpake ng mga gamit namin ni Lance. Lalabas palang ako ng tumambad sa harapan ko si Edward.

"O saan ka pupunta?" tanong nya sakin.

"Aalis na kami Edward, maraming salamat sa lahat ng itinulong mo samin. Hindi ko alam kung paano ko babayaran kung paano ko babayaran yung utang na loob ko sayo, maraming salamat sa kabutihan mo.." maglalakad pa lang ako palabas ng pinigilan nya ako..

"Charlene!!" at napalingon naman ako.

Lumapit naman sya sakin.

"Bakit bigla ka na lang nagdedesisyon ng hindi ka nagsasabi sakin?"

"Edward bakit ko pa kailangan sabihin sayo. Ayokong madamay ka sa problema namin....kaya Edward hayaan mo na ako...Hayaan mo na kami ni Lance.."

"May pakialam ako Charlene dahil.." napatingin naman ako sa kanya."...dahil mahal kita Charlene.."

"Edward hindi mo alam ang sinasabi mo........Hindi mo magagawang mahalin ang isang katulad ko.."

"Noon pa lang Charlene minahal kita...Tinitignan kita mula sa malayuan...Kaya ng malaman ko na aalis ka sainyo sinamantala ko ang pagkakataon na makasama ka, para mapansin mo ako. Dahil sinabi mo noon sakin na tulungan kita, kaya hindi ako papayag na mangyari na naman ang nakaraan.."


Hindi ko alam kong bakit nasasabi ni Edward ito. Pero isa lang ang alam ko.......mahal nya ako pero hindi pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit may inis akong nararamdaman sa kanya hindi ko rin mapaliwanag...

"Edward hindi ko alam ang gusto mong mangyari kaya hayaan mo na ako. Kaya yang nararamdaman mo sakin alisin mo na yan dahil mahal kita bilang kaibigan lang.." at saka naglakad ako papunta sa taxi at inilagay yung gamit doon at saka pumasok na ako...

Nagmaneho na si Manong Driver, at tumingin ako mula sa likuran kung saan naiwan syang nakatayo....

Hindi ko alam sa sarili ko, inis ang nararamdaman ko sa kanya, basta parang may mali sa pangyayari.

3rd Person's POV:

"Sabi ni Mama ko day-off daw ng Papa ko kaya makakasama si Papa. Ikaw Lance sasama ang Mama't Papa mo?" tanong nagkaklse ni Lance sa kanya.

Samantala tahimik lang ang si Lance at hindi maisagot ang tanong ng kaklase nya. Hindi nya alam ang maiisasagot nya, dahil hindi pa nito nakikita ang ama.

Sa likod ni Lance makikita si Lucas na papalapit sa bata.

"Lance? Papa mo?" tanong nung kaklase nya.

Kaya napalingon yung bata at nakita nito si Lucas na papalapit sa kanya.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Lance kay Lucas.

Napaluhod naman ito sa harap ng bata para makausap at saka niyakap sya nito.

"Ano po bang problema?" napansin naman to ng kaklase nya kaya nagpaalam na ito sa kanya, nagwave naman sya ng hand para magbabay din sa kaklase nya.

Kumalas naman sa pagkakayakap si Lucas.

"Magingat kayo ng Mama mo ha!" at saka nag punas ng luha si Lucas.

"Bakit po kayo umiiyak? Dahil hindi po ba kayo sinagot ng Mama.." napangiti naman si Lucas sa sinabi ng bata kaya napailing ito.

"Eh ano po ang dahilan?"

"Promise mo sakin aalagaan mo ang Mama mo ha, at magiingat kayo anak, ikaw na lang ang inaasahan ko na magaalaga sa Mama mo.." medyo naguluhan yung bata sa sinabi ni Lucas kaya napakamot ito ng ulo.

"Hindi ko po kayo maiintindihan.." humiga naman ng malalim si Lucas bago magsalita..

"It nice to see my son! Daddy's back!!" at niyakap nito ang bata.

"Papa ko po kayo? Paano nangyari yun?" at kumalas naman sa pagkakayakap si Lucas.

"Tanungin mo na lang ang Mama mo. Sige maiwan na kita yung promise mo sakin gagawin mo ha!!" at tumayo si Lucas at naglakad na palayo..

"Sandali.." napalingon naman si Lucas."Papa, sandali.." lumapit uli si Lucas kay Lance at niyakap ito.

"Wag kayong magalala Papa kakausapin ko si Mama para magkasama na po uli tayo.."

 

-to be continued-

My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon