Chapter 56:

4.8K 67 0
                                    

My Sister's Husband by MyrrhRamirez

Chapter 56:

Maylene's POV: 


Bigla naman akong napadaan sa dating bahay namin, hindi ko alam at dinala ako ng mga paa ko rito. Nag mukha na itong abandon house simula ng umalis si Charlene.

Hay, anak nasaan ka na ba?

Pumasok naman ako sa loob, nagtataka ako at ang linis ng buong bahay hindi tio yung tulad ng dati na napagulo at wlang linis linis pero ngayon napakalinis ng loob. Bigla namang nagbalik lahat ng alala na narito sa bahay na ito..

*Flashback*

"Mama si ate oh!!"

"Kasi si Charlene eh, kanina pa naglalaro ng psp ayaw nya akong pahiramin.."

"Charlene si ate naman salitan lang kayo ok?"

"Opo mama"

-----------------

"Ma.." at niyakap nya ako

"Charlene nasaan yung ate mo?"

"Malalate po sya ng uwi.."


-end of flashback-


Pinagmasdan ko ang bawat paligid kung saan lahat ng happy memories eh pilit kong inaalala.

Wala man alng akong nagawang maganda sa kanya.Hin di ko man lang sya ipinagtanggol...parang ang sama kong ina sa kanya.

At huli ko namang pinuntahan ang kwarto nya, nabigla naman ako dahil napakaayos ng loob nito ang pagkakaalam ko wala ng gumalaw ng kwarto nito simula ng umalis sya. Hindi kaya bumalik sya? Siguro hindi baka pinaayos ni Alex ang kwarto nya, medyo kasi malungkot na ang kwarto na ito baka pinaayos nya lang..

Naalala ko ng itinayo ang bahay na ito. Sinabi nya na ang bahay na ito ay mapupuno ng kasiyahan at pagmamahalan kasama ang mga anak namin. Pero ngayon malabo ng mangyari yun, dahil sya mismo ang sumira ng pangako nya, sya mismo ang bumali nun. Hindi na sya yung Alex na kilala ko.

Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Inis, galit at lungkot. basta halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon..Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya, hindi sya naging ama sa anak nya. Lagi nyang iniisipa ng kasikatan nya at hindi na kami inisip bilang pamilya nya.

Hindi ko na maiwasang umiiyak ngayon, dahil lahat ito sa ginawa nya. Sarili nyang anak.....Namimiss ko lang talaga ang baby girl ko. Kamusta na kaya sya?

Napansin ko namang may pumasok sa loob, kaya agad naman akong nagtago sa sulok para hindi nila ako makita.

Sandali? Kailan pa umuwi si Alex? A-At si Edward? Anong ginagawa nya rito?

"Umalis na kayo rito, bibigyan ko kayo ng pera at hwag n hwag na kayong babalik sa lugar na to.."

"Pero sir, paano kung bumalik yung alaala ni Charlene? Kahit na lumayo kami susunod at susunod si Lucas samin.."

"Gawin mo ang lahat!!!.." bigla naman akong napaatras kaya natabig ko yung pigurine sa tabi ko kaya dali-dali akong nagtago sa kung saan para hindi nila ako mahuli..

"Sino ang nandyan!!"sigaw ni Alex.

"Sir baka pusa lang yun.."

"Basta yung pinagusapan natin, gawin mo ang lahat para mailayo si Charlene sa lugar na ito.."


It can't be...

My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon