Chapter 53:

5.2K 65 0
                                    

My Sister's Husband by MyrrhRamirez

Chapter 53:

Lucas POV:

"Ms. Secretary, anong schedule ko for the whole day?" tanong ko sa kanya.

It's been 2 weeks na nagt-trabaho sa kin si Charlene, wala naman akong napansin na kakaiba sa kanya ngayon. Pero itong Charlene na kaharap ko gayon eh hindi yung Charlene dati sya yung bagong Charlene na isip bata at makulit.

"Ahh, sir may meeting po kayo kay Mr.Garcia mamayang 3pm sa may conference mamaya."

"Then.."

"Meeting rin po kay Mr.Dowell mamayang 5pm, sa Sky Lounge, then sir.."

"Bakit?"

"Ahh...eh..may meeting po kay Mr.Serrano.." bigla naman syang napahawak sa ulo nya.

"Are you ok?" then bigla na lang syang hinimatay kaya agad ko syang nilapitan.

Agad ko naman syang binuhat at saka dinala sa hospital.

HOSPITAL:

"Kaano-ano mo yung pasyente?" tanong nung doktor sa kin.

"Sekretarya ko sya doc..Ok na po ba sya?"

"Mabuti na ang lagay nya ngayon, kaya pala sumasakit yung ulo nya dahil unti-unti ng bumabalik yung alaala nya.."

"Ganon po ba doc? Salamat.." at umalis sa harapan ko yung doctor at saka pumasok ako sa loob.

So i confmired na may amnesia sya, tulad nga ng sinabi ni Luke.

Napansin ko namang bigla namang dumilat yung mata nya at tumingin sa paligid.

"Nasaan ako?" agad nyang tanong.

"Nasa ospital ka Charlene, bigla ka na lang hinimatay kanina.."

"Ahh, ganon po ba? Ano bang nangyayari sa kin...."

"Magpahiga ka na muna, tatawagan ko na lang yung guardian mo para makauwi ka na at magpahiga mukhang pagod ka na rin.." ilalabas ko palang yung phone ko ng biglang..

"Wag! Wag na po ayokong magalala sila sakin, pwede po bang itago na lang natin yung nangyari ngayon?" at tumango naman ako.

Bigla naman syang napatingin ng seryoso sakin.

"Sino ba talaga ako?" bigla naman akong nagulat sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?" pakunwari kong tanong sa kanya..

"May bigla na lang ako naalala hindi ko rin alam kung ano yun.."

"Hindi mo alam ang nangyari sa past mo?" at tumango naman sya bilang sagot nya.

"Ang pagkakaalam ko lang eh 3 years akong coma yun ang kwento sa kin ni Edward, nagising na lang ako na may anak na pala ako sinabi rin ni Edward yung nangyari sa kin pero ang sabi nya wag ko na daw balikan ang nakaraan dahil baka magulat lang ako pag nalaman ko daw.." habang nagk-kwento sya bigla na lang syang umiiyak. kaya pinakinggan ko sya habang nagk-kwento.

My Sister's HusbandWhere stories live. Discover now