Chapter 43:

5.3K 66 0
                                    

My Sister's Husband by MyrrhRamirez

Chapter 43:

3rd Person's POV:

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi nila nakita si Charlene. At ng araw ding yun ay bumalik yung private detective na inassign sa paghahanap kay Charlene. Pero isang malagim na pangyayari ang nabilataan ng pamilya ni Alex.

"Malungkot po ang nangyari sa inyong anak Mrs. Serrano. Nabalitaan ko pang naaksidente sya, sa ngayon po ay hinahanap ang katawan ng anak nyo Mrs..." at inilapag nya ang kwintas na nakita sa crime scene."Eto pa ang nakita namin.." napaupo naman si Maylene dahil sa narinig nya.

"Hindi maari.." at lumapit sya kay Lucas at sinaktan ito, samantalang si Darlene ay inaawat ang kanyang ina.

"Kasalanan mo ito Lucas, hindi sana magyayari sa kanya ito..." ngunit walang nagawa si Lucas kundi hayaan si Maylene na saktan ito..

Lucas POV:

Tumayo ako at lumabas ng bahay at saka sumakay ng kotse. 

Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng detective na yun at wala syang proof o evidence na patay na si Charlene. Kaya naman naghanap ako sa kung saan saang hospital ngunit bigo ako dahil hindi ko ito nakita. Kaya bumalik na lang ako sa bahay at nakita ko si Darlene mukhang kanina pa ako hinihintay..

"Saan ka ba galing?" pag aalang tanong nya sa kin.

"Tuloy ang papunta nyong Europe ni Darlene.." bigla naman akong napalingon sa sinabi ni Tito Alex. "Ayokong malaman ng publiko ang tungkol dito, MALIWANAG!!"

-Silent Moment-

 Wala na akong nagawa sa sinabi ni Tito Alex, kundi gawin na lang ang gusto nito..

                                                                                                                                                                          ***

Bago kami umalis papuntang Europe ay nakipagkita na muna ako kay Luke.

"Wag kang magalala hahanapin ko para sayo si Charlene.."

"Salamat kung ganon Luke malaki ang utang na loob ko sa yo.. Gusto kong lagi mo ring babantayan si Tito Alex.."

"Pare sandali? Pero bakit?" pagtatakang tanong ni Luke.

"Pakiramdam kong may kinalaman sya sa pagkawala ng personal bodyguard nya at kay Charlene.."

"Susubukan ko Lucas, tatawag na lang ako pag may nakuha na akong info.." at nagpaalam na ako sa kanya at saka sumakay ng kotse..

My Sister's HusbandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora