10 : Breakfast

90.3K 1.8K 67
                                    


Day 1 : Breakfast is ready

Last night, I have signed the marriage contract.

Today, I am legally Mrs. Alexander Montero.

Ang bilis ng pangyayari. Ni hindi ko nga alam kung aware ba ang mga magulang ni Xander. Jusko, feeling ko makilatis si Mrs. Charmaigne.

Alam na alam ko kase na karamihan sa mga designers ay makilatis.

Gumising ako ng maaga para ipagluto siya.

Ngunit nagulat ako ng makita kong walang laman ang ref. Jusko! Ano bang kinakain ng billionaryong iyon ha. Puro nalang ata alak ang diet nun. Halos alak lang ang laman ng ref niya.

I looked at the time. It's 5:30 in the morning. Siguro naman may 24/7 na nakabukas na grocery stores malamit dito.

Nagdamit ako ng panlabas saglit bago ako lumabas at dumiretso sa isang supermart na nakabukas. Bibilhin ko lamang ang mga gagamitin ko ngayon. Mamaya na ako mag gogrocery.

Habang naglalakad, I find it creepy. Parang may sumusunod sa akin. Ngunit ipinagwalang bahala ko nalamang iyun. I can manage. If ever that I get to come face to face with a stranger, marunong naman akonsa self defense.

Bumili ako ng isang tray ng itlog, talong. Jusko pati bigas bumili pa talaga ako. Bilyonaryo ba talaga yung taong iyun? Walang laman ang ref eh.

Binili ko na lahat ng puwede kong bilhin at bumalik na rin sa bahay. Medyo nag-uumaga narin ng makabalik ako kaya dun ko lamang napagtanto ang kagandahan ng bahay ng Montero na 'yun. His house is huge and so fragile when looked at. Mahilig siya sa glass windows at lightings kumbaga.

I went inside at nagsimula ng magsaing ng bigas at magluto ng ulam.

I've decided to cook tortang talong with red eggs and kamatis. I don't know if he eats those kinds of food but I do.

I was busy cooking when I suddenly felt someone walking towards the kitchen.

" Good morning-"

" You went out" Hindi iyon tanong. It was an accusation

" Bakit ka lumabas mag-isa? You should have waken me up" Ang aga aga mukhang bad mood 'tong Akexander na 'to ah.

" Jan lang naman. And if you saw the time on your private CCTV monitor, it's almost six in the morning. Come on Akexander, umagang umaga mainit iyang ulo mo." Wika ko sa kanya.

" Paano kung may nangyari sa 'yo. You're a woman for pete's sake" Nakapameywang niyang wika sa akin

" Oo nga, babae naman talaga ako." Pinilosopo ko pa talaga siya. Nagulat na lamang ako ng biglaan niya akong hapitin sa beywang sabay gawaran ng mainit na halik.

Shocked crossed over me.

" Ano 'yun?" Tanong ko sa kanya.

" Morning kiss. What. I am entitled for a morning kiss my wife" He smirked. I smiled.

" Ikaw ah. Maharot ka talagang Montero ka. Just make sure that that kiss means nothing but just a kiss. Ay nako talaga sinasabi ko na sayo ngayon din Mr. Montero, huwag na huwag kang magkakamaling mahulog sa kagadahan kong 'to" Paliwanang ko sa kanya.

" Paano kapag ikaw ang mahulog sa akin?" Tanong niya sa akin pabalik.

Feeling 'to ah.

" Hindi ako mahuhulog sa 'yo no Mr. Montero" I'm used to having conversations like this with boys. Sisiw na lang 'to sa akin.

The Playboy's Queen (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now