23 : Hurt

93.9K 1.8K 42
                                    


Hurt

The foundation of love is not love itself but the trust you give to your partner. The essence of trust is more than what love could ever offer. Love by itself is not enough. Kulang kung pag-ibig lang ang basehan ng isang pagsasama.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Because I fear that I am starting to trust him. Sa simpleng mga ginagawa lang niya ay para akong tubig na sumasabay na lang sa agos ng alon ng kanyang pag-ibig. Paranga akong kandila na hindi nauubos kahit patuloy na nasisilaban ng apoy ng kanyang pag-ibig. Kung isang paratang ang mahalin siya ng tuluyan ay tatanggapin ko kahit anong paratang ang ibigay sa akin.

Kung ang tanging magiging kapalit ng pagpapakatutuo ko sa aking sarili ay ang kasinungalingang sinabi ko sa isang babaeng wala rin ginawa kundi ang mahalin ang lalaking tinatawag kong sarili kong asawa sa mahabang panahon, tila naging mistulang isang maliit na bagay lamang ang pagsisinungaling. Maanghang akong napaupo sa harap ng upuang pati iyon ag aking hiniram din. Ngayon ko lang tuluyang nasabi sa aking sarili ang katotohanang kailangan kong maging totoo sa aking sarili, kung hindi mawawala sa akin anv taong ayaw kong mawala.

Ang asawa ko. Ang sarap pakinggan ngunit ang lalim pag-isipan. Sa ganitong paraan ba ng ginagawa ko nakakatulong ba ito sa lahat ng aking nararamdaman? Gusto kong kumbinsihin ang aking sarili na ganoon na nga. Ganito pala ang pakiramdam na malapit ka ng tuluyang magpa-alam sa isang bagay na ginusto mong sana ay maging permanente nalang. Sa loob ng ilang araw ay hindi nga nagparamdam si Melanie sa akin. Yung text message lang niya kay Xander ang tanging nakita kong naging communikasyon niya. Ngunit sadya bang masasabi ko na masaya ako dahil sa buong araw na iyon ay ako ang kasama ni Xander hanggang sa gabi. Napantig ang puso ko dahil kailanman ay ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito katinding emosyon. Naputol ang aking pag-iisip ng pumasok si Lenny sa opisina na hiram ko lang din.

" Ma'am, pinapasabi po pala ni Ma'am Charm na pabalik na daw po sila. Hindi po kase niya makontact ang cellphone niyo kaya po pinapasabi nalang po niya" Agad akong napangiti sabay tango sa sinabi ni Lenny.

" Sige. Walang problema. Aayusin ko nalang saglit ang mga reports na kailangan kong ayusin. Hintayin ko nalang siya. Mga anong oras daw po siya darating" Sabay kaming napatingin sa orasan ni Lenny. Saktong alas quatro na ng hapon ng makita ko ang orasan. Alas quatro na din. Siguro ay malapit na sila.

Hindi nga ako nagkakamali dahil ilang minuto lamang ang nakakaraan ay nakita ko na agad si Ma'am Charmaign sa may bungad ng pintuan. Nakangiti ito na para bang masayang masaya.

" Kamusta! Natutuwa ako at sobrang matrabaho mo pala Jerry." Bungad niya sa akin. Agad naman akong tumayo upang salubungin siya.

" Maraming salamat Jerry. Huwag kang mag-alala. Lahat ng ito ay susuklian ko ng masmadami pa. I know you're tired already. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa opisina. Kaya pala araw araw nalang sinasabi sa akin ng anak ko na pinapahirapan daw kita." Maikling sagot ni ma'am Charmaigne. I call her ma'am. Dahil sa itanggi ko man o hindi, niloloko ko lang siya.

" Hindi naman po problema yun. Okay lang po. Salamat po sa pagbibigay ko niyo sa akin ng oportunidad na pamahalaan ang companya po ninyo" Magalang kong wika.

Napangiti si ma'am Charmaigne bago muling nagsalita.

" Bukas magkakaroon ng thanksgiving party para sa 'yo. Aasahan kong kahit andito na ako, dumalo ka naman, Anak." She said. That feels so good to hear. Wala naman sigurong masama kung kahit iyun manlang ay daluhan ko.

" Sige po. Dadalo po ako" Wika ko. Niyakap lamang ako ni ma'am Charmaigne. Ilang saglit lamang ay nagpaalam na rin ako.

Nasa loob na ako ng aking kotse ng mapagdesisyunan kong bisitahin si Xander sa kanyang opisina. I planned to drop by on a nearest bakery shop to buy him something before heading there.

The Playboy's Queen (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now