Prologue

1.2K 30 4
                                    

This is her destiny and she can't escaped from it. Mangyayari at mangyayari ang dapat na mangyari. Itinago sa buong kaharian at buong clan ang pagiging keeper nito para sa kanyang kaligtasan at walang sino man ang nakakilala sa kanya o nakakita sa kanyang mukha tanging ang magulang nito ang nakaalam sa pagiging total keeper nito.






Namulat ito sa ibang mundo lalo na ang mundo ng mga mortal at lumaki ito sa kinikilalang ina. Ang tanging alam lang nito ay isa siyang ordinaryong mamayan sa mundo ng mga mortal. Ang sabi sa kanya ng kanyang ina-inahan ay ibinigay siya ng kanyang totoong ina sa kanyang kinikilalang ina ngayon para sa kanyang kaligtasan dahil may threath daw ang buhay ng kanyang magulang at kailangan nila soyang iligtas mula sa mga sakim na kaaway ng kanilang angkan. Hindi sinabi sa kanya na isa siyang iniingatan ng lahat dahil sa kapangyarihan na taglay nito ngunit ang tanging alam niya lang ay isa siyang special na tao na may kakaibang kakayahan. Hindi dapat siya makilala ng tagadark clan na immortal na kaaway ng buong angkan ng white clan at hindi rin nito alam na may ganoong angkan na nag-eexit sa ibang mundo. Namuhay ito na walang alam tungkol sa kabilang mundo at sa taglay na kapangyarihan na mayroon ito na sa ngayon ay natutulog sa kalooban nito.








Namuhay siya na hindi nakikihalubilo sa ibang tao at walang kaibigan dahil sa naramdaman niyang isa siyang kakaibang tao, ayaw nito matuklasan ng iba na kakaiba siya kaysa pangkaraniwang na nilalalang dito sa mundo ng mga mortal. Tingin nito sa sarili nito ay isa siyang halimaw dahil sa lakas na naramdaman niya sa katawan nito.







She's the elemental keeper and no one knows about it even herself.




Is she ready for her responsibility?




Being an








ELEMENTAL KEEPER......?




















*******

Tumatakbong nagmamadali ako pauwi ng bahay dahil sa mga nilalang na humahabol sa akin, hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin at kung bakit nila ako hinahabol. Kailangan kong puntahan si mama at humingi ng tulong sa kanya. Naiiyak na ako habang mabilis na tumatakbo papalayo sa mga nilalang na humahabol sa akin. Hindi lang isa kundi ang dami nila, sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na napagtanto na papasok na pala ako sa kagubatan na sobrang dilim. Mas lalo akong nakaramdam ng takot at mas lalo akong napaiyak sa kalagayan ko ngayon. Naramdaman ko ang patak ng ulan. Tsk, mukhang uulan pa parang inaasar yata ako ng panahon at situation ngayon. Sumasabay pa talaga hanggang sa umulan na talaga na may kasama pang kidlat at tunog mula sa kalangitan. Ayoko na, ayoko na, napapagod na ako sa kakatakbo at nahihirapan na ako dahil sa madulas na ang daan, nanalalabo pa paningin ko dahil sa halo ng luha ko at sabayan pa ng ulan. "Mama, tulungan niyo ako. Maawa kayo, tulungan mo ako sa mga nilalang na ito mama." Umiiyak na sambit ko sa isip ko. Paglingon ko sa likod ay malapit na sila sa kinaroroonan ko. Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil sa halong-halong emosyon at sa lamig na aking naramdaman. Ang gusto ko lang naman sana ay makauwi sa bahay ng mapayapa ngunit hindi nangyari iyon dahil nabigla na lang ako sa mga nilalang na sumulpot kung saan at sinubukan akong hulihin ng mga ito kaya ito ang nangyari sa akin ngayon hinahabol ng mga nakakatakot na nilalang.







"Hulihin ang babaing iyan! Siya na lang ang hindi pa nahuhuli!" Rinig na rinig kong sigaw ng isang nilalang na humahabol sa akin. Mas binilisan naman ang mga ito sa paghabol sa akin. "Hindi niyo siya makukuha! Hindi siya nararapat sa clan niyon!" Nabigla ako sa isng boses lalaki mula sa may kanan ko kaya napatingin ako sa gawing iyon. May tumatakbong papunta sa gawi namin na nasa tingin ko ay nasa sampu ang mga ito. Nabuhay ang pag-asa ko na kanina ay dahan dahan ng napatay dahil sa akalang wala ng may magliligtas sa akin sa mga nilalang na ito. Ngunit naalala ko ang sinabi nitong hindi ako nararapat sa clan ng mga nilalang na ito. Ano ba ang kailangan ng dalawang grupo n ito sa buhay ko? Anong clan na pinagsasabi ng mga ito? Nakikita ko na naglalaban na ang mga ito at nanalaki ang mga mata ko dahil sa mga kapangyarihan na pinapalabas ng mga ito. Nasa mundo pa ba ako? Nasaan na ba ako? Ibang planeta na ba ito? Sino ba talaga sila at ano ang dahilan nila kung bakit pilit na hinuhuli ako ng mga ito? Sa sobrang kakaisip ko ay hindi ko namalayan na may masasalubong ako na isang maitim na usok. Sa sobrang gulat hindi ko nagawang umiwas at kinain ako ng usok na ito. Narinig ko pa ang pagsigaw ng isang familiar na tinig na alam ko kay kanino galing.






"Mama." Sambit ko sa isip ko. Narinig ko ang huling pagtawag nito sa akin bago ako kainin ng tuluyan ng itim na usok.





"Kathleen! Hindi!"

















----------

Alam ko na ang iba ang nagtataka at naguguluhan kong bakit iniba ko ang prologue. Huwag kayong mag-alala, enedit ko lang ang kwento at may kunting iniba ako at dinagdag pero ganoon pa rin ang plot.

Bagong genre, bagong pagsubok bilang isang manunulat sa wattpad. Sana supportahan niyo din ito katulad ng pagsuporta niyo sa tatlong book na ginawa ko.

I will try my very best na maging maganda ang kwentong ito at magustuhan niyo. Kailangan kong sumubok ng bagong genre, at fantasy ang naisip kong gawin.

Sorry for the grammatical error, typos & spelling.

Godbless and enjoy! 😄😊😊

chellie15

Elementansia Magical Academy: The Elemental Keeper (On-Going) [Slow Update]Where stories live. Discover now