Chapter 5: Sui Generis Family

255 7 0
                                    

(Xue Davis)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Xue Davis)










Xue's POV

Hello guys, alam kong kilala niyo na ako ngunit mas gusto ko pa rin na magpakilala ng formal. I'm Xue Davis, a bubble maker and a wizard. My mother is a well-known wizard, my father is also a wizard. Paano ko nakuha ang power na bubble maker? Sabi ng parents ko ay isang gift ito galing sa mga fairies at hindi na nila ito ipinaliwanag pa ng mabuti, hindi na rin ako nagtanong pa ng marami. Ang parents ko? Isa sila dito sa mga opisiyales sa EMA at mataas na opisiyal ang parehong magulang ko. Hindi ko pa sila nakikita sa ngayon dahil ang sabi sa akin ni knight Tanya ng makarating kami ay nasa palasyo daw sila ngayon ng light clan. Okay, I'm 19 years of age, same age with Kathleen & Mika. Xaynah is 18 years old same with the prince Cyriel. Damian, Kira at Dawyne naman ay nasa 20 na. Kathleen magtuturning 20 na sa next month. Paano ko nalaman? Duh, uso rin kaya sa mundo namin ang google, fb, youtube, instagram, twitter, friendster, viber, we-chat, kakaotalk, messanger, yahoo, whatsapp, at siyempre mawawala pa ba ang wattpad? Siyempre hindi noh, oh diba ang astig ng mundo namin noh? At paniwalang-paniwala rin kayo sa sinabi ko. Hahaha (evil laugh). Nalaman ko kung kailan ang birthday niya dahil na rin sa magaling at maganda niyang ina.


So back to reality na tayo, nagsimula na ang ritual kay Xaynah at ramdam namin ang sakit at hirap na naramdaman niya sa mga oras na ito. Hindi nagtagal ay lumabas na ang resulta ngunit lahat kami ay nagulat at nagtataka dahil iba ang lumabas at hindi isa sa kahit anong tatlong family. "Sui Generis Family?" Nagtatakang sambit namin ng sabay nina Kathleen at Mika. May isa pa palang family na hindi namin alam, ano ang ibig sabihin ng sui generis? Nagsimula ng magbulung-bulungan ang lahat.


"Sui Generis? Ano kaya ang ibig sabihin? Ngayon ko lang ito nalaman na may isa pa palang family." Nagtatakang usal ng isang lalaki na galing sa beast family.


"Sui Generis stands for, weaklings, nothing, in short mahihina ang mabibilang sa family na iyan." Usal ng isang babae na napakaarti, alipores ito ni Hyka ang leader at maarting babae ng Highbred Family.


"Baka ibig sabihin, isa lamang silang ordinaryong angkan ng light clan. Nothing special kumbaga." Mataray na sabi ng taga elites family. Nakita namin ang panlulumo sa mukha ni Xaynah ng lumabas ito. Tumayo na kami at sinalubong siya ng yakap.


Nakita naman namin na nag-uusap ang mga knights at ang reyna at hari sandali, hindi namin alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Umupo muna kami at hinintay ang susunod na tatawagin ni knight Zera. Makalipas ang dalawang minuto ay muli ng nagsalita si knight Zera, tumikhim muna ito bago nagsimula. "Okay, listen students, I know some of you are in confused at marami ang nagtatanong kung bakit iba ang lumabas. Alam ko na hindi kayo familiar at wala kayong alam tungkol sa Sui Generis Family. Me & my co-knights,we're talking about this incident with the king and queen. 25 years ago, may ganitong incindente rin ang nangyari, 12 students was belong on this family. Now, after a long years ngayon lang ulit nangyari na my nabibilang sa sui generis at muling magbubukas ang family na ito. Xaynah Aston, welcome to Sui Generis." Mahabang paliwanag ni knight Zera, at saka ito ngumiti ng malapad. I don't know ngunit may kung ano sa sui generis family. Nakangiting tumango si Xanyah sa knight ng fire.



Elementansia Magical Academy: The Elemental Keeper (On-Going) [Slow Update]Where stories live. Discover now