Chapter 12: Secrets

97 2 2
                                    


Hello readers!!! Sa lahat na naghihintay ng ud ko! Ito na po para po ito sa inyong lahat!! Salamat sa matiyagang paghihintay...So ito na po guys!! Sa wakas natapos ko din siya at nagawa ko din siya!! Sana magustuhan niyo po ito... Enjoy reading guys!!!









---------------















Dwayne's POV







"Knight Tanya" magalang na bati ko sa knight. Nasa likod ako ngayon ng school kung saan kami pumapasok ni Kathleen, nasa medyo tago ako na lugar at ramdam ko naman na mas safe dito. Kausap ko ngayon at kaharap ang air knight through air. "How's your mission?" Tanong kaagad sa akin nito. Oo, tama ang narinig niyo mula sa kanya. Isang mission ang pinunta ko dito. Mission mula sa mga knights.











Flashback (EMA)








"Knight Tanya, alam ko na po kung nasaan siya." Napatigil ang knight sa kanyang palakad-lakad at tumingin ito sa akin, ganun din ang iba, napatigil sa kani-kanilang ginagawa at napatingin sa akin. Nag-aabang sa susunod ko na sasabihin at kita ko rin sa kanilang mga mukha ang pagtataka, pagtatanong at pag-asa. "Nasa lugar ito kung saan siya nanggaling, sa lugar kung saan siya nagkamulat, sa lugar kung saan nagsimula ang lahat at nagkatoto siya ngunit sa lugar din kung saan naramdaman niya na hindi siya nabibilang." I pause at saka tumingin sa kanilang lahat dahil alam ko na alam na din nila ang lugar na ito. Dahan-dahan napangiti ang iba kung kasama at napa-upo naman ang knight ng air, general kira tap my shoulder at alam ko na nakuha din nito ang ibig kung sabihin. "Mortal world." Halos magkasabay na sambit ng mga kasama ko sa loob ng kwartong iyon. Napangiti na lamang ako sa kanila. "Alam ko na may mabigat siyang dahilan kung bakit siya umalis sa Acadamia ng walang paalam lalo na po sa inyo knight Tanya. She has these reasons kung bakit ayaw niyang ipaalam sa atin ang binabalak niya." Patuloy na sabi ko sa kanila. Kita ko na naging kalmado na ang lahat at mataman na nakikinig sa mga sinasabi ko. Napatingin ako sa knight of air ng bigla itong napatingin sa akin, hindi lamang simpleng tingin kundi tingin na may ibig ipahiwatig sa akin.











"Dwayne, we give you a secret mission. At 'yun ay ang pumunta ka ng mortal world. Hanapin mo siya doon at bantayan mo siya ng maigi, alam ko at alam natin lahat na may dahilan kung bakit siya bumalik sa mundo ng mga mortal ngunit sa pagbalik niya doon ay isang hudyat na magdadala sa kanya ng kapahamakan. Another from that, you have a mission to search this person at alamin mo ang kanyang ginagawa at binabalak na gagawin." May ibinigay itong litrato na ikinagulat ko ng makita ko ang mukha nito sa litrato. I look at them giving a question mark at looking for an explaination. I heard a deep sigh from knight Jiro, "She's weird at nakakaduda ang kanyang kinikilos. Makikita mo at mararamdaman mo na there's something sa kanya. Alam namin mga knights na may tinatago siya dito sa loob ng EMA. Parang nag-iispisya siya dito sa loob ngunit wala kaming mahanap na konkretong ebidensiya na mamagamit namin sa kanya. At ang nakakapagtataka ay umalis siya dito sa loob ng EMA a week before Kathleen back to the mortal world." Mas lalo akong naintriga sa babae na nasa litrato base sa sinasabi ni knight Jiro ay nakakapaghinala nga ang babae. Nakikita ko rin siya dito sa loob ng EMA palaging nag-iisa. Bigla rin nasagi sa isip ko ang nangyari noong pumunta kami sa glades of forest para sa isang ritual. Agad akong napatingin sa kanilang lahat at agad naman silang tumango sa akin. I know it! Damn it! Kaya pala, kaya pala ginawa niya iyon. Damn! Stupid of me bakit hindi ko iyon naisip kaagad? Aish!













Elementansia Magical Academy: The Elemental Keeper (On-Going) [Slow Update]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ