Chapter 9: Ang Pagsisimula

184 9 6
                                    

Ito na po, para sa mga readers na naghintay ng ud ko. Sana magustuhan niyo ang chapter na ito. ^____^

Enjoy everyone! Para ito sa lahat na nagrequest ng update!



--------------











Dwayne's POV



A-ano ito? Hindi ito ordinaryong hangin, alam ko at ramdam ko ang kakaibang aura at sensasyon sa malakas na hangin na ito. Napatingin ako sa babae na nakahiga pa rin sa damuhan at hindi ma lang gumagalaw. I saw something from her, I don't know how to explain it but may kakaiba na nangyayari sa kanya. Don't tell me------- I think I know now.









"Stop her! Bago pa mawasak ng tuluyan ang kagubatan na ito. This is not the right time. Hindi niya pa kayang kontrolin ang kanyang kapangyarihan! Anyone! Pigilan niyo ang kapangyarihan niyang nagwawala at kami na ang bahala humarap sa mga kalaban. Basta gawin niyo ang lahat na makakaya niyo para mapigilan niyo ang nawawalang kapangyarihan niya!" Napalingon kami sa mga bagong dating na mga knights, at kahit nagtataka sa mga sinasabi ni knight Tanya ay kumilos na kaagad kami bago pa mahuli ang lahat. I ran as fast I can para makalapit agad kay Kathleen kahit mahirap itong lapitan dahil sa kanyang kapangyarihan na nagwawala ay sinubukan pa rin namin lahat na makapalapit. Hindi ko maipaliwanag ang aking nasaksihan at maraming katanungan ngayon sa aking isipan na naghahanap ng kasagutan mula sa mga knights na alam ko na alam nila ang sagot sa mga katanungan kong ito.








Sa ilang subok ko na paglapit sa babae ay nagawa ko itong lapitan kahit may mga sugat na akong natamo mula sa kanyang kapangyarihan ay ininda ko pa rin ito dahil sa bawat oras na dumadaan ay mas lalong lumalakas ang kanyang kapangyarihan. "Kathleen Eun, wake up! Hey! You need to wake up! Kailangan mong kontrolin ang kapangyarihan mong nagwawala! Please, gumising ka! Do you hear me? Huwag mong pairalin ang emotion mo!" Isang malakas na pagyugyog ang ginawa ko ngunit walang response mula sa babae, nakapikit pa rin ang mga mata nito at walang malay. Mas lalong naging malakas na ang pagyogyog ko sa balikat ng babae pero parang wala pa rin itong response. Damn it! What should I do? Kailangan ko siyang pigilan, kailangan ko siyang gisingin. Kailangan niyang kontrolin ang kanyang kapangyarihan.









"Dwayne! Ilayo mo na dito si Kathleen! Umalis na kayo dito kami na ang bahala sa mga kalaban. Mika, Xue, Damian & Kira maiiwan kayo para tulungan kami. Xaynah samahan mo si Dwayne! Dalhin niyo si Kathleen kay Doctora Danica dahil alam nito kung ano ang gagawin sa kanya! Bilisan niyo!" Utos sa amin ni knight Jiro. Napatitig muna ako sa kanya bago ako kumilos. Agad ko ng binuhat si Kathleen kahit nahihirapan pa rin ako dahil sa kapangyarihan nito, at saka tumakbong nagmamadali pabalik ng EMA na buhat-buhat ang babae. Napasulyap ako sa babaeng mahimbing ang pagkakatulog na parang walang problemang kaharap. Tsk! Napabaling ulit ako sa mga kasamahan ko na naiwan sa gitna ng kagubatan. There is something kay knight Jiro na hindi ko maipaliwanag. May kakaiba akong naramdaman sa kanya na hindi ko maintindihan na parang may gustong umalpas mula sa ikalaliman ng puso at isip ko. Dumating na kami sa loob ng Academia at agad na tinungo ang opisina ni Doctora Danica. Nakita ko naman na nataranta ang buong academia dahil pa rin sa kapangyarihan ni Kathleen na nagwawala. At hindi ko na rin kailangan hanapin pa si Doc. Danica dahil sinalubong na kami nito.








"Dwayne! Oh, my! Hali kayo, dadalhin natin siya sa chamber glass dito sa loob ng clinic ko." Nagmamadaling tinungo naman namin ang clinic ni doctora Danica na hindi naman kalayuan mula sa front main building ng academia. Ngayon ko lang din nalaman na may chamber glass din dito mismo sa loob ng campus building ng academia. "Ilapag mo na siya sa kama." Saad sa akin kaagad ni Doc. Danica ng makapasok kami sa kanyang clinic. Agad ko naman sinunod ang sinabi nito. Tahimik na nakasunod naman si Xaynah sa amin na pumasok sa loob ng clinic.








Elementansia Magical Academy: The Elemental Keeper (On-Going) [Slow Update]Where stories live. Discover now