Chapter 8: Light Goddess

142 6 8
                                    


Dedicated to


ShanScarlette
AnonymousCoolkid
MaLaarniUligan

Ito na po ang request niyo..
Pasensiya sa matagal na UD..









-----------





Kathleen's POV



"Kathleen! Kathleen my dear!" Isang napakasilaw na liwanag ang nakikita ko at parang may tumatawag sa akin mula sa liwanag na iyon. Alam ko at kilala ko ang boses na ito, alam ko na narinig ko na ang malumanay, malambing at magandang boses babae na ito. Hindi ko lang matandaan kung kelan at kung saan ko narinig.










"Kathleen, makinig ka sa akin. I am the Light Goddess, nagkita at nagkausap na tayong dalawa. Kathleen, buksan mo ang puso mo. Huwag mong pairalin ang emotion mo para manghina ka sa bagay na ito. Accept Kathleen, accept of what you are and who you are. Kailangan mong tanggapin kung sino ka at kung ano ang buhay na mayroon ka ngayon. Huwag mong takasan ang bagay na nakatadhana na sa iyo, damhin mo kung ano ang totoo mong naramdaman at ilabas mo ito. Hayaan mong kusa lalabas ang totoo mong pagkatao at kung sino ka, Kathleen kailangan mong alamin ang buo mong pagkatao bago pa dumating ang kabilugan ng buwan, bago pa matapos ang kaarawan ng kapanganakan mo. Kathleen, kailangan mong yakapin ang totoo mong pagkatao at ang mundong ito, kailangan mong matutunan na mahalin ito ng buo sa'yong puso at isipan. Dahil sa bagay na iyan ay kusang lalabas ang totoo mong pagkatao at ang totoo mong kapangyarihan. You're far from what you are thinking about yourself. You're far from that, from being a knight because you are so very special."









"Anong ibig mong sabihin Light Goddess? Hindi kita maintindihan, I'm far from what? Sino ba ako? Ano ba ako sa mundong ito? Ano ba ang totoo sa akin? Bakit ko tatanggapin ang isang bagay na wala naman akong kaalam-alam? Paano ko yayakapin ang mundong ito kung hindi ako nabibilang dito, I am just accidentally came here. Wala akong kaalam-alam sa mundong ito, sa buhay na ito. I am just a normal and typical teenager na naghahangad ng mapayapang pamumuhay at ng makatapos ng pag-aaral. Tapos matatagpuan ko na lang ang sarili ko na dinukot ng mga nilalang na tinatawag nilang dark clan at boom nakarating ako sa magical world na ito at magiging studyante sa paaralan na ito? Hindi ko alam kung paano nangyari ito sa buhay ko lalo pa ng malaman ko na ang buong pamilya ko ay tagadito pala eh hindi ko nga lubos maisip na may ganitong mundo na nag-eexit. Paano ko gagawin ang lahat na sinasabi mo kung litong-lito ako sa aking sarili, sa aking sariling pagkatao?" Madiin, may inis at hindi ko na rin mapigilan ang umiyak dahil sa sobrang frustration na naramdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin at kung tama ba na nandito ako at makisama sa mga taong ito o kung tao nga ba sila?










"Kathleen, no my dear. Hindi isang accidente ang pagpadpad mo sa lugar na ito dahil mismo ang tadhana ang nagdala sa'yo dito. Dito ka lumaki, dito ka isinilang bago ka dinala sa mundo ng mga tao. Isa ka sa amin Kathleen, nabibilang ka sa lugar na ito dahil hindi ka makakapasok kung hindi ka tagadito. Kathleen, nauubusan na tayo ng oras at araw. Malapit na ang kabilugan ng buwan at ang araw ng kapanganakan mo. Kathleen ikaw ang pag-asa ng lahat, ikaw na lang ang pag-asa namin na malabanan ang dark clan lalo na ang prinsipe ng dark clan." Umiiyak na nakikinig lang ako kay Light Goddess, hindi ko pa rin alam kung susundin ko ba ang sinasabi nito. Nalilito pa rin ako, nalilito sa dapat kung gawin o kung gagawin ko ba dapat ito.










Lumapit ito sa akin saka ako hinawakan sa balikat at ganun pa rin ito kung titigan parang malulunod ako sa mga matang nakaganda na parang nagkikislapan na diamante. "Don't say that my dear. Just follow what your heart says and don't doubt it, lalo na kapag alam mo sa puso mo na totoo ang sinisigaw nito o sinasabi nito. Kathleen ikaw lang ang makakapaggising sa totoo mong kapangyarihan at pagkatao. Katulad ng sinabi ko kanina yakapin mo kung ano ka at kung sino ka ngayon dahil kusa lang ito lalabas. Hihintayin ka namin Kathleen, hihintayin. Buksan mo ang puso mo at damhin ang katotohanan dahil ito ang maging daan para maging malaya ka. Hindi ka nag-iisa Kathleen, hindi dahil may kasama ka. We're waiting for your come back my dear. Hanggang sa muli, paalam." Isang matamis at magandang ngiti ang binitiwan nito bago tuluyan nawala na parang usok.










Inalala ko naman ang lahat na pinagsasabi nito, ang lahat na payo nito sa akin. I close my eyes tightly then, dinarama ko ang paligid. Isang malamig na hangin ang humampas sa aking mukha at katawan. Katulad ng sinabi nito sa akin, kailangan kong tanggapin ang buhay na mayroon ako ngayon at kung sino na ako ngayon. Kailangan kong yakapin ito ng buo sa aking puso, kailangan kong yakapin at tanggapin ang mundong kinabibilangan ko ngayon.









"Kathleen!" Nagising ako sa isang sigaw mula kay Mika, nandito pa rin kami sa gubat habang ako ay nakahiga sa lupa at nakatingala sa langit. Natandaan ko ang nangyari kung bakit ako bagsak ngayon at hindi maigalaw ang aking buong katawan. Tanging nabukas ang aking dalawang mga mata at nakatingala sa langit. Hindi ko magawang ibuka aking mga mata at tanging naririnig ko lang ang sagupaan ng mga kasama ko laban sa mga tagadark clan. Nakakarinig rin ako ng yabag mula sa malayo papalapit sa lugar na ito, hindi lang isa, dalawa kundi marami. Maraming yabag galing sa mga mag-aaral mula sa EMA.








"Kathleen! Bumangon ka diyan!" Rinig ko naman na sigaw ni Xue at alam ko na hindi nila ako matutulungan dahil nasa gitna ang mga ito sa pakikipaglaban sa mga kaaway.










"Damn it! Tumayo kana diyan Kathleen!" Usal naman ni Damian








"Sis, bilisan mo! Tumayo kana diyan. Huwag mo na kaming pagpapaalalahin pa!" Sigaw naman ito mula sa kapatid kong si Kira. Pinilit ko ulit na bumangon ngunit hindi ko magawang ikilos ang buong katawan ko. Hindi ko kaya, ang sakit at parang wala na akong nararamdaman.










"Kathleen, accept. You need to accept kung sino at ano ka ngayon. Yakapin mo ng buong-buo sa puso mo ang buhay na mayroon ka ngayon at ang mundong ito dahil kusang lalabas ang totoo mong kapangyarihan."









Naalala kong sabi sa akin ni Light Goddess. Kailangan kong gawin iyon para sa buong angkan ng Light Clan at para sa mga mahal ko at mga kaibigan ko. I am Kathleen Eun, hindi man alam ang buong pagkatao ko, hindi man alam kung ano ang buhay na mayroon ako ay handang gawin ang lahat para sa mga taong mahal ko. Tinatanggap ko ng buong-buo ang mundong ginagalawan ko ngayon, ang mundong tumawag sa akin para mapadpad dito. Ang mundong hindi ako familiar ngunit nagbigay sa akin ng karanasan at nagparamdam sa akin ng pagmamahal mula sa mga taong nakasalamuha at nakasama ko. Ang mundong nagbigay muli sa akin ng pag-asa na maging totoo sa totoong pagkatao ko. I am Kathleen Eun ay tinatanggap ko ang mundong ito at ang responsibilad ko sa mundong ito. Tinatanggap ko ikaw at tinatawag kita sa mga oras na ito.









"Shit! Kathleen!" Napamurang sigaw ni Dwayne.








Isang malakas na hangin ang bigla na lang namin naramdaman, hindi ito pankaraniwang hangin lamang, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa buong paligid pero naririnig ko na nahihirapan sila. Gusto ko ng umiyak, umiyak dahil I feel weak, I feel nothing and useless. Wala akong magawa para makatulong o tulungan ang mga kaibigan at mga kasamahan ko. Sa sobrang inis ko, sa sobrang frustration ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko at parang may kumukontrol sa buhay ko na hindi ko alam. I open my eyes at doon ko lang nakita ang buong paligid, halos magliparan ang mga tao na nandito sa sobrang lakas ng hangin, dahan-dahan akong bumangon hanggang sa nakatayo na ako sa aking pagkakahiga. Doon ko napagtanto ang nangyayari, doon halos wasak ang buong gubat. I close my eyes tightly and saka ako nagconcentrate. I relax my mind and my self, hanggang sa may naramdaman akong mainit sa buong katawan ko, parang mapapaso ako sa sobrang init.










"Haaaaaaaaaaaah!!!!" Hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw sa sobrang init ng aing naramdaman.






"Kathleen! Anong ginagawa mo?" I heard Mika shouted at ramdam ko ang pag-alala nito.








Hindi ko alam, hindi ko alam pero alam ko, alam ko na may nangyayari sa akin. Nanghihina na ako, nanghihina ako sa kakaibang sensasiyon na aking naramdaman. Kakaiba itong naramdaman ko.









"No! Kathleen!" Huling rinig ko mula sa aking mga kaibigan bago ako nawalan ng malay. Pero may napansin ako bago ako nawalan ng malay isang malakas na kapangyarihan.


















-------------



Para sa mga nagrerequest ng update. Ito na po para sa inyo.

Enjoy and Godbless!

Please don't forget to vote and leave a comment....





chellie15

Elementansia Magical Academy: The Elemental Keeper (On-Going) [Slow Update]Where stories live. Discover now