Chapter 13: Mission is Mission

35 0 2
                                    




Dwayne's POV







Napatitig na lamang ako sa tumatakbong papalayo na si Kathleen. Napabuntong-hininga ako ng makita ang lungkot ng mga mata nito, lungkot at sakit. Alam ko naman na nagsisinungaling ito sa lahat ng kanyang sinabi sa akin. She's smart at napakagaling nito magtago ng sekreto ngunit hindi ito magaling magsinungaling. I know her, sa maikling panahon na nagsama kami sa EMA ay nakilala ko ito, ang isang katulad na Kathleen Eun.








Napaupo na lamang ako sa bench at saka napatingala. I heave another deep sigh, at napapailing na lamang. Hindi ko alam kung anong mission ang gagawin niya dito sa mundo ng mortal pero sa nakikita ko parang napakalaki at napakabigat na mission. Tumayo na ako at saka binaybay ang daan pabalik ng building.







Habang naglalakad ako papasok ng building ay may lumapit sa akin na grupo ng mga babae. Hinarangan ako ng mga ito at nagkanya-kanyang pa cute pa. Aish! Tiningnan ko lang sila ng walang gana at saka bumuntong hininga para pakalmahin ang aking sarili.




"What do you want?"





Walang emosyong tanong ko sa kanila. Medyo napaatras naman sila sa paraan ng pagkakatanong ko.



"Uhmmm... Hi! I'm Dianna. It's my pleasure to meet you!"




Malaking ngiting saad nito sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Tiningnan ko lang ito ng walang gana at medyo pinahilig ko 'yong ulo ko na nagsaad na naiirita na ako. Rude ba? Eh, sa ganito na ako eh, wala naman akong pakialam kung sino siya, sila at mas lalong ayaw kong magpahawak ng kahit sinong-sino.



"I don't have a time & I don't want to know you, so back off ",




Walang emosyon at ganang sabi ko sa kanya. Sabay lampas ko sa kanya at sa apat pa na kasama nito. Nasa may hagdanan na ako ng hablutin ako nito na siyang mas lalong ikina-inis ko. Pinagtitimpi ko lang talaga 'yong sarili ko dahil ayaw kong makasakit ng babae.





"Damn it!"




Inis at naiiritang sambit ko at alam ko naman na narinig niya din iyon kaya napabitaw agad siya. I look at her coldly and irritably.




"Magpasalamat ka nga dahil binigyan kita ng attention at nagpakilala pa ako mismo sa'yo. 'Yong iba nga nagkakandarapa pa para lang magpakilala sa akin tapos ikaw, tatalikuran mo lang ang isang Queen dito sa school na ito? For your information ako lang naman ang nag-iisang Queen sa school na ito."




Proud nasabi nito sa akin at talagang pinamukha niya pa at kinandarapa ang posisyon niya sa school na ito. Wala naman akong pakialam dahil hindi naman ako tagadito at wala akong panahon para kilalanin siya.



"Tss."



Tanging sambit ko at saka ko ito tinalikuran na. Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad ko habang ang dalawang kamay ko ay nasa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Rinig ko naman ang pagpapadyak nito sa sobrang inis.




Sa aking paglalakad ay hindi nakaligtas sa akin mga mata ang isang tao na nakatayo sa medyo di kalayuan sa akin at nakangiti ito o mas tamang sabihin na nakangisi ito. Kaya napangisi na rin ako kasi alam ko na alam na alam nito ang pagkatao ko. She knows me and I know her too, at siya lang ang babae na kinakausap ko ng matagal at sinasagot ko ng mahaba, si Kathleen Eun lang. Kinakausap ko rin naman ang mga kasama namin na babae, tanging ang Sue Generis Family lang lamang makakausap sa akin at at makakahawak sa akin.




Elementansia Magical Academy: The Elemental Keeper (On-Going) [Slow Update]Where stories live. Discover now